26 Bible Verses about Pagkakita sa mga Tao

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Genesis 37:18

At kanilang natanawan siya sa malayo, at bago nakalapit sa kanila ay nagbanta sila laban sa kaniya na siya'y patayin.

Genesis 45:12

At, narito, nakikita ng inyong mga mata at ng mga mata ng aking kapatid na si Benjamin, na ang aking bibig ang nagsasalita sa inyo.

Genesis 46:30

At sinabi ni Israel kay Jose, Ngayo'y mamatay na ako yamang nakita ko na ang iyong mukha, na ikaw ay buhay pa.

Genesis 48:11

At sinabi ni Israel kay Jose, Hindi ko akalaing makita ang iyong mukha: at, narito, ipinakita sa akin ng Dios pati ng iyong binhi.

Genesis 44:21

At sinabi mo sa iyong mga lingkod, Dalhin ninyo rito sa akin, upang mamasdan ko siya ng aking mga mata.

Genesis 43:16

At nang makita ni Jose si Benjamin na kasama nila, ay sinabi niya sa katiwala ng kaniyang bahay: Dalhin mo ang mga lalaking iyan sa bahay, at magpatay ka ng mga hayop, at ihanda mo; sapagka't ang mga lalaking iyan ay magsisipananghaling kasalo ko.

Genesis 43:29

At itiningin niya ang kaniyang mga mata, at nakita si Benjamin na kapatid niya, na anak ng kaniyang ina, at sinabi, Ito ba ang inyong kapatid na bunso, na inyong sinalita sa akin? At kaniyang sinabi, Pagpalain ka nawa ng Dios, anak ko.

Genesis 9:22

At si Cham na ama ni Canaan ay nakakita ng kahubaran ng kaniyang ama, at isinaysay sa kaniyang dalawang kapatid na nangasa labas.

2 Samuel 16:22

Sa gayo'y kanilang ipinagladlad si Absalom ng isang tolda sa bubungan ng bahay; at sinipingan ni Absalom ang mga babae ng kaniyang ama sa paningin ng buong Israel.

Genesis 21:9

At nakita ni Sara ang anak ni Agar na taga Egipto, na ito'y nagkaanak kay Abraham, na tumutuya sa kaniya.

Genesis 24:64

Itiningin naman ni Rebeca ang kaniyang mga mata at nang makita niya si Isaac, ay bumaba sa kamelyo.

Genesis 33:1

At itiningin ni Jacob ang kaniyang mga mata at tumingin, at, narito, si Esau ay dumarating, at kasama niya'y apat na raang tao. At kaniyang binahagi ang mga bata kay Lea at kay Raquel, at sa dalawang alilang babae.

Genesis 33:5

At itiningin ni Esau ang mga mata niya, at nakita ang mga babae at ang mga bata, at sinabi, Sinosino itong mga kasama mo? At kaniyang sinabi, Ang mga anak na ipinagkaloob ng Dios sa iyong lingkod.

Numbers 24:2

At itinaas ni Balaam ang kaniyang mga mata, at kaniyang nakita ang Israel na tumatahan ayon sa kanilang mga lipi; at ang Espiritu ng Dios ay sumakaniya.

Numbers 22:41

At nangyari nang kinaumagahan, na isinama ni Balac si Balaam at isinampa siya sa matataas na dako ni Baal, at kaniyang nakita mula roon ang katapustapusang bahagi ng bayan.

Mark 6:33

At nangakita sila ng mga tao sa pagalis, at sila'y nangakilala ng marami at paraparang nagsisitakbo na nagsiparoon doon mula sa lahat ng mga bayan, at nangaunang nagsirating pa kay sa kanila.

Acts 3:9

At nakita ng buong bayang siya'y lumalakad, at nagpupuri sa Dios:

Acts 4:14

At nang mangakita nila ang taong pinagaling na nakatayong kasama nila, ay wala silang maitutol.

2 Corinthians 12:6

Sapagka't kung ibigin kong ako'y magmapuri, ay hindi ako magiging mangmang; sapagka't sasalitain ko ang katotohanan: nguni't nagpipigil ako, baka ang sinoman ay magakalang ako'y mataas sa nakikita niya sa akin, o naririnig sa akin.

1 John 4:20

Kung sinasabi ng sinoman, Ako'y umiibig sa Dios, at napopoot sa kaniyang kapatid, ay sinungaling; sapagka't ang hindi umiibig sa kaniyang kapatid na kaniyang nakita, ay paanong makaiibig siya sa Dios na hindi niya nakita?

2 Kings 2:10

At sinabi niya, Ikaw ay humingi ng mabigat na bagay: gayon ma'y kung makita mo ako pagka ako'y inihiwalay sa iyo, magiging gayon sa iyo; nguni't kung hindi ay hindi magiging gayon.

Matthew 5:16

Lumiwanag na gayon ang inyong ilaw sa harap ng mga tao; upang mangakita nila ang inyong mabubuting gawa, at kanilang luwalhatiin ang inyong Ama na nasa langit.

Matthew 6:1

Mangagingat kayo na huwag magsigawa ng katuwiran sa harap ng mga tao, upang kanilang makita: sa ibang paraan ay wala kayong ganti ng inyong Ama na nasa langit.

Matthew 6:5

At pagka kayo ay nagsisidalangin, ay huwag kayong gaya ng mga mapagpaimbabaw: sapagka't iniibig nila ang magsidalangin ng patayo sa mga sinagoga at sa mga likuang daan, upang sila'y mangakita ng mga tao. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Tinanggap na nila ang sa kanila'y ganti.

Matthew 23:5

Datapuwa't ginagawa nila ang lahat ng kanilang mga gawa upang mangakita ng mga tao: sapagka't nangagpapalapad sila ng kanilang mga pilakteria, at nangagpapalapad ng mga laylayan ng kanilang mga damit,

Matthew 6:18

Upang huwag kang makita ng mga tao na ikaw ay nagaayuno, kundi ng Ama mo na nasa lihim: at ang Ama mo, na nakakikita sa lihim, ay gagantihin ka.

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a