6 Bible Verses about Pagkakumbinsi ngunit walang Pagsisisi

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Exodus 9:27

At si Faraon ay nagsugo, at ipinatawag si Moises at si Aaron, at sinabi sa kanila, Ako'y nagkasala ngayon: ang Panginoo'y matuwid; at ako at ang aking bayan ay masama.

Judges 10:10

At dumaing ang mga anak ni Israel sa Panginoon, na sinasabi, Kami ay nagkasala laban sa iyo, sapagka't aming pinabayaan ang aming Dios, at kami ay naglingkod sa mga Baal.

Numbers 14:40

At sila'y bumangong maaga sa kinaumagahan, at umakyat sila sa taluktok ng bundok, na sinasabi, Narito kami, at kami ay aakyat sa dakong ipinangako ng Panginoon: sapagka't kami ay nagkasala.

1 Samuel 15:24

At sinabi ni Saul kay Samuel, Ako'y nagkasala; sapagka't ako'y sumalangsang sa utos ng Panginoon, at sa iyong mga salita; sapagka't ako'y natakot sa bayan, at sumunod sa kanilang tinig.

Matthew 27:3-4

Nang magkagayo'y si Judas, na nagkanulo sa kaniya, pagkakitang siya'y nahatulan na, ay nagsisi, at isinauli ang tatlongpung putol na pilak sa mga pangulong saserdote at sa matatanda, Na sinasabi, Nagkasala ako sa aking pagkakanulo sa dugong walang kasalanan. Datapuwa't kanilang sinabi, Ano sa amin? ikaw ang bahala niyan.

Acts 24:25

At samantalang siya'y nagsasalaysay tungkol sa katuwiran, at sa sariling pagpipigil, at sa paghuhukom na darating, ay nangilabot si Felix, at sumagot, Ngayo'y humayo ka; at pagkakaroon ko ng kaukulang panahon ay ipatatawag kita.

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a