12 Bible Verses about Pagkamangha sa mga Gawa ng Diyos

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Psalm 98:1

Oh magsiawit kayo sa Panginoon ng bagong awit; sapagka't siya'y gumawa ng mga kagilagilalas na bagay: ang kaniyang kanan at ang kaniyang banal na bisig ay gumawa ng kaligtasan para sa kaniya:

Joshua 3:5

At sinabi ni Josue sa bayan, Magpakabanal kayo; sapagka't bukas ay gagawa ng mga kababalaghan ang Panginoon sa inyo.

Judges 13:19

Sa gayo'y kumuha si Manoa ng isang anak ng kambing pati ng handog na harina, at inihandog sa Panginoon sa ibabaw ng bato: at gumawa ng kamanghamangha ang anghel, at minasdan ni Manoa at ng kaniyang asawa.

1 Chronicles 16:24

Ipahayag ninyo ang kaniyang kaluwalhatian sa gitna ng mga bansa, Ang kaniyang mga kamanghamanghang gawa sa gitna ng lahat ng mga bayan.

Psalm 71:17

Oh Dios, iyong tinuruan ako mula sa aking kabataan; at hanggang ngayon ay aking inihahayag ang iyong kagilagilalas na mga gawa.

Psalm 72:18

Purihin ang Panginoong Dios, ang Dios ng Israel, na siya lamang gumagawa ng mga kababalaghang bagay:

Psalm 86:10

Sapagka't ikaw ay dakila, at gumagawa ng kagilagilalas na mga bagay: ikaw na magisa ang Dios.

Psalm 96:3

Ipahayag ninyo ang kaniyang kaluwalhatian sa mga bansa ang kagilagilalas niyang mga gawa sa lahat ng mga bayan.

Psalm 118:23

Ito ang gawa ng Panginoon: kagilagilalas sa harap ng ating mga mata.

Isaiah 25:1

Oh Panginoon, ikaw ay aking Dios; aking ibubunyi ka, aking pupurihin ang iyong pangalan; sapagka't ikaw ay gumawa ng kagilagilalas na bagay, sa makatuwid baga'y ang iyong binalak noong una, sa pagtatapat at katotohanan.

Daniel 3:24

Nang magkagayo'y si Nabucodonosor na hari ay nagtaka, at tumindig na madali: siya'y nagsalita at nagsabi sa kaniyang mga kasangguni, Di baga ang ating inihagis ay tatlong gapos na lalake sa gitna ng apoy? Sila'y nagsisagot, at nangagsabi sa hari, Totoo, Oh hari.

Job 37:5

Ang Dios ay kumukulog na kagilagilalas ng kaniyang tinig; dakilang mga bagay ang ginawa niya, na hindi natin matalastas.

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a