11 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Nakaligtas, Pananakot sa mga

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Isaias 16:14

Nguni't ngayo'y nagsalita ang Panginoon, na nagsasabi, Sa loob ng tatlong taon, na gaya ng mga taon ng isang upahan, ay mawawalang kabuluhan ang kaluwalhatian ng Moab sangpu ng lahat niyang karamihan; at ang nalabi ay mangangaunti at walang halaga.

Levitico 26:36

At tungkol sa mga matitira sa inyo, ay sisidlan ko ng takot sa kanilang puso, sa mga lupain ng kaniyang mga kaaway: at hahabulin sila ng kalatis ng isang dahong nalalaglag; at sila'y tatakas na parang tumatakas sa tabak; at sila'y mabubuwal nang walang humahabol sa kanila.

Jeremias 8:3

At ang kamatayan ay pipiliin na higit kay sa kabuhayan ng lahat ng naiwang nalabi rito sa masamang angkan, na nalabi sa lahat ng dako na aking pinagtabuyan sa kanila, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

Levitico 26:39

At ang mga matitira sa inyo ay magsisipanglupaypay sa kanilang kasamaan sa mga lupain ng inyong mga kaaway; at sa mga kasamaan naman ng kanilang mga magulang ay magsisipanglupaypay na kasama nila.

2 Mga Hari 21:14

At aking ihihiwalay ang nalabi sa aking mana, at aking ibibigay sa kamay ng kanilang mga kaaway: at sila'y magiging bihag at samsam sa lahat nilang kaaway.

Ezekiel 5:10

Kaya't kakanin ng mga magulang ang mga anak sa gitna mo, at kakanin ng mga anak ang kanilang mga magulang; at ako'y maglalapat ng mga kahatulan sa iyo; at ang buong nalabi sa iyo ay aking pangangalatin sa lahat ng dako.

Ezekiel 17:21

At ang lahat niyang mga tanan sa lahat niyang pulutong ay mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak, at ang nalabi ay mangangalat sa bawa't dako: at inyong malalaman na akong Panginoon ang nagsalita niyaon.

1 Samuel 11:11

At naging gayon sa kinabukasan, na inilagay ni Saul ang bayan ng tatlong pulutong; at sila'y pumasok sa gitna ng kampamento sa pagbabantay sa kinaumagahan at sinaktan ang mga Ammonita hanggang sa kainitan ng araw: at nangyari, na ang mga nalabi ay nangalat, na anopa't walang naiwang dalawang magkasama.

Jeremias 41:10

Nang magkagayo'y dinalang bihag ni Ismael ang lahat na nangalabi sa bayan na nangasa Mizpa, sa makatuwid baga'y ang mga anak na babae ng hari, at ang buong bayan na nalabi sa Mizpa, na siyang mga ibinilin ni Nabuzaradan na kapitan ng bantay kay Gedalias na anak ni Ahicam; sila'y dinalang bihag ni Ismael na anak ni Nethanias, at nagpatuloy na yumaon sa mga anak ni Ammon.

Jeremias 43:5-7

Kundi kinuha ni Johanan na anak ni Carea, at ng lahat na kapitan sa mga kawal ang buong nalabi sa Juda na nagbalik na mula sa lahat ng mga bansa na pinagtabuyan nila na mangibang bayan sa lupain ng Juda; Ang mga lalake, at ang mga babae, at ang mga bata, at ang mga anak na babae ng hari, at bawa't tao na naiwan ni Nabuzaradan na kapitan ng bantay na kasama ni Gedalias na anak ni Ahicam, na anak ni Saphan, at si Jeremias na propeta, at si Baruch na anak ni Nerias: At sila'y nagsipasok sa lupain ng Egipto; sapagka't hindi nila tinalima ang tinig ng Panginoon: at sila'y nagsiparoon hanggang sa Taphnes.

Zacarias 8:6

Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Kung maging kagilagilalas sa mga mata ng nalabi sa bayang ito sa mga araw na yaon, magiging kagilagilalas din naman baga sa aking mga mata? sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

Never miss a post

n/a