11 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Pagaaksaya ng Panahon

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Mga Taga-Efeso 5:16-17

Na inyong samantalahin ang panahon, sapagka't ang mga araw ay masasama. Kaya huwag kayong maging mga mangmang, kundi unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.

Kawikaan 26:14

Kung paano ang pintuan ay pumipihit sa kaniyang bisagra, gayon ang tamad sa kaniyang higaan.

Kawikaan 6:9-11

Hanggang kailan matutulog ka, Oh tamad? Kailan ka babangon sa iyong pagkakatulog? Kaunti pang pagkakatulog, kaunti pang pagkaidlip, kaunti pang paghahalukipkip ng mga kamay upang matulog: Sa gayo'y ang iyong karalitaan ay darating na parang magnanakaw, at ang iyong kasalatan na parang lalaking may sandata.

Kawikaan 6:6-8

Pumaroon ka sa langgam, ikaw na tamad; masdan mo ang kaniyang mga lakad at magpakapantas ka: Na bagaman walang pangulo, tagapamahala, o pinuno, Naghahanda ng kaniyang pagkain sa taginit, at pinipisan ang kaniyang pagkain sa pagaani.

Mga Taga-Colosas 4:5-6

Magsilakad kayo na may karunungan sa nangasa labas, na inyong samantalahin ang panahon. Ang inyong pananalita nawa'y laging may biyaya, na magkalasang asin, upang inyong maalaman kung ano ang nararapat ninyong isagot sa bawa't isa.

Never miss a post

n/a