10 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Pagharap sa Kasalanan

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Mga Taga-Galacia 6:1-5

Mga kapatid, kung ang sinoman ay masumpungan sa anomang pagsuway, kayong mga sa espiritu, ay inyong papanumbalikin ang gayon sa espiritu ng kahinhinan; na iyong pagwariin ang iyong sarili, baka ikaw naman ay matukso. Mangagdalahan kayo ng mga pasanin ng isa't isa, at tuparin ninyong gayon ang kautusan ni Cristo. Sapagka't kung ang sinoman ay nagaakala na siya'y may kabuluhan bagaman siya ay walang kabuluhan, ang kaniyang sarili ang dinadaya niya.magbasa pa.
Nguni't siyasatin ng bawa't isa ang kaniyang sariling gawa, at kung magkagayon ay magkakaroon siya ng kaniyang kapurihan tungkol sa kaniyang sarili lamang, at hindi tungkol sa kapuwa. Sapagka't ang bawa't tao ay magpapasan ng kaniyang sariling pasan.

2 Tesalonica 3:14

At kung ang sinoma'y hindi tumalima sa aming salita sa pamamagitan ng sulat na ito, inyong tandaan ang taong yaon, upang huwag kayong makisama sa kaniya, nang siya'y mahiya.

Santiago 5:19-20

Mga kapatid ko, kung ang sinoman sa inyo ay nalilihis sa katotohanan, at siya'y papagbaliking loob ng sinoman; Ay alamin nito na ang nagpapabalik-loob ng isang makasalanan, mula sa kamalian ng lakad niya ay magliligtas ng isang kaluluwa sa kamatayan, at magtatakip ng karamihang kasalanan.

Mateo 21:12

At pumasok si Jesus sa templo ng Dios, at itinaboy niya ang lahat na nangagbibili at nangamimili sa templo, at ginulo niya ang mga dulang ng mga mamamalit ng salapi, at ang mga upuan ng mga nagbibili ng mga kalapati;

Josue 7:10-22

At sinabi ng Panginoon kay Josue, Bumangon ka; bakit ka nagpatirapa ng ganito? Ang Israel ay nagkasala; oo, kanilang sinalangsang din ang aking tipan na aking iniutos sa kanila; oo, sila'y kumuha rin sa itinalagang bagay, at nagnakaw rin, at nagbulaan din; at sila'y naglagay rin sa kanilang sariling daladalahan. Kaya't ang mga anak ni Israel ay hindi makatatayo sa harap ng kanilang mga kaaway; sila'y tumalikod sa harap ng kanilang mga kaaway, sapagka't sila'y naging sinumpa: ako'y hindi na sasa inyo pa, maliban sa inyong sirain ang itinalagang bagay sa gitna ninyo.magbasa pa.
Bumangon ka, papagbanalin mo ang bayan, at sabihin mo, Mangagpakabanal kayo sa kinabukasan: sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, May itinalagang bagay sa gitna mo, Oh Israel: ikaw ay hindi makatatayo sa harap ng iyong mga kaaway, hanggang sa inyong alisin ang itinalagang bagay sa gitna ninyo. Sa kinaumagahan nga ay lalapit kayo ayon sa inyong mga lipi: at mangyayari, na ang lipi na pipiliin ng Panginoon ay lalapit ayon sa mga angkan: at ang angkan na pipiliin ng Panginoon ay lalapit ayon sa mga sangbahayan; at ang sangbahayan na pipiliin ng Panginoon ay lalapit bawa't lalake. At mangyayari, na ang makunan ng itinalagang bagay ay susunugin sa apoy, siya at ang lahat niyang tinatangkilik: sapagka't kaniyang sinalangsang ang tipan ng Panginoon, at sapagka't siya'y gumawa ng kaululan sa Israel. Sa gayo'y bumangong maaga si Josue sa kinaumagahan, at inilapit ang Israel ayon sa kanilang mga lipi: at ang lipi ni Juda ay napili: At kaniyang inilapit ang angkan ni Juda; at napili ang angkan ng mga Zeraita: at kaniyang inilapit ang angkan ng mga Zeraita na bawa't lalake; at si Zabdi ay napili: At kaniyang inilapit ang kaniyang sangbahayan bawa't lalake: at si Achan, na anak ni Carmi, na anak ni Zabdi, na anak ni Zera, sa lipi ni Juda, ay napili. At sinabi ni Josue kay Achan, Anak ko, isinasamo ko sa iyo, na iyong luwalhatiin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, at magpahayag ka sa kaniya; at ipahayag mo sa akin ngayon kung ano ang iyong ginawa; huwag kang maglihim sa akin. At sumagot si Achan kay Josue, at sinabi, Sa katotohanan ay nagkasala ako laban sa Panginoon, sa Dios ng Israel, at ganito't ganito ang aking ginawa: Nang aking makita sa samsam ang mainam na balabal na yaring Babilonia, at ang dalawang daang siklong pilak, at ang isang dila na ginto, na limang pung siklo ang timbang, ay akin ngang inimbot, at aking kinuha; at, narito, nangakukubli sa lupa sa gitna ng aking tolda, at ang pilak ay nasa ilalim niyaon. Sa gayo'y nagsugo si Josue ng mga sugo at kanilang tinakbo ang tolda; at, narito, nakakubli sa kaniyang tolda, at ang pilak ay nasa ilalim niyaon.

Mga Taga-Galacia 2:11-13

Nguni't nang dumating si Cefas sa Antioquia, ay sumalansang ako sa kaniya ng mukhaan, sapagka't siya'y nararapat hatulan. Sapagka't bago nagsidating ang ilang mula kay Santiago, ay nakisalo siya sa mga Gentil; nguni't nang sila'y magsidating na, siya'y umurong, at humiwalay sa mga Gentil, palibhasa'y natatakot sa mga sa pagtutuli. At ang ibang mga Judio ay nangagpakunwari rin namang kasama niya: ano pa't pati si Bernabe ay nabuyo sa kanilang pagkukunwari.

Mateo 16:4

Ang isang lahing masama at mapangalunya ay humahanap ng tanda; at hindi siya bibigyan ng anomang tanda, kundi ng tanda ni Jonas. At sila'y iniwan niya, at yumaon.

Never miss a post

n/a