21 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Mga Taong Nagtuturo

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Awit 105:22

Upang talian ang kaniyang mga pangulo sa kaniyang kaligayahan, at turuan ang kaniyang mga kasangguni ng karunungan.

Deuteronomio 31:22

Kaya't isinulat ni Moises ang awit na ito nang araw ding yaon, at itinuro sa mga anak ni Israel.

2 Mga Hari 12:2

At gumawa si Joas ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon, sa lahat ng kaniyang kaarawan na ipinagturo sa kaniya ni Joiada na saserdote.

Mangangaral 12:9

At bukod dito, sapagka't ang Mangangaral ay pantas, ay nagpatuloy siya ng pagtuturo ng kaalaman sa bayan; oo, siya'y nagaral, at sumiyasat, at umayos ng maraming kawikaan.

Job 4:3

Narito, ikaw ay nagturo sa marami, at iyong pinalakas ang mahinang mga kamay.

Jeremias 13:21

Ano ang iyong sasabihin pagka kaniyang inilagay ang iyong mga kaibigan na pinakapangulo mo, na wari iyong tinuruan sila laban sa iyo? hindi baga mamamanglaw ka, ng parang isang babae na nagdaramdam?

Deuteronomio 32:2

Ang aking aral ay papatak na parang ulan; Ang aking salita ay bababa na parang hamog; Gaya ng ambon sa malambot na damo, At gaya ng mahinang ambon sa gugulayin:

Awit 51:13

Kung magkagayo'y ituturo ko sa mga mananalangsang ang iyong mga lakad; at ang mga makasalanan ay mangahihikayat sa iyo.

Mga Taga-Roma 2:21

Ikaw nga na nagtuturo sa iba, hindi mo tinuturuan ang iyong sarili? ikaw na nangangaral sa tao na huwag magnanakaw, ay nagnanakaw ka?

Jeremias 9:20

Gayon ma'y inyong dinggin ang salita ng Panginoon, Oh ninyong mga babae, at tanggapin ng inyong pakinig ang salita ng kaniyang bibig; at turuan ninyo ang inyong mga anak na babae ng panangis, at turuan ng bawa't isa ang kaniyang kapuwa ng panaghoy.

Mga Hukom 8:16

At kaniyang kinuha ang mga matanda sa bayan, at mga tinik sa ilang at mga dawag, at sa pamamagitan ng mga yaon ay kaniyang tinuruan ang mga lalake sa Succoth.

Daniel 1:5

At ipinagtakda ng hari sila ng bahagi sa araw sa pagkain ng hari, at sa alak na kaniyang iniinom, at sila'y kakandilihin na tatlong taon; upang sa wakas niyao'y mangakatayo sila sa harap ng hari.

1 Paralipomeno 15:22

At si Chenanias, na pinuno ng mga Levita, nasa pamamahala sa awitan: siya ang nagtuturo tungkol sa pagawit, sapagka't siya'y bihasa.

Never miss a post

n/a