8 Talata sa Bibliya tungkol sa Nararapat ng Kamatayan
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
Sapagka't ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; datapuwa't ang kaloob na walang bayad ng Dios ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin.
Na, bagama't nalalaman nila ang kautusan ng Dios, na ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay mga karapatdapat sa kamatayan, ay hindi lamang gayon ang ginagawa, kundi naman pinapayagan ang mga nagsisigawa ng mga yaon.
Ano ang akala ninyo? Nagsisagot sila at kanilang sinabi, Karapatdapat siya sa kamatayan.
At kay Abiathar na saserdote ay sinabi ng hari, Umuwi ka sa Anathoth, sa iyong sariling mga bukid; sapagka't ikaw ay karapatdapat sa kamatayan: nguni't sa panahong ito'y hindi kita papatayin, sapagka't iyong dinala ang kaban ng Panginoong Dios sa harap ni David na aking ama, at sapagka't ikaw ay napighati sa lahat ng kinapighatian ng aking ama.
Wala, kahit si Herodes man; sapagka't siya'y ipinabalik niyang muli sa atin; at narito, walang anomang karapatdapat sa kamatayan na ginawa niya.
Datapuwa't aking nasumpungang siya'y walang anomang ginawang marapat sa kamatayan: at sapagka't siya rin ay naghabol sa emperador ay ipinasiya kong siya'y ipadala.
Narinig ninyo ang kapusungan: ano sa akala ninyo? At hinatulan nilang lahat na siya'y dapat mamatay.
At kaniyang sinabi sa kanila, na bilang ikatlo, Bakit, anong masama ang ginawa ng taong ito? Wala akong nasumpungang anomang kadahilanang ipatay sa kaniya: parurusahan ko nga siya, at siya'y pawawalan.