13 Talata sa Bibliya tungkol sa Pamamaraan ng Diyos ay Hindi Maarok ng Isip ng Tao

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Isaias 55:8-9

Sapagka't ang aking mga pagiisip ay hindi ninyo mga pagiisip, o ang inyo mang mga lakad ay aking mga lakad, sabi ng Panginoon. Sapagka't kung paanong ang langit ay lalong mataas kay sa lupa, gayon ang aking mga lakad ay lalong mataas kay sa inyong mga lakad, at ang aking mga pagiisip kay sa inyong mga pagiisip.

Job 36:22-23

Narito, ang Dios ay gumagawa ng mainam sa kaniyang kapangyarihan: sinong tagapagturo ang gaya niya? Sinong nagguhit sa kaniya ng kaniyang daan? O sinong makapagsasabi, ikaw ay gumawa ng kalikuan?

Awit 139:1-6

Oh Panginoon, iyong siniyasat ako, at nakilala ako. Iyong nakikilala ang aking pag-upo at ang aking pagtindig, iyong nauunawa ang aking pagiisip sa malayo. Iyong siniyasat ang aking landas at ang aking higaan, at iyong kilala ang lahat kong mga lakad.magbasa pa.
Sapagka't wala pa ang salita sa aking dila, nguni't, narito, Oh Panginoon, natatalastas mo nang buo. Iyong kinulong ako sa likuran at sa harapan, at inilapag mo ang iyong kamay sa akin. Ang ganyang kaalaman ay totoong kagilagilalas sa akin; ito'y mataas, hindi ko maabot.

Mga Taga-Roma 11:33-34

Oh kalaliman ng mga kayamanan ng karunungan at ng kaalaman ng Dios! oh di matingkalang mga hatol niya, at hindi malirip na kaniyang mga daan! Sapagka't sino ang nakaalam ng pagiisip ng Panginoon? o sino ang kaniyang naging kasangguni?

Mangangaral 3:11

Ginawa niya ang bawa't bagay na maganda sa kapanahunan niyaon: inilagay rin niya ang sanglibutan sa kanilang puso, na anopa't hindi matalos ng tao ang gawa na ginawa ng Dios mula sa pasimula hanggang sa wakas.

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a