7 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Pagpapatapon sa Israel tungo sa Asirya

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

2 Mga Hari 15:29

Nang mga kaarawan ni Peka na hari sa Israel ay naparoon si Tiglathpileser na hari sa Asiria, at sinakop ang Ihion, at ang Abel-bethmaacha, at ang Janoa, at ang Cedes, at ang Asor, at ang Galaad, at ang Galilea, ang buong lupain ng Nephtali; at kaniyang dinalang bihag sila sa Asiria.

1 Paralipomeno 5:6

Si Beera na kaniyang anak, na dinalang bihag ni Tilgath-pilneser na hari sa Asiria: siya'y prinsipe ng mga Rubenita.

1 Paralipomeno 5:26

At hinikayat ng Dios ng Israel ang diwa ni Phul na hari sa Asiria, at ang diwa ni Tilgath-pilneser na hari sa Asiria, at dinalang bihag sila, sa makatuwid baga'y ang mga Rubenita, at ang mga Gadita, at ang kalahati ng lipi ni Manases, at dinala hanggang sa Hala, at sa Habor, at sa Hara, at sa ilog ng Gozan, hanggang sa araw na ito.

2 Mga Hari 17:6

Nang ikasiyam na taon ni Oseas, sinakop ng hari sa Asiria ang Samaria, at dinala ang Israel sa Asiria, at inilagay sila sa Hala, at sa Habor, sa ilog ng Gozan, at sa mga bayan ng mga Medo.

2 Mga Hari 17:23

Hanggang sa inihiwalay ng Panginoon ang Israel sa kaniyang paningin, gaya ng kaniyang sinalita sa pamamagitan ng lahat niyang lingkod na mga propeta. Gayon dinala ang Israel sa Asiria na mula sa kanilang sariling lupain, hanggang sa araw na ito.

2 Mga Hari 18:11

At dinala ng hari sa Asiria ang Israel sa Asiria, at inilagay sa Hala, at sa Habor, sa ilog ng Gozan, at sa mga bayan ng mga Medo:

Ezekiel 39:23

At malalaman ng mga bansa na ang sangbahayan ni Israel ay pumasok sa pagkabihag dahil sa kanilang kasamaan; sapagka't sila'y nagsisalangsang laban sa akin, at ikinubli ko ang aking mukha sa kanila: sa gayo'y ibinigay ko sila sa kamay ng kanilang mga kaaway, at silang lahat ay nangabuwal sa pamamagitan ng tabak.

Never miss a post

n/a