16 Talata sa Bibliya tungkol sa Pagpako kay Jesu-Cristo

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Mga Taga-Galacia 2:20
Mga Konsepto ng TaludtodAting Pagkapako sa KrusBuhay sa Materyal na MundoBuhay ay na kay CristoAng Isinukong BuhayKaraniwang BuhayCristo, Pagibig niMuling PagsilangNananatiling Malakas at Hindi SumusukoPagpako sa KrusNamumuhay para sa DiyosHindi SumusukoPananampalataya sa DiyosPagibigMasaganang BuhayPatay sa KasalananKasalanan, Pagiwas saJesus, Kusang Loob na Pagbibigay ng Kanyang BuhayDiyos, Pagkakaisa ngPakinabang ng Pananampalataya kay CristoPagtanggap kay CristoPakikipagisa kay Cristo, Katangian ngPablo, Katuruan niWalang Hanggang Buhay, Karanasan saHindi KamunduhanKasalanan, Tugo ng Diyos saCristo bilang Pansin ng Tunay na PananampalatayaBuhay PananampalatayaHindi AkoPananatili kay CristoJesu-Cristo, Pagibig niPagkabuhay na Maguli, Espirituwal naPagiisaPagiging Ganap na KristyanoMalusog na Buhay may AsawaKatubusanKapalitBuhay na Karapatdapat IpamuhayPagibig, Katangian ngKinatawanTinatahanan ni CristoPagpapakabanal, Paraan at Bunga ngKahulugan ng PagkabuhayPagdidisipulo, Halaga ngKamatayan sa SariliUriPagpatay ng Sariling LayawPananampalataya bilang Batayan ng KaligtasanPagkamatay kasama ni CristoSarili, Paglimot saPakikibahagi sa Kamatayan at Pagkabuhay ni CristoSumusukoDiyos, Ipinaubaya ngPakikipagisa kay Cristo, Kahalagahan ngPakikibahagi kay CristoWalang Hanggang Buhay, Kalikasan ngTiwala at Tingin sa Sarili

Ako'y napako sa krus na kasama ni Cristo; at hindi na ako ang nabubuhay, kundi si Cristo ang nabubuhay sa akin: at ang buhay na ikinabubuhay ko ngayon sa laman ay ikinabubuhay ko sa pananampalataya, ang pananampalataya na ito'y sa Anak ng Dios, na sa akin ay umibig, at ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa akin.

Juan 19:17

Kinuha nga nila si Jesus: at siya'y lumabas, na pasan niya ang krus, hanggang sa dakong tinatawag na Dako ng bungo, na sa wikang Hebreo ay tinatawag na Golgota:

Lucas 23:33

At nang dumating sa dakong tinatawag na Bungo, ay kanilang ipinako roon siya sa krus, at ang mga tampalasan, isa sa kanan at isa sa kaliwa.

Mateo 27:37

At inilagay nila sa kaniyang ulunan ang pamagat sa kaniya, na nasusulat: ITO'Y SI JESUS, ANG HARI NG MGA JUDIO.

Mateo 27:54

Ang senturion nga, at ang mga kasamahan niya sa pagbabantay kay Jesus, nang mangakita nila ang lindol, at ang mga bagay na nangyari, ay lubhang nangatakot, na nangagsasabi, Tunay na ito ang Anak ng Dios.

Marcos 15:25

At ikatlo na ang oras, at siya'y kanilang ipinako sa krus.

Lucas 23:47

At nang makita ng senturion ang nangyari, ay niluwalhati niya ang Dios na nagsasabi, Tunay na ito'y isang taong matuwid.

Juan 19:32-33

Nagsiparoon na ang mga kawal, at inumog ang mga hita ng una, at ng sa isa na ipinako sa krus na kasama niya: Nguni't nang magsiparoon sila kay Jesus, at makitang siya'y patay na, ay hindi na nila inumog ang kaniyang mga hita:

Juan 19:19

At sumulat din naman si Pilato ng isang pamagat, at inilagay sa ulunan ng krus. At ang nasusulat ay, JESUS NA TAGA NAZARET, ANG HARI NG MGA JUDIO.

Marcos 15:24

At siya'y kanilang ipinako sa krus, at kanilang pinaghatihatian ang kaniyang mga damit, na kanilang pinagsapalaran, kung alin ang dadalhin ng bawa't isa.

Juan 19:23

Ang mga kawal nga, nang si Jesus ay kanilang maipako na sa krus, ay kanilang kinuha ang kaniyang mga kasuutan at pinagapat na bahagi, sa bawa't kawal ay isang bahagi; at gayon din naman ang tunika: at ang tunika ay walang tahi, na hinabing buo mula sa itaas.

Juan 20:25

Sinabi nga sa kaniya ng ibang mga alagad, Nakita namin ang Panginoon. Nguni't sinabi niya sa kanila, Malibang aking makita sa kaniyang mga kamay ang butas ng mga pako, at maisuot ko ang aking daliri sa butas ng mga pako, at maisuot ko ang aking kamay sa kaniyang tagiliran, ay hindi ako sasampalataya.

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a