10 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Nilunok

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Exodo 7:12

Sapagka't inihagis ng bawa't isa ang kanikaniyang tungkod, at nangaging ahas: nguni't nilamon ng tungkod ni Aaron ang mga tungkod nila.

Panaghoy 2:5

Ang Panginoon ay naging parang kaaway, kaniyang nilamon ang Israel; kaniyang nilamon ang lahat niyang palacio, kaniyang iginiba ang kaniyang mga katibayan; at kaniyang pinarami sa anak na babae ng Juda ang panangis at panaghoy.

Panaghoy 2:2

Nilamon ng Panginoon ang lahat na tahanan ng Jacob, at siya'y hindi naawa: Kanyang ibinagsak sa kaniyang poot ang mga katibayan ng anak na babae ng Juda; kaniyang inilugmok ang mga yaon sa lupa: kaniyang ipinahamak ang kaharian at ang mga prinsipe niyaon.

Mga Bilang 16:30

Nguni't kung ang Panginoon ay lumikha ng isang bagong bagay, na anopa't ibuka ng lupa ang kaniyang bibig, at sila'y lamunin, sangpu ng buong nauukol sa kanila, at sila'y ibabang mga buhay sa Sheol; ay inyo ngang mapagkikilala na minungkahi ng mga taong ito ang Panginoon.

Mga Bilang 16:32

At ibinuka ng lupa ang kaniyang bibig at nilamon sila, at ang kanilang mga sangbahayan, at ang lahat ng lalake na nauukol kay Core, at lahat ng kanilang pag-aari.

Mga Bilang 26:10

At ibinuka ng lupain ang kaniyang bibig, at nilamon sila pati ni Core, nang mamatay ang pulutong na yaon; noong panahong lamunin ng apoy ang dalawang daan at limang pung tao, at sila'y naging isang tanda.

Deuteronomio 11:6

At kung ano ang kaniyang ginawa kay Dathan at kay Abiram, na mga anak ni Eliab, na anak ni Ruben; kung paanong ibinuka ng lupa ang kaniyang bibig, at nilamon sila, at ang kanilang mga sangbahayan, at ang kanilang mga tolda, at bawa't bagay na may buhay na sa kanila'y sumusunod sa gitna ng buong Israel:

Mga Bilang 16:34

At ang buong Israel na nasa palibot nila ay tumakas sa hiyaw nila; sapagka't kanilang sinabi, Baka pati tayo'y lamunin ng lupa.

Hosea 8:8

Ang Israel ay nalamon: ngayo'y nasa gitna siya ng mga bansa na parang sisidlang hindi kinalulugdan.

Never miss a post

n/a