4 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Mga Taong Lasing

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

2 Samuel 11:13

At nang tawagin siya ni David, siya'y kumain at uminom sa harap niya; at kaniyang nilango siya: at sa kinahapunan, siya'y lumabas upang mahiga sa kaniyang higaan na kasama ng mga lingkod ng kaniyang panginoon, nguni't hindi niya binaba ang kaniyang bahay.

Jeremias 35:2-6

Pumaroon ka sa bahay ng mga Rechabita, at magsalita ka sa kanila, at iyong dalhin sila sa bahay ng Panginoon, sa isa sa mga silid, at bigyan mo sila ng alak na mainom. Nang magkagayo'y kinuha ko si Jazanias na anak ni Jeremias, na anak ni Habassinias, at ang kaniyang mga kapatid, at ang lahat niyang anak, at ang buong sangbahayan ng mga Rechabita; At dinala ko sila sa bahay ng Panginoon, sa silid ng mga anak ni Hanan na anak ni Igdalias, na lalake ng Dios, na nasa siping ng silid ng mga prinsipe, na nasa itaas ng silid ni Maasias na anak ni Sallum, na tagatanod ng pintuan.magbasa pa.
At aking inilagay sa harap ng mga anak ng sangbahayan ng mga Rechabita ang mga mankok na puno ng alak, at ang mga saro, at aking sinabi sa kanila, Magsisiinom kayo ng alak. Nguni't kanilang sinabi, Kami ay hindi magsisiinom ng alak; sapagka't si Jonadab na anak ni Rechab na aming magulang ay nagutos sa amin, na nagsasabi, Huwag kayong magsisiinom ng alak, maging kayo, o ang inyong mga anak man, magpakailan man:

Amos 2:12

Nguni't binigyan ninyo ang mga Nazareo ng alak na maiinom, at inutusan ninyo ang mga propeta, na sinasabi, Huwag kayong manganghuhula.

Never miss a post

n/a