14 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Mga Taong Sumigla

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Kawikaan 25:13

Kung paano ang lamig ng niebe sa panahon ng pagaani, gayon ang tapat na sugo sa kanila na nangagsugo sa kaniya; sapagka't kaniyang pinagiginhawa ang kaluluwa ng kaniyang mga panginoon.

Genesis 18:5

At magdadala ako ng isang subong tinapay at inyong palakasin ang inyong puso; at pagkatapos ay magsisipagtuloy kayo: yamang kayo'y naparito sa inyong lingkod, At nagsipagsabi, Mangyari ang ayon sa iyong sinabi.

1 Samuel 14:27

Nguni't hindi narinig ni Jonathan, nang ibilin ng kaniyang ama sa bayan na may sumpa: kaya't kaniyang iniunat ang dulo ng tungkod na nasa kaniyang kamay at isinagi sa pulot, at inilagay ang kaniyang kamay sa kaniyang bibig, at ang kaniyang mga mata ay lumiwanag.

1 Samuel 14:29

Nang magkagayo'y sinabi ni Jonathan, Binagabag ng aking ama ang lupain: tingnan ninyo, isinasamo ko sa inyo, kung paanong ang aking mga mata ay lumiwanag, sapagka't ako'y lumasa ng kaunti sa pulot na ito.

1 Samuel 16:23

At nangyari, pagka ang masamang espiritu na mula sa Dios ay sumasa kay Saul, ay kinukuha ni David ang alpa, at tinutugtog ng kaniyang kamay: gayon nagiginhawahan si Saul, at bumubuti, at ang masamang espiritu ay nahihiwalay sa kaniya.

2 Samuel 16:14

At ang hari at ang buong bayan na nasa kaniya ay nagsidating na pagod; at siya'y nagpahinga roon.

1 Mga Hari 13:7

At sinabi ng hari sa lalake ng Dios, Umuwi kang kasama ko, at kumain ka, at bibigyan kita ng kagantihan.

2 Corinto 7:13

Kaya't kami'y pawang nangaaliw: at sa aming pagkaaliw ay bagkus pang nangagalak kami dahil sa kagalakan ni Tito, sapagka't ang kaniyang espiritu ay inaliw ninyong lahat.

2 Timoteo 1:16

Pagkalooban nawa ng Panginoon ng habag ang sangbahayan ni Onesiforo: sapagka't madalas niya akong pinaginhawa, at hindi ikinahiya ang aking tanikala;

Filemon 1:20

Oo, kapatid, magkaroon nawa ako ng katuwaan sa iyo sa Panginoon: panariwain mo ang aking puso kay Cristo.

1 Corinto 16:18

Sapagka't inaliw nila ang aking espiritu at ang inyo: magsikilala nga kayo sa mga gayon.

Never miss a post

n/a