18 Talata sa Bibliya tungkol sa Pagiging Liwanag

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Mateo 5:13-16

Kayo ang asin ng lupa: nguni't kung ang asin ay tumabang, ay ano ang ipagpapaalat? wala nang ano pa mang kabuluhan, kundi upang itapon sa labas at yurakan ng mga tao. Kayo ang ilaw ng sanglibutan. Ang isang bayan na natatayo sa ibabaw ng isang bundok ay hindi maitatago. Hindi rin nga pinaniningasan ang isang ilawan, at inilalagay sa ilalim ng isang takalan, kundi sa talagang lalagyan ng ilaw; at lumiliwanag sa lahat ng nangasa bahay.magbasa pa.
Lumiwanag na gayon ang inyong ilaw sa harap ng mga tao; upang mangakita nila ang inyong mabubuting gawa, at kanilang luwalhatiin ang inyong Ama na nasa langit.

Mateo 5:14-16

Kayo ang ilaw ng sanglibutan. Ang isang bayan na natatayo sa ibabaw ng isang bundok ay hindi maitatago. Hindi rin nga pinaniningasan ang isang ilawan, at inilalagay sa ilalim ng isang takalan, kundi sa talagang lalagyan ng ilaw; at lumiliwanag sa lahat ng nangasa bahay. Lumiwanag na gayon ang inyong ilaw sa harap ng mga tao; upang mangakita nila ang inyong mabubuting gawa, at kanilang luwalhatiin ang inyong Ama na nasa langit.

Juan 3:16
Mga Konsepto ng TaludtodKagalingan sa KanserPagibig ng Diyos kay CristoWalang HangganPagbibigayDiyos na Ibinibigay ang Kanyang AnakPagibig ng Diyos para sa AtinWalang HangganAng SanlibutanDiyos, Pagibig ngAma, Pagibig ngMinamahalPagmamahal sa LahatHindi SumusukoMalamigKatubusanPagtanggap kay CristoPagiging KristyanoPagiging Ganap na KristyanoKinatawanKamanghamanghang DiyosSanggol na si JesusGawa ng KabutihanPagiging Ipinanganak na MuliNagbibigay KaaliwanPagiging ManlalakbaySawing-PusoKakayahan ng Diyos na MagligtasBiyaya at si Jesu-CristoMapagbigay, Diyos naUnang PagibigPagaalay ng mga Panganay na AnakPananampalataya bilang Batayan ng KaligtasanNatatangiKaloob, MgaUgali ng Diyos sa mga TaoWalang Hanggang Buhay, Biyaya ngHindi NamamatayKaligtasan bilang KaloobPagibig, Katangian ngMga GawainPagiging PinagpalaAraw, Paglubog ngPagbagsak ng Tao, Kinahinatnan ngKaloob mula sa Diyos, Espirituwal naAdan, Mga Lahi niDiyos, Pagibig ngPagiging Kabilang sa Pamilya ng DiyosNaligtas sa Pamamagitan ng PananampalatayaNagliligtas na PananampalatayaMisyon ni Jesu-CristoPaskoEspirituwal na KamatayanMalapadPakikipaglaban sa KamatayanDiyos, Paghihirap ngBugtong na Anak ng DiyosWalang Hanggang KatiyakanPagasa para sa Di-MananampalatayaMinsang Ligtas, Laging LigtasInialay na mga BataJesus, Ginampanan Niya sa KaligtasanTirintasPagiging PagpapalaCristo, Relasyon Niya sa DiyosPuso ng DiyosPagkakaalam na Ako ay LigtasPananampalataya, Kalikasan ngCristo bilang Pansin ng Tunay na PananampalatayaPakikipagisa kay Cristo, Katangian ngPagibigPagibig bilang Bunga ng EspirituPagpapala, Espirituwal naWalang Hanggang Buhay, Kalikasan ngBuhay sa Pamamagitan ng PananampalatayaPagkawala ng Mahal sa BuhayWalang Hanggang Buhay

Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

Mga Taga-Roma 13:11-14

At ito, yamang nakikilala ang panahon, na ngayo'y kapanahunan nang magsigising kayo sa pagkakatulog: sapagka't ngayon ay lalong malapit na sa atin ang kaligtasan kay sa nang tayo'y magsisampalataya nang una. Ang gabi ay totoong malalim, at ang araw ay malapit na: iwaksi nga natin ang mga gawa ng kadiliman, at ating isakbat ang mga sandata ng kaliwanagan. Magsilakad tayong mahinhin, gaya ng sa araw; huwag sa katakawan at paglalasing, huwag sa kalibugan at sa kahalayan, huwag sa mga pagkakaalit at pagkakainggitan.magbasa pa.
Kundi bagkus isakbat ninyo ang Panginoong Jesucristo, at huwag ninyong paglaanan ang laman, upang masunod ang mga kahalayan noon.

Mga Taga-Efeso 5:7-14

Huwag kayong makibahagi sa kanila; Sapagka't noong panahon kayo'y kadiliman, datapuwa't ngayon kayo'y kaliwanagan sa Panginoon: magsilakad kayong gaya ng mga anak ng kaliwanagan: (Sapagka't ang bunga ng kaliwanagan ay nabubuo ng kabutihan at katuwiran at katotohanan),magbasa pa.
Na inyong pinatutunayan ang kinalulugdan ng Panginoon; At huwag kayong makibahagi sa mga walang mapapakinabang na gawa ng kadiliman, kundi bagkus inyong sawatain; Sapagka't ang mga bagay na ginagawa nila sa lihim ay mahalay na salitain man lamang. Datapuwa't ang lahat ng mga bagay pagka sawata ay itinatanyag ng kaliwanagan: sapagka't ang lahat ng mga bagay na itinatanyag ay kaliwanagan. Kaya sinasabi niya, Gumising kang natutulog, at magbangon ka sa gitna ng mga patay, at liliwanagan ka ni Cristo.

Mga Taga-Colosas 1:9-14

Dahil dito'y kami naman, mula nang araw na aming marinig ito, ay hindi kami nagsisitigil ng pananalangin at ng paghingi na patungkol sa inyo, upang kayo'y puspusin ng kaalaman ng kaniyang kalooban, sa buong karunungan at pagkaunawa ayon sa espiritu, Upang kayo'y magsilakad ng nararapat sa Panginoon, sa buong ikalulugod niya, at magsipamunga sa bawa't gawang mabuti, at magsilago sa kaalaman ng Dios; Na kayo'y palakasin ng buong kapangyarihan, ayon sa kalakasan ng kaniyang kaluwalhatian, sa buong pagtitiis at pagpapahinuhod na may galak;magbasa pa.
Na nagpapasalamat sa Ama, na nagpaging dapat sa atin upang makabahagi sa mana ng mga banal sa kaliwanagan; Na siyang nagligtas sa atin sa kapangyarihan ng kadiliman, at naglipat sa atin sa kaharian ng Anak ng kaniyang pagibig; Na siyang kinaroroonan ng ating katubusan, na siyang kapatawaran ng ating mga kasalanan:

2 Corinto 4:3-6

At kung ang aming evangelio ay natatalukbungan pa, ay may talukbong sa mga napapahamak: Na binulag ng dios ng sanglibutang ito ang mga pagiisip ng mga hindi nagsisisampalataya, upang sa kanila'y huwag sumilang ang kaliwanagan ng evangelio ng kaluwalhatian ni Cristo, na siyang larawan ng Dios. Sapagka't hindi namin ipinangangaral ang aming sarili, kundi si Cristo Jesus na Panginoon, at kami ay gaya ng inyong mga alipin dahil kay Cristo.magbasa pa.
Yamang ang Dios, ang nagsabi, Magniningning ang ilaw sa kadiliman, na siyang nagningning sa aming mga puso, upang magbigay ng liwanag ng pagkakilala sa kaluwalhatian ng Dios sa mukha ni Jesucristo.

1 Tesalonica 5:1-11

Datapuwa't tungkol sa mga kapanahunan at mga bahagi ng panahon, mga kapatid, hindi ninyo kailangan na isulat ko pa sa inyo ang anoman. Sapagka't kayo rin ang mga lubos na nangakakaalam, na ang pagdating ng kaarawan ng Panginoon ay gaya ng magnanakaw sa gabi. Pagka sinasabi ng mga tao, Kapayapaan at katiwasayan, kung magkagayo'y darating sa kanila ang biglang pagkawasak, na gaya ng pagdaramdam, sa panganganak ng babaing nagdadalang-tao; at sila'y hindi mangakatatanan sa anomang paraan.magbasa pa.
Nguni't kayo, mga kapatid, ay wala sa kadiliman, upang sa araw na yaon ay masubukan kayong gaya ng magnanakaw: Sapagka't kayong lahat ay pawang mga anak ng kaliwanagan, at mga anak ng araw: tayo'y hindi ng gabi, ni ng kadiliman man; Huwag nga tayong mangatulog, gaya ng mga iba, kundi tayo'y mangagpuyat at mangagpigil. Sapagka't ang nangatutulog ay nangatutulog sa gabi; at ang nangaglalasing ay nangaglalasing sa gabi. Datapuwa't palibhasa'y mga anak tayo ng araw, mangagpigil tayo, na isuot ang baluti ng pananampalataya at ng pagibig; at ang maging turbante ay ang pagasa ng kaligtasan. Sapagka't tayo'y hindi itinalaga ng Dios sa galit, kundi sa pagtatamo ng pagkaligtas sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo, Na namatay dahil sa atin, upang tayo, sa gising o tulog man, ay mangabuhay tayong kasama niya. Dahil dito kayo'y mangagpangaralan, at mangagpatibayan sa isa't isa sa inyo, gaya ng inyong ginagawa.

Juan 12:35

Sinabi nga sa kanila ni Jesus, Kaunting panahon na lamang sasagitna ninyo ang ilaw. Kayo'y magsilakad samantalang nasa inyo ang ilaw, upang huwag kayong abutin ng kadiliman: at ang lumalakad sa kadiliman ay hindi nalalaman kung saan siya tutungo.

Job 24:13

Ito'y sa mga nangaghihimagsik laban sa liwanag; Hindi nila nalalaman ang mga daan niyaon, ni tumatahan man sa mga landas niyaon.

Mga Gawa 13:47

Sapagka't ganito ang ipinagutos sa amin ng Panginoon, na sinasabi, Inilagay kitang isang ilaw ng mga Gentil, Upang ikaw ay maging sa ikaliligtas hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa.

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a