39 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Pangitain at mga Panaginip sa Kasulatan

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Job 4:13-16

Sa mga pagiisip na mula sa mga pangitain sa gabi, pagka ang mahimbing na tulog ay nahuhulog sa mga tao, Takot ay dumating sa akin, at panginginig, na nagpapanginig ng lahat ng aking mga buto. Nang magkagayo'y dumaan ang isang espiritu sa aking mukha. Ang balahibo ng aking balat ay nanindig.magbasa pa.
Tumayong nakatigil, nguni't hindi ko mawari ang anyo niyaon; isang anyo ang nasa harap ng aking mga mata: tahimik, at ako'y nakarinig ng tinig, na nagsasabi,

Genesis 41:1-7

At nangyari, sa katapusan ng dalawang taong ganap, na si Faraon ay nanaginip: at, narito, na siya'y nakatayo sa tabi ng ilog. At, narito may nagsiahon sa ilog na pitong bakang magagandang anyo at matatabang laman; at nanginain sa talahiban. At, narito, na ibang pitong baka, na nagsiahon sa ilog na nasa likuran nila, mga pangit na anyo, at payat; at nagsihinto roon sa tabi ng mga unang baka, sa tabi ng ilog.magbasa pa.
At ang pitong bakang magagandang anyo at matataba, ay nilamon ng mga bakang pangit ang anyo at payat. Sa gayo'y nagising si Faraon. At siya'y natulog at nanaginip na bilang ikalawa; at, narito may sumupling na pitong uhay na mabibintog at mabubuti, na may isa lamang tangkay. At, narito, may pitong uhay na payat at tinutuyo ng hanging silanganan, na nagsitubong kasunod ng mga yaon. At nilamon ng mga uhay na payat ang pitong uhay na mabibintog at malulusog. At nagising si Faraon, at, narito, isang panaginip.

Exodo 3:2-3

At ang anghel ng Panginoon ay napakita sa kaniya, sa isang ningas ng apoy na mula sa gitna ng isang mababang punong kahoy; at siya'y nagmasid, at, narito, ang kahoy ay nagniningas sa apoy, at ang kahoy ay hindi natutupok. At sinabi ni Moises, Ako'y liliko ngayon, at titingnan ko itong dakilang panoorin, kung bakit ang kahoy ay hindi natutupok.

Mga Gawa 7:30-32

At nang maganap ang apat na pung taon, ay napakita sa kaniya ang isang anghel sa ilang ng bundok ng Sinai, sa ningas ng apoy sa isang mababang punong kahoy. At nang makita ito ni Moises, ay nanggilalas sa tanawin; at nang siya'y lumapit upang pagmasdan, ay dumating ang isang tinig ng Panginoon, Ako ang Dios ng iyong mga magulang, ang Dios ni Abraham, at ni Isaac, at ni Jacob. At si Moises ay nanginig at hindi nangahas tumingin.

Mga Hukom 7:13-15

At nang dumating si Gedeon, narito, may isang lalake na nagsasaysay ng isang panaginip sa kaniyang kasama, at kaniyang sinabi, Nanaginip ako ng isang panaginip; at, narito, isang munting tinapay na sebada, ay gumulong hanggang sa kampamento ng Madian, at umabot sa tolda, at tinamaan yaon ng malakas na tuloy bumagsak, at natiwarik, na ang tolda'y lumagpak. At sumagot ang kaniyang kasama, at nagsabi, Ito'y hindi iba, kundi ang tabak ni Gedeon, na anak ni Joas, isang lalaking Israelita, na ibinigay ng Dios sa kaniyang kamay ang Madian at ang buong hukbo niya. At nangyari, nang marinig ni Gedeon ang salaysay tungkol sa panaginip, at ang pagkapaliwanag niyaon, na siya'y sumamba; at siya'y bumalik sa kampamento ng Israel, at sinabi, Tumindig kayo; sapagka't ibinigay ng Panginoon sa inyong kamay ang hukbo ng Madian.

1 Samuel 3:2-15

At nangyari nang panahon na yaon, nang si Eli ay mahiga sa kaniyang dako, (ang kaniya ngang mata'y nagpasimulang lumabo, na siya'y hindi nakakita,) At ang ilawan ng Dios ay hindi pa namamatay, at si Samuel ay nakahiga upang matulog, sa templo ng Panginoon, na kinaroroonan ng kaban ng Dios; Na tinawag ng Panginoon si Samuel: at kaniyang sinabi, Narito ako.magbasa pa.
At siya'y tumakbo kay Eli, at nagsabi, Narito ako; sapagka't tinawag mo ako. At kaniyang sinabi, Hindi ako tumawag; mahiga ka uli. At siya'y yumaon at nahiga. At tumawag pa uli ang Panginoon, Samuel. At bumangon si Samuel at naparoon kay Eli, at nagsabi, Narito ako: sapagka't ako'y tinawag mo. At siya'y sumagot, Hindi ako tumawag, anak ko; mahiga ka uli. Hindi pa nga nakikilala ni Samuel ang Panginoon, o ang salita man ng Panginoon ay nahahayag pa sa kaniya. At tinawag uli ng Panginoon na ikaitlo. At siya'y bumangon, at naparoon kay Eli, at nagsabi, Narito ako; sapagka't ako'y iyong tinawag. At nahalata ni Eli na tinatawag ng Panginoon ang bata. Kaya't sinabi ni Eli kay Samuel, Yumaon ka, mahiga ka: at mangyayari, na kung tatawagin ka niya, ay iyong sasabihin, Magsalita ka, Panginoon; sapagka't dinirinig ng iyong lingkod. Sa gayo'y yumaon si Samuel at nahiga sa kaniyang dako. At ang Panginoon ay naparoon, at tumayo, at tumawag na gaya ng una, Samuel, Samuel. Nang magkagayo'y sinabi ni Samuel, Magsalita ka; sapagka't dinirinig ng iyong lingkod. At sinabi ng Panginoon kay Samuel, Narito, gagawa ako ng isang bagay sa Israel, na ang dalawang tainga ng bawa't isa na nakikinig ay magpapanting. Sa araw na yaon ay aking tutuparin kay Eli ang lahat na aking sinalita tungkol sa kaniyang sangbahayan, mula sa pasimula hanggang sa wakas. Sapagka't aking isinaysay sa kaniya na aking huhukuman ang kaniyang sangbahayan magpakailan man, dahil sa kasamaan na kaniyang nalalaman, sapagka't ang kaniyang mga anak ay nagdala ng sumpa sa kanilang sarili, at hindi niya sinangsala sila. At kaya't ako'y sumumpa sa sangbahayan ni Eli, na ang kasamaan ng sangbahayan ni Eli ay hindi mapapawi ng hain, o handog man magpakailan man. At nahiga si Samuel hanggang sa kinaumagahan, at ibinukas ang mga pinto ng bahay ng Panginoon. At natakot si Samuel na saysayin kay Eli ang panaginip.

2 Samuel 7:4

At nangyari, nang gabi ring yaon, na ang salita ng Panginoon ay dumating kay Nathan, na sinasabi,

1 Mga Hari 3:4-15

At ang hari ay naparoon sa Gabaon upang maghain doon; sapagka't yaon ang pinakamataas na dako; isang libong handog na susunugin ang inihandog ni Salomon sa dambanang yaon. Sa Gabaon ay napakita ang Panginoon kay Salomon sa panaginip sa gabi: at sinabi ng Dios, Hingin mo kung ano ang ibibigay ko sa iyo. At sinabi ni Salomon, Ikaw ay nagpakita sa iyong lingkod na aking amang kay David ng malaking kagandahang loob, ayon sa kaniyang inilakad sa harap mo sa katotohanan, at sa katuwiran, at sa katapatan ng puso sa iyo; at iyong iningatan sa kaniya itong dakilang kagandahang loob, na iyong binigyan siya ng isang anak na makauupo sa kaniyang luklukan, gaya sa araw na ito.magbasa pa.
At ngayon, Oh Panginoon kong Dios, iyong ginawang hari ang iyong lingkod na kahalili ni David na aking ama; at ako'y isang munting bata lamang; hindi ko nalalaman ang paglulumabas at pumasok. At ang iyong lingkod ay nasa gitna ng iyong bayan na iyong pinili, isang malaking bayan na hindi mabibilang o matuturingan dahil sa karamihan. Bigyan mo nga ang iyong lingkod ng isang matalinong puso upang humatol sa iyong bayan, upang aking makilala ang mabuti at ang masama; sapagka't sino ang makahahatol dito sa iyong malaking bayan? At ang pangungusap ay nakalugod sa Panginoon, na hiningi ni Salomon ang bagay na ito. At sinabi ng Dios sa kaniya, Sapagka't iyong hiningi ang bagay na ito, at hindi mo hiningi sa iyo ang mahabang buhay; o hiningi mo man sa iyo ang mga kayamanan, o hiningi mo man ang buhay ng iyong mga kaaway; kundi hiningi mo sa iyo'y katalinuhan upang kumilala ng kahatulan; Narito, aking ginawa ayon sa iyong salita: narito, aking binigyan ka ng isang pantas at matalinong puso; na anopa't walang naging gaya mo na una sa iyo, o may babangon mang sinoman pagkamatay mo. At akin namang ibinigay sa iyo ang hindi mo hinihingi, ang kayamanan at gayon din ang karangalan, na anopa't walang magiging gaya mo sa mga hari, sa lahat ng iyong mga kaarawan. At kung ikaw ay lalakad sa aking mga daan, upang ingatan ang aking mga palatuntunan, at ang aking mga utos, gaya ng inilakad ng iyong amang si David, ay akin ngang palalaunin ang iyong mga kaarawan. At nagising si Salomon, at narito, yao'y isang panaginip: at siya'y naparoon sa Jerusalem, at tumayo sa harap ng kaban ng tipan ng Panginoon, at naghandog ng mga handog na susunugin, at naghandog ng mga handog tungkol sa kapayapaan, at gumawa ng kasayahan sa lahat ng kaniyang mga lingkod.

Isaias 6:1-8

Noong taong mamatay ang haring Uzzias ay nakita ko ang Panginoon na nakaupo sa isang luklukan, matayog at mataas; at pinuno ang templo ng kaniyang kaluwalhatian. Sa itaas niya ay nangakatayo ang mga serapin: bawa't isa'y may anim na pakpak: na may dalawa na nagsisitakip ng kaniyang mukha, at may dalawa na nagsisitakip ng kaniyang mga paa, at may dalawa na naglilipad sa kaniya. At nagsisigawang isa't isa, at nagsasabi, Banal, banal, banal ang Panginoon ng mga hukbo: ang buong lupa ay napuno ng kaniyang kaluwalhatian.magbasa pa.
At ang mga patibayan ng mga pintuan ay nakilos sa tinig ng sumisigaw, at ang bahay ay napuno ng usok. Nang magkagayo'y sinabi ko, Sa aba ko! sapagka't ako'y napahamak; sapagka't ako'y lalaking may maruming mga labi, at ako'y tumatahan sa gitna ng bayan na may maruming mga labi: sapagka't nakita ng aking mga mata ang Hari, ang Panginoon ng mga hukbo. Nang magkagayo'y nilipad ako ng isa sa mga serapin, na may baga sa kaniyang kamay, na kaniyang kinuha ng mga pangipit mula sa dambana: At hinipo niya niyaon ang aking bibig, at nagsabi, Narito, hinipo nito ang iyong mga labi; at ang iyong kasamaan ay naalis, at ang iyong kasalanan ay naalis. At narinig ko ang tinig ng Panginoon, na nagsasabi, Sinong susuguin ko, at sinong yayaon sa ganang amin? Nang magkagayo'y sinabi ko: Narito ako; suguin mo ako.

Ezekiel 1:4-14

At ako'y tumingin, at, narito, isang unos na hangin ay lumabas na mula sa hilagaan, na isang malaking ulap, na may isang apoy na naglilikom sa sarili, at isang ningning sa palibot, at mula sa gitna niyao'y may parang metal na nagbabaga, mula sa gitna ng apoy. At mula sa gitna niyao'y nanggaling ang kahawig ng apat na nilalang na may buhay. At ito ang kanilang anyo, Sila'y nakawangis ng isang tao; At bawa't isa ay may apat na mukha, at bawa't isa sa kanila ay may apat na pakpak.magbasa pa.
At ang kanilang mga paa ay mga matuwid na paa; at ang talampakan ng kanilang mga paa ay parang talampakan ng paa ng isang guya; at sila'y nagsisikinang na parang kulay ng tansong binuli. At sila'y may mga kamay ng tao sa ilalim ng kanilang mga pakpak sa kanilang apat na tagiliran; at silang apat ay may kanilang mga mukha, at may kanilang mga pakpak na ganito: Ang kanilang mga pakpak ay nagkakadaitan; sila'y hindi nagsisipihit nang sila'y yumaon; yumaon bawa't isa sa kanila na patuloy. Tungkol sa anyo ng kanilang mga mukha, sila'y may mukhang tao; at silang apat ay may mukha ng leon sa kanang tagiliran; at silang apat ay may mukha ng baka sa kaliwang tagiliran; silang apat ay may mukha rin ng aguila. At ang kanilang mga mukha at ang kanilang mga pakpak ay magkahiwalay sa itaas: dalawang pakpak ng bawa't isa ay nagkakadaitan at ang dalawa ay nagsisitakip ng kanilang mga katawan. At yumaon bawa't isa sa kanila na patuloy; kung saan naparoroon ang espiritu, doon sila nangaparoroon; sila'y hindi nagsisipihit nang sila'y yumaon. Tungkol sa anyo ng mga nilalang na may buhay, ang kanilang katulad ay parang mga bagang nagniningas; parang mga sulo: ang apoy ay tumataas at bumababa sa gitna ng mga nilalang na may buhay at ang apoy ay maningas, at mula sa apoy ay may lumabas na kidlat. At ang mga nilalang na may buhay ay nagsitakbo at nagsibalik na parang kislap ng kidlat.

Ezekiel 8:2

Nang magkagayo'y tumingin ako, at, narito, may isang anyo na parang apoy; mula sa anyo ng kaniyang mga balakang at paibaba, ay apoy; at mula sa kaniyang mga balakang at paitaas, parang anyo ng kinang, na parang metal na nagbabaga.

Ezekiel 11:24-25

At itinaas ako ng Espiritu, at dinala ako sa pangitain sa Caldea sa pamamagitan ng Espiritu ng Dios, sa kanila na mga bihag. Sa gayo'y ang pangitain na aking nakita ay napaitaas mula sa akin. Nang magkagayo'y sinalita ko sa kanila na mga bihag ang lahat na bagay na ipinakita sa akin ng Panginoon.

Ezekiel 37:1-10

Ang kamay ng Panginoon ay sumasa akin, at kaniyang dinala ako sa Espiritu ng Panginoon, at inilagay niya ako sa gitna ng libis; at yao'y puno ng mga buto. At pinaraan niya ako sa tabi ng mga yaon sa palibot: at, narito, may totoong marami sa luwal na libis; at, narito, mga totoong tuyo. At kaniyang sinabi sa akin, Anak ng tao, maaari bagang mabuhay ang mga butong ito? At ako'y sumagot, Oh Panginoong Dios; ikaw ang nakakaalam.magbasa pa.
Muling sinabi niya sa akin, Manghula ka sa mga butong ito, at sabihin mo sa kanila, Oh kayong mga tuyong buto, inyong pakinggan ang salita ng Panginoon. Ganito ang sabi ng Panginoong Dios sa mga butong ito: Narito, aking papapasukin ang hinga sa inyo, at kayo'y mangabubuhay. At lalagyan ko kayo ng mga litid, at babalutin ko kayo ng laman, at tatakpan ko kayo ng balat, at lalagyan ko kayo ng hininga, at kayo'y mangabubuhay; at inyong malalaman na ako ang Panginoon. Sa gayo'y nanghula ako ng gaya ng iniutos sa akin: at habang ako'y nanghuhula, may naghinugong, at, narito, isang lindol; at ang mga buto ay nangagkalapit, buto sa kaniyang buto. At ako'y tumingin, at, narito, may mga litid sa mga yaon, at laman ay lumitaw sa mga yaon at ang balat ay tumakip sa mga yaon sa ibabaw; nguni't walang hininga sa kanila. Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Manghula ka sa hangin, manghula ka, anak ng tao, at sabihin mo sa hangin, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Manggaling ka sa apat na hangin, Oh hinga, at humihip ka sa mga patay na ito, upang sila'y mangabuhay. Sa gayo'y nanghula ako ng gaya ng iniutos niya sa akin, at ang hininga ay pumasok sa kanila, at sila'y nangabuhay, at nagsitayo ng kanilang mga paa, isang totoong malaking pulutong.

Daniel 2:28

Nguni't may isang Dios sa langit na naghahayag ng mga lihim, at siyang nagpapaaninaw sa haring Nabucodonosor kung ano ang mangyayari sa mga huling araw. Ang iyong panaginip, at ang pangitain ng iyong ulo sa iyong higaan ay ang mga ito:

Daniel 4:5

Ako'y nakakita ng isang pangitain na tumakot sa akin; at ang pagiisip ko sa aking higaan at ang mga pangitain na suma aking ulo ay bumagabag sa akin.

Daniel 2:19

Nang magkagayo'y nahayag ang lihim kay Daniel sa isang pangitain sa gabi. Nang magkagayo'y pinuri ni Daniel ang Dios sa langit.

Amos 7:1-9

Ganito nagpakita sa akin ang Panginoong Dios: at, narito, siya'y lumikha ng mga balang sa pasimula ng huling pagsibol ng suwi; at, narito, na siyang huling suwi pagkatapos ng mga gapas para sa hari. At nangyari, na nang kanilang matapos makain ang pananim sa lupain, akin ngang sinabi, Oh Panginoong Dios, isinasamo ko sa iyo, na magpatawad ka: paanong tatayo ang Jacob? sapagka't siya'y maliit. Ang Panginoo'y nagsisi tungkol dito, Hindi mangyayari, sabi ng Panginoon.magbasa pa.
Ganito nagpakita sa akin ang Panginoong Dios: at, narito, ang Panginoong Dios ay tumawag, upang humatol sa pamamagitan ng apoy; at sinupok ang malaking kalaliman, at susupukin sana ang lupain. Nang magkagayo'y sinabi ko, Oh Panginoong Dios, itigil mo, isinasamo ko sa iyo: paanong makatatayo ang Jacob? sapagka't siya'y maliit. Ang Panginoo'y nagsisi tungkol dito: Ito'y hindi rin mangyayari, sabi ng Panginoong Dios. Ganito siya nagpakita sa akin: at, narito, ang Panginoon ay nakatayo sa tabi ng isang kuta na ang pagkayari ay ayon sa pabatong tingga, na may pabatong tingga sa kaniyang kamay. At sinabi ng Panginoon sa akin, Amos, anong iyong nakikita? At aking sinabi, Isang pabatong tingga. Nang magkagayo'y sinabi ng Panginoon, Narito, ako'y maglalagay ng pabatong tingga sa gitna ng aking bayang Israel; hindi na ako magdadaan pa sa kanila; At ang mga mataas na dako ng Isaac ay magiging sira, at ang mga santuario ng Israel ay mangahahandusay na wasak; at ako'y babangon na may tabak laban sa sangbahayan ni Jeroboam.

Amos 8:1-6

Ganito nagpakita ang Panginoong Dios sa akin: at, narito, ang isang bakol ng bunga ng taginit. At kaniyang sinabi, Amos, anong iyong nakikita? At aking sinabi, Isang bakol ng bunga ng taginit. Nang magkagayo'y sinabi ng Panginoon sa akin, Ang wakas ay dumating sa aking bayang Israel; hindi na ako daraan pa uli sa kanila. At ang mga awit sa templo ay magiging mga pananambitan sa araw na yaon, sabi ng Panginoong Dios: ang mga bangkay ay magiging marami; sa bawa't dako ay tahimik silang itatapon.magbasa pa.
Pakinggan ninyo ito, Oh kayong nananakmal ng mapagkailangan, at inyong pinagkukulang ang dukha sa lupain, Na sinasabi, Kailan daraan ang bagong buwan, upang tayo'y makapagbili ng gugulayin at ang sabbath, upang ating mailabas ang trigo? na gawing munti ang efa, at malaki ang siklo, at gumawa ng karayaan sa magdarayang timbangan; Upang ating mabili ng pilak ang dukha, at ng dalawang paang panyapak ang mapagkailangan, at maipagbili ang pinagbithayan sa trigo.

Amos 9:1

Aking nakita ang Panginoon na nakatayo sa tabi ng dambana: at kaniyang sinabi, Hampasin mo ang mga kapitel, upang ang mga tungtungan ay mauga; at mangagkaputolputol sa ulo nilang lahat; at aking papatayin ng tabak ang huli sa kanila: walang makatatakas sinoman sa kanila, at walang makatatanang sinoman sa kanila.

Zacarias 1:8

Aking nakita sa gabi, at, narito, ang isang lalaking nakasakay sa isang mapulang kabayo, at siya'y tumayo sa mga puno ng mirto, na nasa pinakamababa; at sa likuran niya'y may mga kabayong mapula, alazan, at maputi.

Zacarias 3:1

At ipinakita niya sa akin si Josue na pangulong saserdote na nakatayo sa harap ng anghel ng Panginoon, at si Satanas na nakatayo sa kaniyang kanan upang maging kaniyang kaaway.

Zacarias 4:2

At sinabi niya sa akin, Ano ang iyong nakikita? At aking sinabi, Ako'y tumingin, at, narito, isang kandelero na taganas na ginto, na may taza sa ibabaw niyaon, at ang pitong ilawan niyaon sa ibabaw; may pitong tubo sa bawa't isa sa mga ilawan na nasa ibabaw niyaon;

Zacarias 5:2

At sinabi niya sa akin, Ano ang iyong nakikita? At ako'y sumagot, Aking nakikita'y isang lumilipad na balumbon; ang haba niyaon ay dalawang pung siko, at ang luwang niyaon ay sangpung siko.

Zacarias 6:1

At itinanaw ko uli ang aking mga mata, at aking nakita at, narito, lumabas ang apat na karo mula sa pagitan ng dalawang bundok; at ang mga bundok ay mga bundok na tanso.

Mateo 2:12

At palibhasa'y pinagsabihan sila ng Dios sa panaginip na huwag silang mangagbalik kay Herodes, ay nangagsiuwi sila sa kanilang sariling lupain sa ibang daan.

Mateo 2:13

Nang mangakaalis nga sila, narito, ang isang anghel ng Panginoon ay napakita kay Jose sa panaginip, na nagsasabi, Magbangon ka at dalhin mo ang sanggol at ang kaniyang ina, at tumakas ka hanggang sa Egipto, at dumoon ka hanggang sa sabihin ko sa iyo: sapagka't hahanapin ni Herodes ang sanggol upang siya'y puksain.

Mateo 27:19

At samantalang nakaupo siya sa luklukan ng pagkahukom, ay nagsugo sa kaniya ang kaniyang asawa, na nagsasabi, Huwag kang makialam sa matuwid na taong iyan; sapagka't ngayong araw na ito'y naghirap ako ng maraming bagay sa panaginip dahil sa kaniya.

Mga Gawa 9:3

At sa kaniyang paglalakad, ay nangyari na siya'y malapit sa Damasco: at pagdaka'y nagliwanag sa palibot niya ang isang ilaw mula sa langit:

Mga Gawa 16:9

At napakita ang isang pangitain sa gabi kay Pablo: May isang lalaking taga Macedonia na nakatayo, na namamanhik sa kaniya, at sinasabi, Tumawid ka sa Macedonia, at tulungan mo kami.

Mga Gawa 18:9

At sinabi ng Panginoon kay Pablo nang gabi sa pangitain, Huwag kang matakot, kundi magsalita ka, at huwag kang tumahimik:

Mga Gawa 22:18

At siya'y nakita ko na nagsasabi sa akin, Magmadali ka, at umalis ka agad sa Jerusalem; sapagka't hindi nila tatanggapin sa iyo ang patotoo tungkol sa akin.

2 Corinto 12:1-4

Kinakailangang ako'y magmapuri, bagaman ito'y hindi nararapat; nguni't aking sasaysayin ang mga pangitain ko at mga pahayag ng Panginoon. Nakikilala ko ang isang lalake kay Cristo, na mayroong nang labingapat na taon (maging sa katawan, aywan ko; o maging sa labas ng katawan, aywan ko; Dios ang nakaaalam) na inagaw hanggang sa ikatlong langit. At nakikilala ko ang taong iyan (maging sa katawan, o sa labas ng katawan, aywan ko; Dios ang nakaaalam),magbasa pa.
Na kung paanong siya'y inagaw sa Paraiso, at nakarinig ng mga salitang di masayod na hindi nararapat salitain ng tao.

Mga Gawa 9:10-11

Ngayon nga'y may isang alagad sa Damasco, na nagngangalang Ananias; at sinabi sa kaniya ng Panginoon sa pangitain, Ananias. At sinabi niya, Narito ako, Panginoon. At sinabi sa kaniya ng Panginoon, Magtindig ka, at pumaroon sa lansangang tinatawag na Matuwid, at ipagtanong mo sa bahay ni Judas ang isa na nagngangalang Saulo, lalaking taga Tarso: sapagka't narito, siya'y nananalangin;

Mga Gawa 10:3

Nakita niyang maliwanag, sa isang pangitain, nang may oras na ikasiyam ng araw, na pumapasok na patungo sa kaniya ang isang anghel ng Dios, at nagsasabi sa kaniya, Cornelio.

Mga Gawa 10:9-17

Nang kinabukasan nga samantalang sila'y patuloy sa kanilang paglalakad, at nang malapit na sa bayan, si Pedro ay umakyat sa ibabaw ng bahay upang manalangin, nang may oras na ikaanim; At siya'y nagutom at nagnais kumain: datapuwa't samantalang nangaghahanda sila, ay nawalan siya ng diwa; At nakita niyang bukas ang langit, at may isang sisidlang bumababa, gaya ng isang malapad na kumot, na nakabitin sa apat na panulok na bumababa sa lupa:magbasa pa.
Na doo'y naroroon ang lahat ng uri ng mga hayop na may apat na paa at ang mga nagsisigapang sa lupa at ang mga ibon sa langit. At dumating sa kaniya ang isang tinig, Magtindig ka, Pedro; magpatay ka at kumain. Datapuwa't sinabi ni Pedro, Hindi maaari, Panginoon; sapagka't kailan ma'y hindi ako kumain ng anomang bagay na marumi at karumaldumal. At muling dumating sa kaniya ang tinig sa ikalawa, Ang nilinis ng Dios, ay huwag mong ipalagay na marumi. At ito'y nangyaring makaitlo: at pagdaka'y binatak sa langit ang sisidlan. Samantalang natitilihang totoo si Pedro sa kaniyang sarili, kung ano ang kahulugan ng pangitaing kaniyang nakita, narito, ang mga taong sinugo ni Cornelio, nang maipagtanong ang bahay ni Simon, ay nangagsitayo sa harapan ng pintuan.

Pahayag 1:12

At ako'y lumingon upang makita ang tinig na nagsasalita sa akin. At nang ako'y lumingon ay nakita ko ang pitong kandelerong ginto:

Never miss a post

n/a