46 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Panganay na Anak na Lalake

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Genesis 27:19

At sinabi ni Jacob sa kaniyang ama, Ako'y si Esau na iyong panganay; ginawa ko ang ayon sa sinabi mo sa akin: bumangon ka, ipinamamanhik ko sa iyo, maupo ka at kumain ka ng aking usa, upang basbasan ako ng iyong kaluluwa.

Genesis 27:32

At sinabi ni Isaac na kaniyang ama sa kaniya, Sino ka? At kaniyang sinabi, Ako ang iyong anak, ang iyong panganay na si Esau.

Genesis 38:28

At nangyari, nang nanganganak siya, na inilabas ng isa ang kamay: at hinawakan ng hilot at tinalian sa kamay ng isang sinulid na mapula, na sinasabi, Ito ang unang lumabas.

Exodo 4:22

At iyong sasabihin kay Faraon, Ganito ang sabi ng Panginoon, Ang Israel ay aking anak, aking panganay:

Jeremias 31:9

Sila'y magsisiparitong may iyakan, at may mga pamanhik na aking papatnubayan sila; akin silang palalakarin sa tabi ng mga ilog ng tubig, sa matuwid na daan na hindi nila katitisuran; sapagka't ako'y pinakaama sa Israel, at ang Ephraim ang aking panganay.

Genesis 48:18

At sinabi ni Jose sa kaniyang ama, Hindi ganyan, ama ko: sapagka't ito ang panganay; ipatong mo ang iyong kanang kamay sa kaniyang ulo.

1 Paralipomeno 8:30

At ang kaniyang anak na panganay si Abdon, at si Sur, at si Cis, at si Baal, at si Nadab;

1 Paralipomeno 9:36

At ang anak niyang panganay si Abdon, at si Sur, at si Cis, at si Baal, at si Ner, at si Nadab;

2 Samuel 3:2

At nagkaanak si David sa Hebron: at ang kaniyang panganay ay si Amnon kay Ahinoam na taga Jezreel;

1 Paralipomeno 3:1

Ang mga ito nga ang mga anak ni David, na mga ipinanganak sa kaniya sa Hebron: ang panganay ay si Amnon, ni Achinoam na Jezreelita; ang ikalawa'y si Daniel, ni Abigail na Carmelita;

1 Paralipomeno 8:1

At naging anak ni Benjamin si Bela na kaniyang panganay, si Asbel ang ikalawa, at si Ara ang ikatlo;

1 Samuel 17:13

At ang tatlong pinakamatandang anak ni Isai ay naparoong sumunod kay Saul sa pakikipagbaka: at ang mga pangalan ng kaniyang tatlong anak na naparoon sa pakikipagbaka ay si Eliab na panganay, at ang kasunod niya ay si Abinadab, at ang ikatlo ay si Samma.

1 Paralipomeno 2:13

At naging anak ni Isai ang kaniyang panganay na si Eliab, at si Abinadab ang ikalawa, at si Sima ang ikatlo;

Genesis 36:15

Ito ang mga pangulo sa mga anak ni Esau: ang mga anak ni Eliphaz, na panganay ni Esau; ang pangulong Teman, ang pangulong Omar, ang pangulong Zepho, ang pangulong Cenaz,

Genesis 38:6

At pinapag-asawa ni Juda si Er na kaniyang panganay, at ang pangalan niyao'y Thamar.

Genesis 38:7

At si Er, na panganay ni Juda, ay naging masama sa paningin ng Panginoon; at siya'y pinatay ng Panginoon.

1 Paralipomeno 2:3

Ang mga anak ni Juda: si Er, at si Onan, at si Sela: na siyang tatlong ipinanganak sa kaniya ng anak na babae ni Sua, na Cananea. At si Er, na panganay ni Juda, ay masama sa paningin ng Panginoon; at pinatay niya siya.

1 Paralipomeno 2:50

Ito ang mga naging anak ni Caleb, na anak ni Hur, na panganay ni Ephrata: si Sobal na ama ni Chiriath-jearim;

1 Paralipomeno 4:4

At si Penuel na ama ni Gedor, at si Ezer na ama ni Husa. Ito ang mga anak ni Hur, na panganay ni Ephrata, na ama ni Bethlehem.

1 Paralipomeno 2:25

At ang mga anak ni Jerameel na panganay ni Hesron ay si Ram ang panganay, at si Buna, at si Orem, at si Osem, si Achia.

Mga Hukom 8:20

At sinabi niya kay Jether na kaniyang panganay, Bangon, at patayin mo sila. Nguni't ang bata'y hindi humawak ng tabak: sapagka't siya'y natakot, dahil sa siya'y bata pa.

1 Samuel 8:2

Ang pangalan nga ng kaniyang panganay ay Joel; at ang pangalan ng kaniyang ikalawa ay Abia: sila'y mga hukom sa Beer-seba.

1 Paralipomeno 3:15

At ang mga anak ni Josias: ang panganay ay si Johanan, ang ikalawa'y si Joacim, ang ikatlo'y si Sedecias, ang ikaapat ay si Sallum.

Josue 17:1

At ito ang kapalaran ng lipi ni Manases; sapagka't siya ang panganay ni Jose. Tungkol kay Machir na panganay ni Manases, na ama ni Galaad, sapagka't siya'y lalaking mangdidigma, ay kaniya ngang tinangkilik ang Galaad at ang Basan.

Genesis 41:51

At tinawag ni Jose ang pangalan ng panganay na Manases, sapagka't aniya'y, Ipinalimot ng Dios sa akin ang lahat ng aking kapagalan at ang buong bahay ng aking ama.

Genesis 48:14

At iniunat ni Israel ang kaniyang kanang kamay, at ipinatong sa ulo ni Ephraim, na siyang bunso, at ang kaniyang kaliwang kamay ay sa ulo ni Manases, na pinapatnubayang sadya ang kaniyang mga kamay; sapagka't si Manases ang panganay.

1 Paralipomeno 9:31

At si Mathathias, na isa sa mga Levita, na siyang panganay ni Sallum na Coraita, may takdang katungkulan sa mga bagay na niluluto sa kawali.

1 Paralipomeno 2:42

At ang mga anak ni Caleb na kapatid ni Jerameel ay si Mesa na kaniyang panganay, na siyang ama ni Ziph; at ang mga anak ni Maresa na ama ni Hebron.

Mga Bilang 3:2

At ito ang mga pangalan ng mga anak ni Aaron: si Nadab ang panganay, at si Abiu, si Eleazar, at si Ithamar.

Genesis 25:13

At ito ang mga pangalan ng mga anak ni Ismael, ayon sa kanikaniyang lahi: ang panganay ni Ismael ay si Nabaioth; at si Cedar, at si Adbeel, at si Mibsam,

1 Paralipomeno 1:29

Ito ang kanilang mga lahi: ang panganay ni Ismael, si Nabajot; saka si Cedar, at si Adbeel, at si Misam,

1 Paralipomeno 2:27

At ang mga anak ni Ram na panganay ni Jerameel ay si Maas, at si Jamin, at si Acar.

Genesis 35:23

Ang mga anak ni Lea, ay: si Ruben, na panganay ni Jacob, at si Simeon, at si Levi, at si Juda at si Issachar, at si Zabulon.

Genesis 46:8

At ito ang mga pangalan ng mga anak ni Israel, na napasa Egipto, ni Jacob at ng kaniyang mga anak: si Ruben na anak na panganay ni Jacob.

Genesis 49:3

Ruben, ikaw ang aking panganay, ang aking kapangyarihan, at siyang pasimula ng aking kalakasan; Siyang kasakdalan ng kamahalan, at siyang kasakdalan ng kapangyarihan.

Exodo 6:14

Ito ang mga pangulo sa mga angkan ng kanilang mga magulang; ang mga anak ni Ruben na panganay ni Israel; si Hanoch, at si Phallu, at si Hezron, at si Carmi: ito ang mga angkan ni Ruben.

Mga Bilang 1:20

At ang mga anak ni Ruben, na panganay ni Israel, ang kanilang mga lahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, sangayon sa dami ng kanilang mga ulo, bawa't lalake mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa pakikibaka;

Mga Bilang 26:5

Si Ruben ang panganay ni Israel: ang mga anak ni Ruben; kay Hanoc, ang angkan ng mga Hanocitas; kay Phallu, ang angkan ng mga Palluita:

1 Paralipomeno 5:1

At ang mga anak ni Ruben na panganay ni Israel (sapagka't siya ang panganay; nguni't sa paraang kaniyang dinumhan ang higaan ng kaniyang ama, ang kaniyang pagkapanganay ay ibinigay sa mga anak ni Jose na anak ni Israel; at sa talaan ng lahi ay hindi marapat ibilang ayon sa pagkapanganay.

1 Paralipomeno 26:4

At si Obed-edom ay nagkaanak; si Semeias ang panganay, si Jozabad ang ikalawa, si Joab ang ikatlo, at si Sachar ang ikaapat, at si Nathanael ang ikalima;

Genesis 10:15

At naging anak ni Canaan si Sidon, na kaniyang panganay, at si Heth.

1 Paralipomeno 1:13

At naging anak ni Canaan si Sidon, na kaniyang panganay, at si Heth,

1 Paralipomeno 8:39

At ang mga anak ni Esec na kaniyang kapatid: si Ulam na kaniyang panganay, si Jehus na ikalawa, at si Elipheleth na ikatlo.

Genesis 22:21

Si Huz ang kaniyang panganay, at si Buz na kaniyang kapatid, at si Kemuel na ama ni Aram;

1 Paralipomeno 26:2

At si Meselemia ay nagkaanak; si Zacharias ang panganay, si Jediael ang ikalawa, si Zebadias ang ikatlo, si Jatnael ang ikaapat;

Never miss a post

n/a