7 Talata sa Bibliya tungkol sa Messias, Psalmo tungkol sa

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Awit 2:1-12

Bakit ang mga bansa ay nangagugulo, at ang mga bayan ay nangagaakala ng walang kabuluhang bagay? Ang mga hari sa lupa ay nagsisihanda, at ang mga pinuno ay nagsasanggunian, Laban sa Panginoon at laban sa kaniyang pinahiran ng langis, na sinasabi: Lagutin natin ang kanilang tali, at ating iwaksi ang kanilang mga panali sa atin.magbasa pa.
Siyang nauupo sa kalangitan ay tatawa: ilalagay sila ng Panginoon sa kakutyaan. Kung magkagayo'y magsasalita siya sa kanila sa kaniyang poot, at babagabagin sila sa kaniyang malabis na sama ng loob: Gayon ma'y inilagay ko ang aking hari sa aking banal na bundok ng Sion. Aking sasaysayin ang tungkol sa pasiya: sinabi ng Panginoon sa akin, Ikaw ay aking anak; sa araw na ito ay ipinanganak kita. Humingi ka sa akin, at ibibigay ko sa iyo ang mga bansa na iyong pinakamana, at ang mga pinakadulong bahagi ng lupa ay iyong pinakaari. Sila'y iyong babaliin ng isang pamalong bakal; iyong dudurugin sila na parang isang sisidlan ng magpapalyok. Ngayon nga'y magpakapantas kayo, Oh kayong mga hari: mangatuto kayo, kayong mga hukom sa lupa. Kayo'y mangaglingkod sa Panginoon na may takot, at mangagalak na may panginginig. Hagkan ninyo ang anak, baka magalit siya, at kayo'y mangapahamak sa daan, sapagka't ang kaniyang poot ay madaling magalab. Mapapalad ang nanganganlong sa kaniya.

Awit 45:1-17

Ang aking puso ay nananagana sa isang mainam na bagay: aking sinasalita ang mga bagay na aking ginawa tungkol sa hari: ang aking dila ay panulat ng bihasang manunulat. Ikaw ay maganda kay sa mga anak ng mga tao; biyaya ay nabubuhos sa iyong mga labi: kaya't pinagpala ka ng Dios magpakailan man. Ibigkis mo ang iyong tabak sa iyong hita, Oh makapangyarihan, kalakip ang iyong kaluwalhatian at ang iyong kamahalan.magbasa pa.
At sa iyong kamahalan ay sumakay kang may kaginhawahan, dahil sa katotohanan, at sa kaamuan, at sa katuwiran: at ang iyong kanan ay magtuturo sa iyo ng kakilakilabot na mga bagay. Ang iyong mga palaso ay matulis; ang mga bayan ay nangabubuwal sa ilalim mo: sila'y nangasa puso ng mga kaaway ng hari. Ang iyong luklukan, Oh Dios, ay magpakailan-kailan man: cetro ng kaganapan ang cetro ng iyong kaharian. Iyong iniibig ang katuwiran, at pinagtataniman ang kasamaan: kaya't ang Dios, ang iyong Dios, ay nagpahid sa iyo ng langis, ng langis ng kasayahan na higit kay sa iyong mga kasama. Ang lahat ng iyong mga damit ay amoy mira, at aloe, at kasia: mula sa bahay-haring garing ay pinasasaya ka ng mga panugtog na kawad. Ang mga anak na babae ng hari ay nangasa gitna ng iyong mga marangal na babae: sa iyong kanan ay nakatayo ang reyna na may ginto sa Ophir. Iyong dinggin, Oh anak na babae, at iyong pakundanganan, at ikiling mo ang iyong pakinig; kalimutan mo naman ang iyong sariling bayan, at ang bahay ng iyong magulang; Sa gayo'y nanasain ng hari ang iyong kagandahan; sapagka't siya'y iyong panginoon; at sumamba ka sa kaniya. At ang anak na babae ng Tiro ay dodoon na may kaloob; pati ng mayaman sa gitna ng iyong bayan ay mamamanhik ng iyong lingap. Ang anak na babae ng hari ay totoong maluwalhati sa bahay-hari. Ang kaniyang suot ay yaring may ginto. Siya'y ihahatid sa hari na may suot na bordado: ang mga dalaga, na kaniyang mga kasama na nagsisisunod sa kaniya, ay dadalhin sa iyo. May kasayahan at kagalakan na ihahatid sila: sila'y magsisipasok sa bahay-hari. Sa halip ng iyong mga magulang ay ang iyong mga anak, na siya mong gagawing mga pangulo sa buong lupa. Aking ipaaalaala ang iyong pangalan sa lahat ng sali't saling lahi: kaya't ang mga bayan ay mangagpapasalamat sa iyo magpakailan-kailan man.

Awit 72:1-20

Ibigay mo sa hari ang iyong mga kahatulan, Oh Dios, at ang iyong katuwiran sa anak na lalake ng hari. Kaniyang hahatulan ang iyong bayan, ng katuwiran, at ang iyong dukha, ng kahatulan. Ang mga bundok ay magtataglay ng kapayapaan sa bayan, at ang mga gulod, sa katuwiran.magbasa pa.
Kaniyang hahatulan ang dukha sa bayan, kaniyang ililigtas ang mga anak ng mapagkailangan, at pagwawaraywarayin ang mangaapi. Sila'y mangatatakot sa iyo habang nananatili ang araw, at habang sumisilang ang buwan, sa lahat ng sali't saling lahi. Siya'y babagsak na parang ulan sa tuyong damo: gaya ng ambon na dumidilig sa lupa. Sa kaniyang mga kaarawan ay giginhawa ang mga matuwid; at saganang kapayapaan, hanggang sa mawala ang buwan. Siya naman ay magtataglay ng pagpapakapanginoon sa dagat at dagat, at mula sa ilog hanggang sa mga wakas ng lupa. Silang nagsisitahan sa ilang ay magsisiyukod sa kaniya; at hihimuran ng kaniyang mga kaaway ang alabok. Ang mga hari ng Tharsis, at sa mga pulo ay mangagdadala ng mga kaloob; ang mga hari sa Sheba at Seba ay mangaghahandog ng mga kaloob. Oo, lahat ng mga hari ay magsisiyukod sa harap niya: lahat ng mga bansa ay mangaglilingkod sa kaniya. Sapagka't kaniyang ililigtas ang mapagkailangan pagka dumadaing; at ang dukha na walang katulong. Siya'y maaawa sa dukha at mapagkailangan, at ang mga kaluluwa ng mga mapagkailangan ay kaniyang ililigtas. Tutubusin niya ang kanilang kaluluwa sa kapighatian at karahasan; at magiging mahalaga ang kanilang dugo sa kaniyang paningin: At siya'y mabubuhay at sa kaniya'y ibibigay ang ginto ng Sheba: at dadalanginang lagi siya ng mga tao: pupurihin nila siya buong araw. Magkakaroon ng saganang trigo sa lupa sa taluktok ng mga bundok; ang bunga niyao'y uugang gaya ng Libano: at silang sa bayan ay giginhawa na parang damo sa lupa. Ang kaniyang pangalan ay mananatili kailan man; ang kaniyang pangalan ay magluluwat na gaya ng araw: at ang mga tao ay pagpapalain sa kaniya; tatawagin siyang maginhawa ng lahat ng mga bansa. Purihin ang Panginoong Dios, ang Dios ng Israel, na siya lamang gumagawa ng mga kababalaghang bagay: At purihin ang kaniyang maluwalhating pangalan magpakailan man; at mapuno ang buong lupa ng kaniyang kaluwalhatian. Siya nawa, at Siya nawa. Ang mga dalangin ni David na anak ni Isai ay nangatapos.

Awit 110:1-7

Sinabi ng Panginoon sa aking panginoon, umupo ka sa aking kanan, hanggang sa aking gawing tungtungan mo ang iyong mga kaaway. Pararatingin ng Panginoon ang setro ng iyong kalakasan mula sa Sion: magpuno ka sa gitna ng iyong mga kaaway. Ang bayan mo'y naghahandog na kusa sa kaarawan ng iyong kapangyarihan, sa kagandahan ng kabanalan: mula sa bukang liwayway ng umaga, ikaw ay may hamog ng iyong kabinataan.magbasa pa.
Sumumpa ang Panginoon, at hindi magsisisi, Ikaw ay saserdote magpakailan man ayon sa pagkasaserdote ni Melchisedech. Ang Panginoon sa iyong kanan ay hahampas sa mga hari sa kaarawan ng kaniyang poot. Siya'y hahatol sa gitna ng mga bansa, kaniyang pupunuin ng mga bangkay ang mga pook; siya'y manghahampas ng ulo sa maraming lupain. Siya'y iinom sa batis sa daan: kaya't siya'y magtataas ng ulo.

Awit 16:1-11

Ingatan mo ako, Oh Dios; sapagka't sa iyo nanganganlong ako. Oh kaluluwa ko, iyong sinabi sa Panginoon, ikaw ay aking Panginoon: ako'y walang kabutihan liban sa iyo. Tungkol sa mga banal na nangasa lupa, sila ang maririlag na mga kinalulugdan kong lubos.magbasa pa.
Ang mga kalumbayan nila ay dadami, na nangaghahandog sa ibang dios: ang kanilang inuming handog na dugo ay hindi ko ihahandog, ni sasambitin man ang kanilang mga pangalan sa aking mga labi. Ang Panginoon ay siyang bahagi ng aking mana at ng aking saro: iyong inaalalayan ang aking kapalaran. Ang pising panukat ay nangahulog sa akin sa mga maligayang dako; Oo, ako'y may mainam na mana. Aking pupurihin ang Panginoon na nagbibigay sa akin ng payo: Oo, tinuturuan ako sa gabi ng aking puso. Aking inilagay na lagi ang Panginoon sa harap ko: sapagka't kung siya ay nasa aking kanan, hindi ako makikilos. Kaya't ang aking puso ay masaya, at ang aking kaluwalhatian ay nagagalak: ang akin namang katawan ay tatahang tiwasay. Sapagka't hindi mo iiwan ang aking kaluluwa sa Sheol; ni hindi mo man titiisin ang iyong banal ay makakita ng kabulukan. Iyong ituturo sa akin ang landas ng buhay: nasa iyong harapan ang kapuspusan ng kagalakan; sa iyong kanan ay may mga kasayahan magpakailan man.

Awit 22:1-31

Dios ko, Dios ko, bakit mo ako pinabayaan? Bakit ka napaka layo sa pagtulong sa akin, at sa mga salita ng aking pagangal? Oh Dios ko, ako'y humihiyaw sa araw, nguni't hindi ka sumasagot: at sa gabi, at hindi ako tahimik. Nguni't ikaw ay banal, Oh ikaw na tumatahan sa mga pagpuri ng Israel.magbasa pa.
Ang aming mga magulang ay nagsitiwala sa iyo: sila'y nagsitiwala, at iyong iniligtas sila. Sila'y nagsidaing sa iyo at nangaligtas: sila'y nagsitiwala sa iyo, at hindi nangapahiya. Nguni't ako'y uod at hindi tao; duwahagi sa mga tao, at hinamak ng bayan. Silang lahat na nangakakita sa akin ay tinatawanang mainam ako: inilalawit nila ang labi, iginagalaw nila ang ulo, na sinasabi, Magpakatiwala ka sa Panginoon; iligtas niya siya: iligtas niya siya yamang kinaluluguran niya siya: Nguni't ikaw ang naglabas sa akin sa bahay-bata: Pinatiwala mo ako nang ako'y nasa mga suso ng aking ina. Ako'y nahagis sa iyo mula sa bahay-bata: ikaw ay aking Dios mulang dalhin ako sa tiyan ng aking ina. Huwag mo akong layuan; sapagka't kabagabagan ay malapit; sapagka't walang tumulong. Niligid ako ng maraming toro; mga malakas na toro ng Basan ay kumulong sa akin. Sila'y magbubuka sa akin ng kanilang bibig, na gaya ng sumasakmal at umuungal na leon. Ako'y nabuhos na parang tubig, at lahat ng aking mga buto ay nangapapalinsad: ang aking puso ay parang pagkit; natutunaw ito sa loob ko. Ang aking kalakasan ay natuyo na parang bibinga; at ang aking dila ay dumidikit sa aking ngalangala; at dinala mo ako sa alabok ng kamatayan. Sapagka't niligid ako ng mga aso: kinulong ako ng pulutong ng mga manggagawa ng masama; binutasan nila ang aking mga kamay at ang aking mga paa. Aking maisasaysay ang lahat ng aking mga buto; kanilang minamasdan, at pinapansin ako: Hinapak nila ang aking mga kasuutan sa gitna nila, at kanilang pinagsapalaran ang aking kasuutan. Nguni't huwag kang lumayo, Oh Panginoon: Oh ikaw na aking saklolo, magmadali kang tulungan mo ako. Iligtas mo ang aking kaluluwa sa tabak; ang aking minamahal sa kapangyarihan ng aso. Iligtas mo ako sa bibig ng leon; Oo, mula sa mga sungay ng torong gubat ay sinagot mo ako. Aking ipahahayag ang iyong pangalan sa aking mga kapatid: sa gitna ng kapulungan ay pupurihin kita. Kayong nangatatakot sa Panginoon ay magsipuri sa kaniya: kayong lahat na binhi ni Jacob ay lumuwalhati sa kaniya; at magsitayong may takot sa kaniya, kayong lahat na binhi ni Israel. Sapagka't hindi niya hinamak o pinagtaniman man ang kadalamhatian ng nagdadalamhati; ni ikinubli man niya ang kaniyang mukha sa kaniya; kundi nang siya'y dumaing sa kaniya, ay kaniyang dininig. Sa iyo nanggagaling ang pagpuri sa akin sa dakilang kapisanan: aking tutuparin ang aking mga panata sa harap nila na nangatatakot sa kaniya. Ang maamo ay kakain at mabubusog: kanilang pupurihin ang Panginoon na humanap sa kaniya; mabuhay nawa ang iyong puso magpakailan man. Lahat ng mga wakas ng lupa ay makakaalaala, at magsisipanumbalik sa Panginoon: at lahat ng mga angkan ng mga bansa ay magsisisamba sa harap mo. Sapagka't ang kaharian ay sa Panginoon: at siya ang puno sa mga bansa. Lahat na matataba sa lupa ay magsisikain, at magsisisamba: silang lahat na nagsisibaba sa alabok ay magsisiyukod sa harap niya, sa makatuwid baga'y ang hindi makapagingat na buhay ng kaniyang kaluluwa. Isang binhi ay maglilingkod sa kaniya, sasaysayin ang Panginoon sa susunod na salin ng lahi, Sila'y magsisiparoon at mangaghahayag ng kaniyang katuwiran, sa bayan na ipanganganak ay ibabalita, yaong kaniyang ginawa.

Awit 40:1-17

Aking hinintay na may pagtitiis ang Panginoon; at siya'y kumiling sa akin, at dininig ang aking daing. Isinampa naman niya ako mula sa isang kakilakilabot na balon, mula sa balahong malagkit; at itinuntong niya ang aking mga paa sa isang malaking bato, at itinatag ang aking mga paglakad. At siya'y naglagay ng bagong awit sa aking bibig, sa makatuwid baga'y pagpuri sa aming Dios: marami ang mangakakakita at mangatatakot, at magsisitiwala sa Panginoon.magbasa pa.
Mapalad ang tao na ginagawang kaniyang tiwala ang Panginoon, at hindi iginagalang ang palalo, ni ang mga naliligaw man sa pagsunod sa mga kabulaanan. Marami, Oh Panginoon kong Dios, ang mga kagilagilalas na mga gawa na iyong ginawa, at ang iyong mga pagiisip sa amin: hindi malalagay na maayos sa harap mo; kung ako'y magpapahayag at sasalitain ko sila, sila'y higit kay sa mabibilang. Hain at handog ay hindi mo kinaluluguran; ang aking pakinig ay iyong binuksan: handog na susunugin, at handog tungkol sa kasalanan ay hindi mo hiningi. Nang magkagayo'y sinabi ko: Narito, dumating ako; sa balumbon ng aklat ay nakasulat tungkol sa akin: Aking kinalulugurang sundin ang iyong kalooban, Oh Dios ko; Oo, ang iyong kautusan ay nasa loob ng aking puso. Ako'y nagpahayag ng mabuting balita ng katuwiran sa dakilang kapisanan; narito, hindi ko pipigilin ang aking mga labi, Oh Panginoon, iyong nalalaman. Hindi ko ikinubli ang iyong katuwiran sa loob ng aking puso; aking ibinalita ang iyong pagtatapat, at ang iyong pagliligtas: hindi ko inilihim ang iyong kagandahang-loob at ang iyong katotohanan sa dakilang kapisanan. Huwag mong pigilin sa akin ang iyong mga malumanay na kaawaan, Oh Panginoon: panatilihin mong lagi sa akin ang iyong kagandahang-loob at ang iyong katotohanan. Sapagka't kinulong ako ng walang bilang na kasamaan. Ang mga kasamaan ko ay umabot sa akin, na anopa't hindi ako makatingin; sila'y higit kay sa mga buhok ng aking ulo, at ang aking puso ay nagpalata sa akin. Kalugdan mo nawa, Oh Panginoon, na iligtas ako: Ikaw ay magmadaling tulungan mo ako, Oh Panginoon. Sila'y mangapahiya nawa at mangatulig na magkakasama na nagsisiusig ng aking kaluluwa upang ipahamak: Sila nawa'y mangapaurong at mangadala sa kasiraang puri na nangalulugod sa aking kapahamakan. Mangapahamak nawa sila dahil sa kanilang kahihiyan na nangagsasabi sa akin, Aha, aha. Mangagalak at mangatuwa nawa sa iyo ang lahat na nagsisihanap sa iyo: yaong nangagiibig ng iyong kaligtasan ay mangagsabi nawang palagi, Ang Panginoon ay dakilain. Nguni't ako'y dukha at mapagkailangan; Gayon ma'y inalaala ako ng Panginoon: Ikaw ang aking saklolo at aking tagapagligtas; huwag kang magluwat, Oh Dios ko.

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a