9 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Masagana sa Ehipto

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Exodo 16:3

At sinabi sa kanila ng mga anak ni Israel, Namatay na sana kami sa pamamagitan ng kamay ng Panginoon sa lupain ng Egipto, nang kami ay nauupo sa tabi ng mga palyok ng karne, nang kami ay kumakain ng tinapay hanggang sa mabusog; sapagka't kami ay inyong dinala sa ilang na ito, upang patayin ng gutom ang buong kapisanang ito.

1 Mga Hari 11:22

Sinabi nga ni Faraon sa kaniya, Datapuwa't anong ipinagkukulang mo sa akin, na, narito, ikaw ay nagsisikap na umuwi sa iyong sariling lupain? At siya'y sumagot: Wala: gayon ma'y isinasamo ko sa iyo na payaunin mo ako sa anomang paraan.

Genesis 41:29

Narito, dumarating ang pitong taong may malaking kasaganaan sa buong lupain ng Egipto;

Genesis 41:34

Gawing ganito ni Faraon, at maglagay ng mga tagapamahala sa lupain, na paglimahing bahagi ang lupain ng Egipto sa loob ng pitong taon ng kasaganaan.

Genesis 41:47

At sa pitong taong sagana ay nagdulot ang lupa ng sagana.

Genesis 41:53

At ang pitong taon ng kasaganaan na nagkaroon sa lupain ng Egipto ay natapos.

Genesis 41:49

At si Jose ay nagkamalig ng trigo na parang buhangin sa dagat, na napakarami hanggang sa hindi nabilang; sapagka't walang bilang.

Genesis 45:18

At dalhin ninyo ang inyong ama at ang inyong mga sangbahayan, at pumarito kayo sa akin: at aking ibibigay sa inyo ang pinakamabuti sa lupain ng Egipto, at kakanin ninyo ang katabaan ng lupain.

Mga Bilang 16:13

Munting bagay pa ba na kami ay iyong pinasampa sa isang lupain na binubukalan ng gatas at pulot, upang kami ay patayin sa ilang, kundi napapanginoon ka pa mandin sa amin?

Never miss a post

n/a