11 Talata sa Bibliya tungkol sa Pagsasaulo ng Bibliya

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Deuteronomio 6:6-9

At ang mga salitang ito, na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, ay sasa iyong puso; At iyong ituturo ng buong sikap sa iyong mga anak, at iyong sasalitain tungkol sa kanila pagka ikaw ay nakaupo sa iyong bahay, at pagka ikaw ay lumakad sa daan, at pagka ikaw ay nahihiga at pagka ikaw ay bumabangon. At iyong itatali na pinakatanda sa iyong kamay at mga magiging pinakatali sa iyong noo.magbasa pa.
At iyong isusulat sa itaas ng pintuan ng iyong bahay at sa iyong mga pintuan-daan.

Deuteronomio 30:14

Kundi ang salita ay totoong malapit sa iyo, sa iyong bibig, at sa iyong puso, upang iyong magawa.

Deuteronomio 31:19

Ngayon nga'y sulatin ninyo sa ganang inyo ang awit na ito, at ituro mo sa mga anak ni Israel: ilagay mo sa kanilang mga bibig, upang ang awit na ito'y maging saksi sa akin laban sa mga anak ni Israel.

Josue 23:14

At, narito, sa araw na ito ay yumayaon ako sa lakad ng buong lupa: at inyong talastas sa inyong buong puso at sa inyong buong kaluluwa na walang bagay na nagkulang sa lahat na mga mabuting bagay na sinalita ng Panginoon ninyong Dios tungkol sa inyo; lahat ay nangyari sa inyo, wala kahit isang bagay na nagkulang.

Awit 119:129-130

Ang mga patotoo mo'y kagilagilalas; kayat sila'y iniingatan ng aking kaluluwa. Ang bukas ng iyong mga salita ay nagbibigay ng liwanag; nagbibigay ng unawa sa walang muwang.

Joel 1:1-3

Ang salita ng Panginoon na dumating kay Joel na anak ni Pethuel. Dinggin ninyo ito, ninyong mga matanda, at pakinggan ninyo, ninyong lahat na mananahan sa lupain. Nagkaroon baga nito sa inyong mga kaarawan o sa mga kaarawan ng inyong mga magulang? Saysayin ninyo sa inyong mga anak, at saysayin ng inyong mga anak sa kanilang mga anak, at ng kanilang mga anak sa susunod na lahi.

Mikas 2:7

Sasabihin baga Oh sangbahayan ni Jacob, Ang Espiritu baga ng Panginoon ay nagipit? ang mga ito baga ang kaniyang mga gawa? Di baga ang aking mga salita ay nagsisigawa ng mabuti sa nagsisilakad ng matuwid?

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a