12 Talata sa Bibliya tungkol sa Mga Kapanganakan na dulot ng Hula
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
At sinabi sa kaniya ng anghel ng Panginoon, Narito't ikaw ay nagdadalang-tao at ikaw ay manganganak ng isang lalake; at ang itatawag mo sa kaniyang ngalan ay Ismael, sapagka't diningig ng Panginoon ang iyong kadalamhatian.
At sinabi niya, Walang salang di ako babalik sa iyo sa ganitong panahon ng taong darating; at narito't si Sara na iyong asawa ay magkakaanak ng isang lalake. At narinig ni Sara sa pintuan ng tolda, na nasa likod niya.
At napakita ang anghel ng Panginoon sa babae, at nagsabi sa kaniya, Narito ngayon, ikaw ay baog at hindi ka nagkakaanak: nguni't ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang lalake.
At siya'y sumigaw laban sa dambana ayon sa salita ng Panginoon, at nagsabi, Oh dambana, dambana, ganito ang sabi ng Panginoon: Narito, isang bata'y ipanganganak sa sangbahayan ni David na ang pangalan ay Josias: at sa iyo'y ihahain ang mga saserdote ng mga mataas na dako na nagsisipagsunog ng kamangyan sa iyo, at mga buto ng mga tao ang kanilang susunugin sa iyo.
At kaniyang sinabi, Sa panahong ito, pagpihit ng panahon, ikaw ang kakalong ng isang anak na lalake. At kaniyang sinabi, Hindi panginoon ko, ikaw na lalake ng Dios huwag kang magsinungaling sa iyong lingkod.
Sapagka't sa atin ay ipinanganak ang isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalake; at ang pamamahala ay maaatang sa kaniyang balikat: at ang kaniyang pangalan ay tatawaging Kamanghamangha, Tagapayo, Makapangyarihang Dios, Walang hanggang Ama, Pangulo ng Kapayapaan.
At siya'y manganganak ng isang lalake; at ang pangalang itatawag mo sa kaniya'y JESUS; sapagka't ililigtas niya ang kaniyang bayan sa kanilang mga kasalanan.
Datapuwa't sinabi sa kaniya ng anghel, Huwag kang matakot, Zacarias: sapagka't dininig ang daing mo, at ang asawa mong si Elisabet ay manganganak sa iyo ng isang anak na lalake, at tatawagin mong Juan ang kaniyang pangalan.
At siya'y nanata ng isang panata, at nagsabi, Oh Panginoon ng mga hukbo, kung tunay na iyong lilingunin ang pagkapighati ng iyong lingkod, at aalalahanin mo at hindi mo kalilimutan ang iyong lingkod, kundi iyong pagkakalooban ang iyong lingkod ng anak na lalake, ay akin ngang ibibigay sa Panginoon sa lahat ng kaarawan ng kaniyang buhay, at walang pangahit na daraan sa kaniyang ulo.
Ganito ang sabi ng Panginoon sa kaniyang pinahiran ng langis, kay Ciro, na ang kanang kamay ay aking hinawakan, upang magpasuko ng mga bansa sa harap niya; at aking kakalagan ang mga balakang ng mga hari; upang magbukas ng mga pintuan sa unahan niya, at ang mga pintuang-bayan ay hindi masasarhan; Ako'y magpapauna sa iyo, at, papatagin ko ang mga bakobakong dako: aking pagwawaraywarayin ang mga pintuang tanso, at aking puputulin ang mga halang na bakal: At ibibigay ko sa iyo ang mga kayamanang nasa kadiliman, at ang mga natatagong kayamanan sa mga lihim na dako, upang inyong maalaman na ako ang Panginoon na tumatawag sa iyo sa inyong pangalan, sa makatuwid baga'y ang Dios ng Israel.magbasa pa.
Dahil sa Jacob na aking lingkod, at sa Israel na aking pinili tinawag kita sa iyong pangalan: aking pinamagatan ka, bagaman hindi mo nakilala ako.
At papagaalitin ko ikaw at ang babae, at ang iyong binhi at ang kaniyang binhi: ito ang dudurog ng iyong ulo, at ikaw ang dudurog ng kaniyang sakong.
Ngayon ay mapipisan ka sa mga hukbo, Oh anak na babae ng mga hukbo: siya'y nangubkob laban sa atin; kanilang hahampasin sa pisngi ang hukom ng Israel ng isang tungkod. Nguni't ikaw, Beth-lehem Ephrata, na maliit upang lumagay sa libolibo ng Juda, mula sa iyo ay lalabas sa akin ang isa na magpupuno sa Israel; na ang pinagbuhatan niya ay mula nang una, mula nang walang hanggan. Kaya't kaniyang ibibigay sila hanggang sa panahon na siya na nagdaramdam ay manganak: kung magkagayon ang nalabi sa kaniyang mga kapatid ay babalik sa mga anak ni Israel.