41 Talata sa Bibliya tungkol sa Pagkabilanggo

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Mateo 5:25-26

Makipagkasundo ka agad sa iyong kaalit, samantalang ikaw ay kasama niya sa daan; baka ibigay ka ng kaalit mo sa hukom, at ibigay ka ng hukom sa punong kawal, at ipasok ka sa bilangguan. Katotohanang sinasabi ko sa iyo, Hindi ka aalis doon sa anomang paraan, hanggang hindi mo mapagbayaran ang katapustapusang beles.

Lucas 12:58

Sapagka't samantalang pumaparoon ka sa hukom na kasama mo ang iyong kaalit, ay sikapin mo sa daan na makaligtas ka sa kaniya; baka sakaling kaladkarin ka niya sa hukom, at ibigay ka ng hukom sa punong kawal at ipasok ka ng punong kawal sa bilangguan.

Mga Gawa 20:23

Maliban na pinatotohanan sa akin ng Espiritu Santo sa bawa't bayan, na sinasabing ang mga tanikala at ang mga kapighatian ay nagsisipagantay sa akin.

Ezra 7:26

At sinomang hindi tumupad ng kautusan ng iyong Dios, at ng kautusan ng hari, gawin sa kaniya ang kahatulan ng buong sikap, maging sa kamatayan, o sa pagtatapon o sa pagsamsam ng mga pag-aari, o sa pagkabilanggo.

Genesis 40:3

At pinagpipiit sa bilangguan, sa bahay ng kapitan ng bantay, sa bilangguang kinabibilangguan ni Jose.

2 Mga Hari 17:4

At ang hari sa Asiria ay nakasumpong kay Oseas ng pagbabanta; sapagka't siya'y nagsugo ng mga sugo kay So na hari sa Egipto, at hindi naghandog ng kaloob sa hari sa Asiria, na gaya ng kaniyang ginagawa taontaon; kaya't kinulong siya ng hari sa Asiria, at ipinangaw siya sa bilangguan.

Jeremias 52:11

At kaniyang binulag ang mga mata ni Sedechias; at ginapos siya ng tanikalang tanso ng hari sa Babilonia, at dinala siya sa Babilonia, at inilagay siya sa bilangguan hanggang sa araw ng kaniyang pagkamatay.

Mateo 18:30

At siya'y ayaw: at yumaon at siya'y ipinabilanggo hanggang sa magbayad siya ng utang.

Mga Bilang 15:33-34

At silang nakasumpong sa kaniya na namumulot ng kahoy, ay dinala siya kay Moises, at kay Aaron, at sa buong kapisanan. At kanilang inilagay siya sa bilangguan, sapagka't hindi pa ipinahahayag kung ano ang gagawin sa kaniya.

Levitico 24:12

At siya'y kanilang inilagay sa bilangguan hanggang sa ang hatol ay ipahayag sa kanila ng bibig ng Panginoon.

Mateo 27:16

At noo'y sila'y may isang bilanggong bantog, na tinatawag na Barrabas.

Marcos 15:7

At mayroong isa na kung tawagin ay Barrabas, na nagagapos na kasama ng nangaghimagsik, mga taong nagsipatay ng mga tao sa panghihimagsik.

Lucas 23:19

Isa na ibinilanggo dahil sa isang paghihimagsik na ginawa sa bayan, at sa pagpatay.

Jeremias 38:28

Sa gayo'y tumahan si Jeremias sa looban ng bantay hanggang sa araw na masakop ang Jerusalem.

Lucas 21:12

Datapuwa't bago mangyari ang lahat ng mga bagay na ito, ay huhulihin kayo, at paguusigin kayo, na kayo'y ibibigay sa mga sinagoga at sa mga bilangguan, na kayo'y dadalhin sa harapan ng mga hari at mga gobernador dahil sa aking pangalan.

Genesis 39:20-22

At dinala ng kaniyang panginoon si Jose, at inilagay sa bilangguan, sa dakong pinagkukulungan ng mga bilanggo ng hari: at siya'y natira roon sa bilangguan. Datapuwa't ang Panginoon ay suma kay Jose, at iginawad sa kaniya ang awa, at pinagkalooban ng biyaya sa paningin ng katiwala sa bilangguan. At ipinamahala ng katiwala sa bilangguan sa mga kamay ni Jose ang lahat na mga bilanggo na nasa bilangguan; at ang lahat ng ginagawa roon ay siya ang gumagawa.

Genesis 40:14-15

Datapuwa't alalahanin mo ako kung ikaw ay mapabuti na, at isinasamo ko sa iyo, na pagpakitaan mo ako ng kagandahang loob, at banggitin mo ako kay Faraon, at ako'y alisin mo sa bahay na ito: Sapagka't ako'y tunay na ninakaw sa lupain ng mga Hebreo: at dito naman ay wala akong ginawang anoman, upang ako'y ilagay nila sa bilangguan.

Genesis 42:16-17

Suguin ninyo ang isa sa inyo, na dalhin dito ang inyong kapatid, at kayo'y mangabibilanggo; upang masubok ang inyong mga salita, kung may katotohanan sa inyo: o kung hindi alangalang sa buhay ni Faraon, ay tunay na mga tiktik kayo. At kaniyang inilagay silang lahat na magkakasama sa bilangguan na tatlong araw.

1 Mga Hari 22:27

At iyong sabihin, Ganito ang sabi ng hari, Ilagay ninyo ang taong ito sa bilangguan, at pakanin ninyo siya ng tinapay ng kadalamhatian at ng tubig ng kadalamhatian hanggang sa ako'y dumating na payapa.

2 Paralipomeno 16:10

Nang magkagayo'y nagalit si Asa sa tagakita, at inilagay niya siya sa bilangguan: sapagka't siya'y nagalit sa kaniya dahil sa bagay na ito. At pinighati ni Asa ang iba sa bayan nang panahon ding yaon.

Jeremias 32:2-3

Nang panahon ngang yao'y ang hukbo ng hari sa Babilonia ay kumubkob sa Jerusalem, at si Jeremias na propeta ay nakulong sa looban ng bantayan, na nasa bahay ng hari sa Juda. Sapagka't kinulong siya ni Sedechias na hari sa Juda, na sinasabi, Bakit ka nanghuhula, at nagsasabi, Ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, ibibigay ko ang bayang ito sa kamay ng hari sa Babilonia, at kaniyang sasakupin:

Jeremias 37:15

At ang mga prinsipe ay napoot kay Jeremias at sinaktan nila siya, at isinilid sa bilangguan sa bahay ni Jonathan na kalihim: sapagka't kanilang ginawang bilangguan yaon.

Genesis 39:20

At dinala ng kaniyang panginoon si Jose, at inilagay sa bilangguan, sa dakong pinagkukulungan ng mga bilanggo ng hari: at siya'y natira roon sa bilangguan.

Genesis 42:19

Kung kayo'y mga taong tapat, ay matira ang isa sa inyong magkakapatid na bilanggo sa bahay na pinagbilangguan sa inyo; datapuwa't kayo'y yumaon, magdala kayo ng trigo dahil sa kagutom sa inyong mga bahay:

2 Mga Hari 25:27-29

At nangyari nang ikatatlongpu't pitong taon ng pagkabihag ni Joachin na hari sa Juda, nang ikalabing dalawang buwan, nang ikadalawangpu't pitong araw ng buwan, na si Evil-merodach na hari sa Babilonia, nang taon na siya'y magpasimulang maghari, ay itinaas ang ulo ni Joachin na hari sa Juda sa bilangguan; At siya'y nagsalita na may kagandahang loob sa kaniya, at inilagay ang kaniyang luklukan sa itaas ng luklukan ng mga hari na kasama niya sa Babilonia. At kaniyang pinalitan ang kaniyang damit na pagkabihag. At kumain si Joachin ng tinapay sa harap niya na palagi sa lahat ng kaarawan ng kaniyang buhay.

2 Paralipomeno 18:25

At sinabi ng hari sa Israel, Dalhin ninyo si Micheas, at ibalik ninyo siya kay Amon na tagapamahala ng bayan, at kay Joas na anak ng hari;

Mga Gawa 12:4

At nang siya'y mahuli na niya, ay kaniyang inilagay siya sa bilangguan at siya'y ibinigay sa apat na tigaapat na kawal upang siya'y bantayan; na inaakalang siya'y iharap sa bayan pagkatapos ng Paskua.

Mga Gawa 16:24

Na, nang tanggapin nito ang gayong tagubilin, ay ipinasok sila sa kalooblooban ng bilangguan, at piniit ang kanilang mga paa sa mga pangawan.

Job 12:14

Narito, siya'y nagbabagsak at hindi maitayo uli; siya'y kumulong ng tao at hindi mapagbubuksan.

Panaghoy 3:9

Kaniyang binakuran ang aking mga daan ng tinabas na bato, kaniyang iniliko ang aking mga landas.

Panaghoy 3:7

Kaniyang binakuran ako na anopa't ako'y hindi makalabas; kaniyang pinabigat ang aking tanikala.

Exodo 12:29

At nangyari sa hating gabi, na nilipol ng Panginoon ang lahat ng mga panganay sa lupain ng Egipto, mula sa panganay ni Faraon na nakaluklok sa kaniyang luklukan, hanggang sa panganay ng bilanggo na nasa bilangguan; at lahat ng panganay sa mga hayop.

Juan 3:24

Sapagka't hindi pa ipinapasok sa bilangguan si Juan.

Jeremias 37:18

Bukod dito'y sinabi ni Jeremias sa haring Sedechias, Sa ano ako nagkasala laban sa iyo, o laban sa iyong mga lingkod, o laban sa bayang ito upang ilagay ninyo ako sa bilangguan?

Isaias 14:17

Na ginawang gaya ng ilang ang sanglibutan, at gumiba ng mga bayan nito; na hindi nagpakawala ng kaniyang mga bilanggo upang magsiuwi?

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a