19 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Pagpayag na Patayin

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Mga Gawa 8:1

At si Saulo ay sumangayon sa kaniyang pagkamatay. At nang araw na yao'y nangyari ang isang malaking paguusig laban sa iglesia na nasa Jerusalem; at silang lahat ay nagsipangalat sa lahat ng mga dako ng Judea at Samaria, maliban na sa mga apostol.

Mga Gawa 22:20

At nang ibubo ang dugo ni Estebang iyong saksi, ay ako nama'y nakatayo sa malapit, at sinasangayunan ko, at iningatan ko ang mga damit ng sa kaniya'y nagsipatay.

Mangangaral 3:3

Panahon ng pagpatay, at panahon ng pagpapagaling; panahon ng paggiba, at panahon ng pagtatayo;

Pahayag 6:8

At tumingin ako, at narito, ang isang kabayong maputla: at ang nakasakay dito ay may pangalang Kamatayan; at ang Hades ay sumusunod sa kaniya. At sila'y pinagkalooban ng kapamahalaan sa ikaapat na bahagi ng lupa, na pumatay sa pamamagitan ng tabak, at ng gutom, at ng salot, at ng mga ganid na hayop sa lupa.

Deuteronomio 13:15

Iyo ngang susugatan ng talim ng tabak, ang mga nananahan sa bayang yaon, na iyong lubos na lilipulin, at ang lahat na nandoon at ang mga hayop doon ay iyong lilipulin ng talim ng tabak.

Jeremias 18:21

Kaya't ibigay mo ang kanilang mga anak sa kagutom, at ibigay mo sila sa kapangyarihan ng tabak; at ang kanilang mga asawa ay mawalan ng anak, at mga bao; at ang kanilang mga lalake ay mangapatay sa patayan, at ang kanilang mga binata ay masugatan ng tabak sa pagbabaka.

Daniel 5:19

At dahil sa kadakilaan na ibinigay niya sa kaniya, nanginig at natakot sa harap niya lahat ng mga bayan, bansa, at wika: ang kaniyang ibiging patayin ay kaniyang pinapatay, at ang kaniyang ibiging buhayin ay kaniyang binubuhay; at ang ibiging itaas ay kaniyang itinataas, at ang ibiging ibaba ay kaniyang ibinababa.

2 Mga Hari 6:21

At sinabi ng hari sa Israel kay Eliseo, nang makita niya sila, Ama ko, sasaktan ko ba sila? sasaktan ko ba sila?

Genesis 31:32

Kaya kung kanino mo masumpungan ang iyong mga dios, ay huwag mabuhay: sa harap ng ating mga kapatid ay iyong kilalanin kung anong mayroon akong iyo, at dalhin mo sa iyo. Sapagka't hindi nalalaman ni Jacob na si Raquel ang nagnakaw.

Genesis 44:9

Yaong kasumpungan sa iyong mga lingkod, ay mamatay, at pati kami ay magiging alipin ng aming panginoon.

2 Mga Hari 10:25

At nangyari, pagkatapos niyang makapaghandog ng mga handog na susunugin, na sinabi ni Jehu sa bantay at sa mga punong kawal, Kayo'y magsipasok at inyo silang patayin; huwag makalabas ang sinoman. At sinaktan nila sila ng talim ng tabak; at inihagis sila sa labas ng bantay, at ng mga punong kawal, at nagsiparoon sa bayan ng bahay ni Baal.

2 Mga Hari 11:8

At inyong kukulungin ang hari sa palibot, na bawa't isa'y may dalang kaniyang mga sandata sa kaniyang kamay; at ang pumasok sa hanay, patayin: at kayo'y magsiabay sa hari pagka siya'y lumalabas, at pagka siya'y pumapasok.

2 Mga Hari 11:15

At si Joiada na saserdote ay nagutos sa mga punong kawal ng dadaanin na nalalagay sa hukbo, at nagsabi sa kanila, Palabasin ninyo siya sa pagitan ng mga hanay, at ang sumunod sa kaniya, patayin ng tabak: sapagka't sinabi ng saserdote, Huwag patayin siya sa bahay ng Panginoon.

Jeremias 50:21

Sumampa ka laban sa lupain ng Merathaim, laban doon, at laban sa mga nananahan sa Pekod: pumatay ka at manglipol na lubos na manunod sa kanila, sabi ng Panginoon, at iyong gawin ang ayon sa lahat na iniutos ko sa iyo.

Deuteronomio 13:9

Kundi papatayin mo nga; ang iyong kamay ang mangunguna sa kaniya upang patayin siya, at pagkatapos ay ang kamay ng buong bayan.

1 Samuel 11:12

At sinabi ng bayan kay Samuel, Sino yaong nagsasabi, Maghahari ba si Saul sa amin? dalhin dito ang mga taong yaon upang aming patayin sila.

Exodo 5:21

At sinabi nila sa kanila, Kayo nawa'y tunghan ng Panginoon, at hatulan; sapagka't ang aming katayuan ay ginawa mong nakamumuhi sa mga mata ni Faraon, at sa mga mata ng kaniyang mga lingkod, na naglagay ng tabak sa kanilang kamay upang kami ay patayin.

Daniel 2:12-13

Dahil sa bagay na ito ang hari ay nagalit at totoong nagalab sa galit, at nagutos na lipulin ang lahat na pantas na tao sa Babilonia. Sa gayo'y itinanyag ang pasiya, at ang mga pantas na tao ay papatayin; at hinanap nila si Daniel at ang kaniyang mga kasama upang patayin.

Never miss a post

n/a