24 Talata sa Bibliya tungkol sa Nilukuban ng Dugo
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
At kanilang kinuha ang tunika ni Jose, at sila'y pumatay ng isang lalaking kambing, at kanilang inilubog ang tunika sa dugo:
Aking niyapakang magisa ang alilisan ng alak; at sa mga bayan ay walang isang sumasa akin: oo, aking niyapakan siya sa aking galit, at aking niyurakan sila sa aking kapusukan; at ang kanilang dugong buhay ay pumilansik sa aking mga suot, at natigmak ang buong suot ko.
At siya'y nararamtan ng damit na winisikan ng dugo: at ang kaniyang pangalan ay tinatawag na Ang Verbo ng Dios.
Nang magkagayo'y sumunggab si Sephora ng isang batong matalim, at pinutol ang balat ng masama ng kaniyang anak, at inihagis sa kaniyang paanan; at kaniyang sinabi, Tunay na ikaw sa akin ay isang asawang mabagsik.
Sa gayo'y kaniyang binitiwan siya. Nang magkagayo'y kaniyang sinabi, Isang asawa kang mabagsik, dahil sa pagtutuli.
Nang magkagayo'y pinaliguan kita ng tubig; oo, aking nilinis na mainam ang iyong dugo, at pinahiran kita ng langis.
At nang ako'y dumaan sa tabi mo, at makita kita na nagugumon sa iyong dugo, sinabi ko sa iyo, Bagaman ikaw ay nagugumon sa iyong dugo, mabuhay ka: oo, sinabi ko sa iyo, Bagaman ikaw ay nagugumon sa iyong dugo, mabuhay ka.
At sa lahat ng iyong mga kasuklamsuklam, at ng iyong mga pakikiapid hindi mo inalaala ang mga kaarawan ng iyong kabataan, nang ikaw ay hubo at hubad, at nagugumon sa iyong dugo.
At si Amasa ay nagugumon sa kaniyang dugo sa gitna ng lansangan. At nang makita ng lalake na ang buong bayan ay nakatayong natitigil, ay kaniyang dinala si Amasa mula sa lansangan hanggang sa parang, at tinakpan siya ng isang kasuutan, nang kaniyang makita na bawa't dumating sa siping niya ay tumitigil.
At aking hahatulan ka na gaya ng hatol sa mga babaing nangangalunya at nagbububo ng dugo; at aking dadalhin sa iyo ang dugo ng kapusukan at ng paninibugho.
O kung ako'y magsugo ng salot sa lupaing yaon, at aking ibugso ang aking kapusukan sa kaniya na may kabagsikan, upang ihiwalay ang tao't hayop;
At ang pagbabaka ay lumala nang araw na yaon; at ang hari ay natigil sa kaniyang karo sa harap ng mga taga Siria, at namatay sa kinahapunan: at ang dugo ay bumuluwak sa sugat sa pinakaloob ng karo.
At aking lalanguin ng dugo ang aking tunod, At ang aking tabak ay sasakmal ng laman; Sa dugo ng patay at ng mga bihag, Mula sa ulo ng mga pangulo ng kaaway.
At aking niyapakan ang mga bayan sa aking galit, at nilango ko sila sa aking kapusukan, at ibinubo sa lupa ang kanilang dugong buhay.
At ang mga mailap na baka ay magsisibabang kasama nila at ang mga baka na kasama ng mga toro, at ang kanilang lupain ay malalango ng dugo, at ang kanilang alabok ay tataba ng katabaan.
Magagalak ang matuwid pagka nakita niya ang higanti: kaniyang huhugasan ang kaniyang mga paa sa dugo ng masama.
Dahil dito'y tinawag ang bukid na yaon, ang bukid ng dugo, hanggang ngayon.
At ito'y nahayag sa lahat ng mga nagsisitahan sa Jerusalem; ano pa't tinawag ang parang na yaon sa kanilang wika na Aceldama, sa makatuwid baga'y, Ang parang ng Dugo.)
At sila'y nagsisigaw ng malakas, at sila'y nagsipagkudlit ayon sa kanilang kaugalian ng sundang at mga sibat, hanggang sa bumuluwak ang dugo sa kanila.
At kaniyang sinabi, Ibagsak ninyo siya. Sa gayo'y ibinagsak nila siya: at ang iba sa kaniyang dugo ay pumilansik sa pader, at sa mga kabayo: at siya'y kaniyang niyapakan ng paa.
Sapagka't sa pagbati sa gatas ay naglalabas ng mantekilya, at sa pagsungalngal sa ilong ay lumalabas ang dugo: Gayon ang pamumungkahi sa poot ay naglalabas ng kaalitan.
Ang kanilang patay naman ay matatapon, at ang baho ng kanilang mga bangkay ay aalingasaw, at ang mga bundok ay tutunawin ng kanilang dugo.
Ang tabak ng Panginoon ay napuno ng dugo, tumaba ng katabaan, sa dugo ng mga kordero at ng mga kambing, sa taba ng mga bato ng mga lalaking tupa: sapagka't may hain sa Panginoon sa Bosra, at may malaking patayan sa lupain ng Edom.
At nayurakan ang pisaan ng ubas sa labas ng bayan, at lumabas sa pisaan ng ubas ang dugo, na umapaw hanggang sa mga preno ng mga kabayo, sa lawak na isang libo at anim na raang estadio.