21 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Pagsakay sa Kabayo

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Nahum 3:3

Ang sakay ng mga mangangabayo, at ang kinang ng tabak; at ang kislap ng sibat, at isang karamihan na patay, ay malaking bunton ng mga bangkay, at walang katapusang mga bangkay; sila'y nangatitisod sa kanilang mga bangkay;

Habacuc 1:8

Ang kanilang mga kabayo naman ay matutulin kay sa mga leopardo, at mababangis kay sa lobo sa gabi; at ang kanilang mga mangangabayo ay nagtutumulin na may kapalaluan: oo, ang kanilang mga mangangabayo ay nanganggagaling sa malayo; sila'y nagsisilipad na parang aguila na nagmamadali upang manakmal.

Hagai 2:22

At aking guguluhin ang luklukan ng mga kaharian, at aking gigibain ang lakas ng mga kaharian ng mga bansa; at aking guguluhin ang mga karo, at yaong nagsisisakay sa mga yaon; at ang mga kabayo at ang mga sakay ng mga yaon ay mangahuhulog, ang bawa't isa'y sa pamamagitan ng tabak ng kaniyang kapatid.

Zacarias 1:8

Aking nakita sa gabi, at, narito, ang isang lalaking nakasakay sa isang mapulang kabayo, at siya'y tumayo sa mga puno ng mirto, na nasa pinakamababa; at sa likuran niya'y may mga kabayong mapula, alazan, at maputi.

2 Mga Hari 9:17-20

Ang tagatanod nga ay tumayo sa moog sa Jezreel, at kaniyang tinanaw ang pulutong ni Jehu habang dumarating siya, at nagsabi, Ako'y nakakakita ng isang pulutong. At sinabi ni Joram, Kumuha ka ng isang mangangabayo, at iyong suguin na salubungin sila, at magsabi, Kapayapaan ba? Sa gayo'y naparoon ang isa na nangangabayo na sinalubong siya, at nagsabi, Ganito ang sabi ng hari, Kapayapaan ba? At sinabi ni Jehu, Anong ipakikialam mo sa kapayapaan? bumalik kang kasunod ko. At isinaysay ng tagatanod, na sinasabi, Ang sugo ay dumating sa kanila, nguni't siya'y hindi bumabalik. Nang magkagayo'y nagsugo ng ikalawa na nangangabayo na dumating sa kanila, at nagsabi, Ganito ang sabi ng hari, Kapayapaan ba? At sumagot si Jehu, Ano ang iyong ipakikialam sa kapayapaan? bumalik kang kasunod ko.magbasa pa.
At isinaysay ng tagatanod, na sinasabi, Siya'y dumating hanggang sa kanila, at hindi bumabalik: at ang pagpapatakbo ay gaya ng pagpapatakbo ni Jehu, na anak ni Nimsi; sapagka't siya'y nagpapatakbo na magilas.

Isaias 22:7

At nangyari, na ang iyong pinakapiling libis ay puno ng mga karo, at ang mga mangangabayo ay nagsisihanay sa pintuang-bayan.

Jeremias 4:29

Ang buong bayan ay tumakas dahil sa hugong ng mga mangangabayo at ng mga mamamana; sila'y nagsipasok sa mga kagubatan, at nangagukyabit sa mga malaking bato; bawa't bayan ay napabayaan, at walang tao na tumatahan doon.

2 Mga Hari 18:23

Isinasamo ko nga ngayon sa iyo na magbigay ka ng mga sangla sa aking panginoon na hari sa Asiria, at bibigyan kita ng dalawang libong kabayo, kung ikaw ay makapaglalagay sa ganang iyo ng mga mangangabayo sa mga yaon.

Isaias 36:8

Ngayon nga isinasamo ko sa iyo, na magbigay ka ng mga sanla sa aking panginoon na hari sa Asiria, at bibigyan kita ng dalawang libong kabayo, kung ikaw ay makapaglalagay sa ganang iyo ng mga mananakay sa mga yaon.

Jeremias 46:4

Singkawan ninyo ang mga kabayo, at kayo'y magsisakay, kayong mga nangangabayo, at magsitayo kayong mga turbante; pakintabin ninyo ang mga sibat, at mangagsuot kayo ng sapyaw.

Isaias 30:16

Kundi inyong sinabi, Hindi, sapagka't kami ay magsisitakas na mangangabayo: kaya kayo'y magsisitakas: at, Kami ay magsisisakay sa mga maliksi; kaya't silang magsisihabol sa inyo ay maliliksi.

Mga Gawa 23:24

At pinapaghanda niya sila ng mga hayop, upang mapagsakyan kay Pablo, at siya'y maihatid na walang panganib kay Felix na gobernador.

Nehemias 2:12

At ako'y bumangon sa kinagabihan, ako, at ilang lalake na kasama ko; ni hindi ko man isinaysay sa kanino man kung anong inilagak ng aking Dios sa aking puso na gawin sa ikagagaling ng Jerusalem: wala rin namang anomang hayop na kasama ako, liban sa hayop na aking sinasakyan.

Ester 8:10

At kaniyang sinulat sa pangalan ng haring Assuero, at tinatakan ng singsing ng hari, at nagpadala ng mga sulat sa pamamagitan ng mga sugo na nagsisipangabayo na nangakasakay sa mga matulin na kabayo na ginagamit sa paglilingkod sa hari, at sa mga batang dromedario;

Mangangaral 10:7

Nakakita ako ng mga alipin na nakasakay sa mga kabayo, at ng mga pangulo na nagsisilakad sa lupa na gaya ng mga alipin.

Zacarias 12:4

Sa araw na yaon, sabi ng Panginoon, aking tutuligin ang bawa't kabayo, at ang kaniyang sakay ng pagkaulol; at aking ididilat ang aking mga mata sa sangbahayan ni Juda, at aking bubulagin ang bawa't kabayo ng mga bayan.

Awit 76:6

Sa iyong saway Oh Dios ni Jacob, ang karo at gayon din ang kabayo ay nahandusay sa mahimbing na pagkakatulog.

Zacarias 10:5

At sila'y magiging parang mga makapangyarihang lalake, na yayapakan nila ang kanilang mga kaaway sa putik sa mga lansangan sa pagbabaka; at sila'y magsisilaban, sapagka't ang Panginoon ay sumasakanila; at ang mga mangangabayo ay mangatutulig.

Mga Gawa 23:23

At kaniyang tinawag ang dalawa sa mga senturion, at sinabi, Ihanda ninyo ang dalawang daang kawal upang magsiparoon hanggang sa Cesarea, at pitong pung kabayuhan, at dalawang daang sibatan, sa ikatlong oras ng gabi:

Mga Gawa 23:32

Datapuwa't nang kinabukasan ay pinabayaan nilang samahan siya ng mga kabayuhan, at nangagbalik sa kuta:

Pahayag 9:16

At ang bilang ng mga hukbong nangangabayo ay makalawang sangpunglibong tigsasangpung libo: aking narinig ang bilang nila.

Never miss a post

n/a