20 Talata sa Bibliya tungkol sa Nagpapanatiling Probidensiya

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Exodo 19:4

Inyong nakita ang aking ginawa sa mga Egipcio, at kung paanong dinala ko kayo sa mga pakpak ng agila, at kayo'y inilapit ko sa akin din.

Deuteronomio 1:31

At sa ilang, na inyong kinakitaan kung paanong dinala ka ng Panginoon ninyong Dios, na gaya ng pagdadala ng tao sa kaniyang anak, sa buong daang inyong nilakaran hanggang sa dumating kayo sa dakong ito.

Awit 18:35

Iyo namang ibinigay sa akin ang kalasag na iyong pangligtas: at inalalayan ako ng iyong kanan, at pinadakila ako ng iyong kahinahunan.

Awit 37:17

Sapagka't ang mga bisig ng masasama ay mangababali: nguni't inaalalayan ng Panginoon ang matuwid.

Awit 41:12

At tungkol sa akin, iyong inaalalayan ako sa aking pagtatapat, at inilalagay mo ako sa harap ng iyong mukha magpakailan man.

Awit 91:12

Kanilang dadalhin ka sa kanilang mga kamay, baka matisod ka ng iyong paa sa isang bato.

Isaias 41:10
Mga Konsepto ng TaludtodKatuwiranPagkabalisa at KalumbayanAko ay Kanilang Magiging DiyosHuwag Matakot sapagkat ang Diyos ay TutulongDiyos na Nagbibigay LakasPagkabalisa at TakotKatapangan at LakasTakot sa DiyosTakot at KabalisahanNababalisaPag-iingat ng DiyosTustosTulongPagtulongNatatakotNagtitiwala sa Diyos at Hindi NababalisaPagkabalisaPagiging TakotNagbibigay KaaliwanKahirapanPagiging KristyanoPakikipaglabanMasamang PamumunoPagiging tulad ni CristoMasamang PananalitaPagiging Ganap na KristyanoPagiging Tiwala ang LoobPagiisaMananakopPagiingatKatiyakan, Katangian ngKaaliwanPaghihirap, Kalakasan ng Loob tuwing mayKamay ng DiyosPinagtaksilanPagiisaKalakasan ng Loob sa BuhayMapagkakatiwalaanTiwala sa Diyos, Nagbubunga ng KatapanganPagiging Alam ang LahatAko ang PanginoonKalakasan, Ang Diyos ang AtingTakotPagasa at LakasPagiging PinagpalaDiyos na nasa IyoTamang GulangPagsagipDiyos, Katuwiran ngPagpapakamatay, Kaisipan ngPagiging Lingkod ng DiyosDiyos na Saiyo ay TutulongPagiingat mula sa DiyosKapayapaan sa Lumang Tipan, MakaDiyos naPag-aalinlangan, Pagtugon saKaisipan, Sakit ngDiyos na Nagbibigay LakasKanang Kamay ng DiyosPagiging MatulunginPawiin ang TakotKaaliwan kapag NagiisaPesimismoKaisipan, Kalusugan ngPuso, SinaktangKalakasan, EspirituwalDiyos na Sumasaiyo

Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo; huwag kang manglupaypay, sapagka't ako'y iyong Dios; aking palalakasin ka; oo, aking tutulungan ka; oo, aking aalalayan ka ng kanang kamay ng aking katuwiran.

Isaias 63:9

Sa lahat nilang kadalamhatian ay nagdadalamhati siya, at iniligtas sila ng anghel na nasa kaniyang harapan: sa kaniyang pagibig at sa kaniyang pagkaawa ay tinubos niya sila; at kaniyang kinilik sila at kinalong silang lahat noong araw.

Deuteronomio 6:24

At iniutos ng Panginoon sa amin na gawin ang lahat ng mga palatuntunang ito, na matakot sa Panginoon nating Dios, sa ikabubuti natin kailan man, upang ingatan niya tayong buhay, gaya sa araw na ito.

Josue 24:17

Sapagka't ang Panginoon nating Dios ay siyang nagsampa sa atin at sa ating mga magulang mula sa lupain ng Egipto, mula sa bahay ng pagkaalipin, at siyang gumawa ng mga dakilang tandang yaon sa ating paningin, at iningatan tayo sa lahat ng daan na ating pinaroonan, at sa gitna ng lahat ng mga bayan na ating dinaanan:

2 Samuel 8:6

Nang magkagayo'y naglagay si David ng mga pulutong sa Siria sa Damasco: at ang mga taga Siria ay nangaging mga alipin ni David, at nagsipagdala ng mga kaloob. At pinapagtagumpay ng Panginoon si David saan man siya pumaroon.

Awit 37:28

Sapagka't iniibig ng Panginoon ang kahatulan, at hindi pinababayaan ang kaniyang mga banal; sila'y iniingatan magpakailan man: nguni't ang lahi ng masama ay mahihiwalay.

Isaias 49:8

Ganito ang sabi ng Panginoon, Sa kalugodlugod na panahon ay sinagot kita, at sa araw ng pagliligtas ay tinulungan kita: at aking iningatan ka, at ibibigay kita na pinakatipan sa bayan, upang ibangon ang lupain, upang ipamana sa kanila ang mga sirang mana;

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a