51 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Pagkabulag
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
Datapuwa't ang kanilang mga pagiisip ay nagsitigas: sapagka't hanggang sa araw na ito, pagka binabasa ang matandang tipan, ang talukbong ding iyon ay nananatili na hindi itinataas, na ito'y naalis sa pamamagitan ni Cristo.
Pabayaan ninyo sila: sila'y mga bulag na tagaakay. At kung ang bulag ay umakay sa bulag, ay kapuwa sila mangahuhulog sa hukay.
Kung magkagayo'y madidilat ang mga mata ng bulag, at ang mga pakinig ng bingi ay mabubuksan.
At sinabi naman niya sa kanila ang isang talinghaga: Mangyayari bagang umakay ang bulag sa bulag? di baga sila mangabubulid kapuwa sa hukay?
Ang mga bulag ay nangakakakita, ang mga pilay ay nangakalalakad, ang mga ketongin ay nangalilinis, at ang mga bingi ay nangakaririnig, at ang mga patay ay ibinabangon, at sa mga dukha ay ipinangangaral ang mabubuting balita.
At itinanong sa kaniya ng kaniyang mga alagad, na nangagsasabi, Rabi, sino ang nagkasala, ang taong ito, o ang kaniyang mga magulang, upang siya'y ipanganak na bulag?
Sumagot si Jesus, Hindi dahil sa ang taong ito'y nagkasala, ni ang kaniyang mga magulang man: kundi upang mahayag sa kaniya ang mga gawa ng Dios.
Upang magdilat ng mga bulag na mata, upang maglabas ng mga bilanggo sa bilangguan, at nilang nangauupo sa kadiliman mula sa bilangguan.
At aking dadalhin ang bulag sa daan na hindi nila nalalaman; sa mga landas na hindi nila nalalaman ay papatnubayan ko sila; aking gagawing kadiliman ang liwanag sa harap nila, at mga likong daan ang matuwid. Ang mga bagay na ito ay aking gagawin, at hindi ko kalilimutan sila.
Na sa kadiliman ng kanilang pagiisip, ay nangahiwalay sa buhay ng Dios, dahil sa kahangalang nasa kanila, dahil sa pagmamatigas ng kanilang puso;
At sinabi sa kaniya ng Panginoon, Sinong gumawa ng bibig ng tao? o sinong gumawa ng pipi, o bingi, o may paningin, o bulag sa tao? Hindi ba akong Panginoon?
At siya'y tatlong araw na walang paningin, at hindi kumain ni uminom man.
Sasaktan ka ng Panginoon ng pagkaulol, at ng pagkabulag, at ng pagkagulat ng puso;
At sa pagdaraan niya, ay nakita niya ang isang lalaking bulag mula sa kaniyang kapanganakan.
At sinabi ni Jesus, Sa paghatol ay naparito ako sa sanglibutang ito, upang ang mga hindi nakakakita ay mangakakita; at upang ang mga nakakakita, ay maging mga bulag.
Sa kanila'y sinabi ni Jesus, Kung kayo'y mga bulag, ay hindi kayo magkakaroon ng kasalanan: datapuwa't ngayo'y sinasabi ninyo, Kami'y nangakakakita: nananatili ang inyong kasalanan.
At sumagot sa kaniya si Jesus, at sinabi, Ano ang ibig mong gawin ko sa iyo? At sinabi ng lalaking bulag, Raboni, na tanggapin ang aking paningin.
Nang masabi niya ang ganito, siya'y lumura sa lupa, at pinapagputik ang lura, at pinahiran ang mga mata niya ng putik,
At nang kanilang lusungin siya, ay nanalangin si Eliseo sa Panginoon, at nagsabi, Idinadalangin ko sa iyo, na bulagin mo ang bayang ito. At kaniyang binulag sila ayon sa salita ni Eliseo.
Makinig kayong mga bingi; at tumingin kayong mga bulag, upang kayo'y mangakakita.
Sumagot nga siya, Kung siya'y makasalanan ay hindi ko nalalaman: isang bagay ang nalalaman ko, na, bagaman ako'y naging bulag, ngayo'y nakakakita ako.
Idinidilat ng Panginoon ang mga mata ng bulag; ibinabangon ng Panginoon ang mga nasusubasob; iniibig ng Panginoon ang matuwid;
At pagkaraan doon ni Jesus ay sinundan siya ng dalawang lalaking bulag, na nangagsisisigaw, at nangagsasabi, Mahabag ka sa amin, ikaw na Anak ni David.
At sinabi sa kaniya, Humayo ka, maghugas ka sa tangke ng Siloe (na kung liliwanagin ay Sinugo). Siya nga'y humayo, at naghugas, at nagbalik na nakakakita.
Sapagka't hindi ko ibig, mga kapatid, na di ninyo maalaman ang hiwagang ito, baka kayo'y mangagmarunong sa inyong sariling mga haka, na ang katigasan ng isang bahagi ay nangyari sa Israel, hanggang sa pumasok ang kapunuan ng mga Gentil;
At nangyari, na nang nalalapit na sila sa Jerico, isang bulag ay nakaupo sa tabi ng daan na nagpapalimos:
At nagtindig sa lupa si Saulo; at pagkadilat ng kaniyang mga mata, ay di siya nakakita ng anoman; at kanilang inakay siya sa kamay at ipinasok siya sa Damasco.
At nang pumasok siya sa bahay, ay nagsilapit sa kaniya ang mga lalaking bulag: at sinabi sa kanila ni Jesus, Nagsisisampalataya baga kayo na magagawa ko ito? Sinabi nila sa kaniya, Oo, Panginoon.
Sa araw na yaon, sabi ng Panginoon, aking tutuligin ang bawa't kabayo, at ang kaniyang sakay ng pagkaulol; at aking ididilat ang aking mga mata sa sangbahayan ni Juda, at aking bubulagin ang bawa't kabayo ng mga bayan.
Dakilang kaligtasan ay ibinibigay niya sa kaniyang hari; at nagpapakita ng kagandahang-loob sa kaniyang pinahiran ng langis. Kay David at sa kaniyang binhi magpakailan man.
Nguni't sa bundok ng Sion ay doroon yaong nangakatatanan, at magiging banal; at aariin ng sangbahayan ni Jacob ang kaniyang mga pag-aari.
Ikaw ay lumabas sa ikaliligtas ng iyong bayan, Sa ikaliligtas ng iyong pinahiran ng langis; Iyong sinugatan ang pangulo ng bahay ng masama, Na inililitaw ang patibayan hanggang sa leeg. (Selah)
Tinanggap ng mga babae ang kanilang mga patay sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli: at ang iba'y nangamatay sa hampas, na hindi tinanggap ang kanilang katubusan; upang kamtin nila ang lalong mabuting pagkabuhay na maguli:
Huwag ninyong ilagak ang inyong tiwala sa mga pangulo, ni sa anak man ng tao, na walang pagsaklolo.
Datapuwa't sa kaniya kayo'y nangasa kay Cristo Jesus, na sa atin ay ginawang karunungang mula sa Dios, at katuwiran at kabanalan, at katubusan:
Dios ko, Dios ko, bakit mo ako pinabayaan? Bakit ka napaka layo sa pagtulong sa akin, at sa mga salita ng aking pagangal?
Nguni't ako'y maghahain sa iyo ng tinig ng pasasalamat; Aking tutuparin yaong aking ipinanata. Kaligtasa'y sa Panginoon.
Nasa Dios ang aking kaligtasan at aking kaluwalhatian; ang malaking bato ng aking kalakasan, at ang kanlungan ko'y nasa Dios.
Gawaran mo kami ng tulong laban sa kaaway; sapagka't walang kabuluhan ang tulong ng tao.
At sinalita ni David ang mga salita ng awit na ito sa Panginoon nang araw na iligtas ng Panginoon siya sa kamay ng lahat ng kaniyang mga kaaway, at sa kamay ni Saul.
Topics on Pagkabulag
Espirituwal na Pagkabulag sa mga Hindi Mananampalataya
Kawikaan 4:19Ang lakad ng masama ay parang kadiliman: Hindi nila nalalaman kung ano ang kanilang kinatitisuran.
Espirituwal na Pagkabulag, Bunga ng
Mga Taga-Roma 1:20-22Sapagka't ang mga bagay niyang hindi nakikita buhat pa nang lalangin ang sanglibutan ay nakikitang maliwanag, sa pagkatanto sa pamamagitan ng mga bagay na ginawa niya, maging ang walang hanggan niyang kapangyarihan at pagka Dios; upang sila'y walang madahilan:
Espirituwal na Pagkabulag, Dulot ng
Panaghoy 4:14Sila'y nagsisikapa sa mga lansangan na parang mga bulag, sila'y nangadudumhan ng dugo, na anopa't hindi mahipo ng mga tao ang kanilang mga suot.
Espirituwal na Pagkabulag, Pagsasaalis ng
2 Corinto 4:6Yamang ang Dios, ang nagsabi, Magniningning ang ilaw sa kadiliman, na siyang nagningning sa aming mga puso, upang magbigay ng liwanag ng pagkakilala sa kaluwalhatian ng Dios sa mukha ni Jesucristo.
Iba, Pagkabulag ng
Mga Bilang 16:14Bukod dito'y hindi mo kami dinala sa isang lupain na binubukalan ng gatas at pulot, ni binigyan mo kami ng manang bukid at mga ubasan: dudukitin mo ba ang mga mata ng mga taong ito? hindi kami sasampa.
Pagkabulag, Pagpapagaling sa
Lucas 14:13Datapuwa't kung maghahanda ka, ay anyayahan mo ang mga dukha, ang mga pingkaw, ang mga pilay, ang mga bulag,
Pagkabulag, Sagisag ng
Levitico 20:4At kung ilingid ng bayan sa lupain sa paraang anoman ang kanilang mga mata sa taong yaon, pagka nagbibigay ng kaniyang binhi kay Moloch, at hindi papatayin:
Pagkabulag, Sanhi ng
Genesis 27:1At nangyari, nang matanda na si Isaac, at malabo na ang kaniyang mga mata, na ano pa't hindi na siya makakita, ay tinawag si Esau na kaniyang anak na panganay, at sinabi sa kaniya, Anak ko: at kaniyang sinabi, Narito ako.