9 Bible Verses about Pagnanais na Sundin ang Kautusan

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

1 Kings 8:58

Upang kaniyang ihilig ang ating mga puso sa kaniya, upang magsilakad sa lahat ng kaniyang mga daan, at ingatan ang kaniyang mga utos, at ang kaniyang mga palatuntunan, at ang kaniyang mga kahatulan, na kaniyang iniutos sa ating mga magulang.

Psalm 119:34

Bigyan mo ako ng pagkaunawa at aking iingatan ang iyong kautusan; Oo, aking susundin ng aking buong puso.

Psalm 119:101

Aking pinigil ang mga paa ko sa lahat ng masamang lakad, upang aking masunod ang salita mo.

Psalm 119:17

Gawan ng mabuti ang iyong lingkod, upang ako'y mabuhay; sa gayo'y aking susundin ang iyong salita.

Psalm 119:5

Oh matatag nawa ang aking mga daan, upang sundin ang mga palatuntunan mo!

Psalm 119:117

Alalayan mo ako, at ako'y maliligtas, at magkakaroon ako ng laging pitagan sa iyong mga palatuntunan.

Psalm 119:88

Buhayin mo ako ayon sa iyong kagandahang-loob; sa gayo'y aking iingatan ang patotoo ng iyong bibig.

Psalm 119:134

Tubusin mo ako sa pagpighati ng tao: sa gayo'y aking tutuparin ang mga tuntunin mo.

Psalm 119:115

Magsihiwalay kayo sa akin, kayong mga manggagawa ng kasamaan; upang aking maingatan ang mga utos ng aking Dios.

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a