12 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Pagwawaldas

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Kawikaan 19:10

Maayos na pamumuhay ay hindi magaling sa mangmang; lalo na sa alipin na magpuno sa mga pangulo.

Lucas 21:34-35

Datapuwa't mangagingat kayo sa inyong sarili, baka mangalugmok ang inyong mga puso sa katakawan, at sa kalasingan, at sa mga pagsusumakit ukol sa buhay na ito, at dumating na bigla sa inyo ang araw na yaon na gaya ng silo: Sapagka't gayon darating sa kanilang lahat na nangananahan sa ibabaw ng buong lupa.

2 Mga Hari 9:30-37

At nang si Jehu ay dumating sa Jezreel nabalitaan ni Jezabel; at kaniyang kinulayan ang kaniyang mga mata, at ginayakan ang kaniyang ulo, at dumungaw sa dungawan. At samantalang si Jehu ay pumapasok sa pintuang-bayan, kaniyang sinabi, Kapayapaan ba ikaw Zimri, ikaw na mamamatay sa iyong Panginoon? At kaniyang itiningala ang kaniyang mukha sa dungawan, at nagsabi, Sino ang sa ganang akin? sino? At dinungaw siya ng dalawa o tatlong bating.magbasa pa.
At kaniyang sinabi, Ibagsak ninyo siya. Sa gayo'y ibinagsak nila siya: at ang iba sa kaniyang dugo ay pumilansik sa pader, at sa mga kabayo: at siya'y kaniyang niyapakan ng paa. At pagkapasok niya, siya'y kumain at uminom; at kaniyang sinabi, Tingnan ninyo ngayon ang sinumpang babaing ito, at ilibing ninyo siya: sapagka't anak ng hari. At sila'y nagsiyaon upang ilibing siya: nguni't wala na silang nasumpungan sa kaniya kundi ang bungo, at ang mga paa, at ang mga palad ng kaniyang mga kamay. Kaya't sila'y nagsibalik, at isinaysay sa kaniya. At kaniyang sinabi, Ito ang salita ng Panginoon, na kaniyang sinalita sa pamamagitan ng kaniyang lingkod na si Elias na Thisbita, na sinasabi, Sa bahagi ng Jezreel kakanin ng mga aso ang laman ni Jezabel: At ang bangkay ni Jezabel ay magiging gaya ng dumi na itinapon sa ibabaw ng bukid sa bahagi ng Jezreel; na anopa't hindi nila sasabihin, Ito'y si Jezabel.

Isaias 5:12

At ang alpa at ang viola, ang pandareta at ang plauta, at ang alak, ay nangasa kanilang mga kapistahan: nguni't hindi nila pinakundanganan ang gawa ng Panginoon, o ginunita man nila ang gawa ng kaniyang mga kamay.

Jeremias 9:3

At pinamimilantik nila ang kanilang dila gaya ng kanilang busog, dahil sa kabulaanan; at sila'y nagsisitakas sa lupain, nguni't hindi para sa katotohanan: sapagka't sila'y nagpatuloy mula sa kasamaan hanggang sa kasamaan, at hindi nila ako nakikilala, sabi ng Panginoon.

Kawikaan 5:8-10

Ilayo mo ang iyong lakad sa kaniya, at huwag kang lumapit sa pintuan ng kaniyang bahay: Baka mo ibigay ang iyong karangalan sa iba, at ang iyong mga taon sa mga mabagsik: Baka ang mga di kilalang babae ay mapuno ng iyong kalakasan; at ang iyong mga pinagpagalan ay mapasa bahay ng kaapid;

Never miss a post

n/a