43 Talata sa Bibliya tungkol sa Pangitain ni Ezekiel

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Ezekiel 38:1-6

At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi, Anak ng tao, iharap mo ang iyong mukha sa dako ni Gog, sa lupain ng Magog, na prinsipe sa Ros, sa Mesech, at sa Tubal, at manghula ka laban sa kaniya, At iyong sabihin, ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, ako'y laban sa iyo, Oh Gog, na pangulo sa Ros, sa Mesech, at sa Tubal:magbasa pa.
At aking ipipihit ka sa palibot, at kakawitan ko ng mga pangbingwit ang iyong mga panga, at ilalabas kita, at ang iyong buong kawal, mga kabayo at mga mangangabayo, na nasusuutan silang lahat ng buong kasakbatan, na malaking pulutong na may longki at kalasag, silang lahat ay nangagtatangan ng mga tabak: Ang Persia, ang Cus, at ang Phut ay kasama nila; silang lahat na may kalasag at turbante; Ang Gomer at ang lahat niyang mga pulutong; ang sangbahayan ni Togarma sa mga pinakahuling bahagi ng hilagaan, at lahat niyang mga pulutong; maraming bayan na kasama mo.

Ezekiel 38:4

At aking ipipihit ka sa palibot, at kakawitan ko ng mga pangbingwit ang iyong mga panga, at ilalabas kita, at ang iyong buong kawal, mga kabayo at mga mangangabayo, na nasusuutan silang lahat ng buong kasakbatan, na malaking pulutong na may longki at kalasag, silang lahat ay nangagtatangan ng mga tabak:

Ezekiel 39:17-20

At ikaw, anak ng tao, ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Salitain mo sa sarisaring ibon, at sa lahat na hayop sa parang, Magpupulong kayo, at kayo'y magsiparito; magpipisan kayo sa lahat ng dako sa aking hain na aking inihahain sa inyo, sa malaking hain sa ibabaw ng mga bundok ng Israel, upang kayo'y mangakakain ng laman at mangakainom ng dugo. Kayo'y magsisikain ng laman ng makapangyarihan, at magsisiinom ng dugo ng mga prinsipe sa lupa, ng mga lalaking tupa, ng mga batang tupa, at ng mga kambing, ng mga toro, na pawang patabain sa Basan. At kayo'y magsisikain ng taba hanggang sa kayo'y mangabusog, at magsisiinom ng dugo hanggang sa kayo'y mangalango, sa aking hain na aking inihain sa inyo.magbasa pa.
At kayo'y mangabubusog sa aking dulang ng mga kabayo at mga karo, ng mga makapangyarihang lalake, at ng lahat na lalaking mangdidigma, sabi ng Panginoong Dios.

Ezekiel 39:11-12

At mangyayari sa araw na yaon, na ako'y magbibigay kay Gog ng dakong pinakalibangan sa Israel, ang libis nila na nagsisidaang patungo sa silanganan ng dagat: at paglilikatan nilang daanan; at doon nila ililibing si Gog at ang buo niyang karamihan; at kanilang tatawagin ito: Ang libis ng Hamon-gog. At pitong buwan na mangaglilibing ang sangbahayan ni Israel, upang kanilang linisin ang lupain.

Ezekiel 39:21-29

At aking pararatingin ang aking kaluwalhatian sa mga bansa; at makikita ng lahat ng bansa ang aking kahatulan na aking inilapat, at ang aking kamay na aking binuhat sa kanila. Sa gayo'y malalaman ng sangbahayan ni Israel na ako ang Panginoon na kanilang Dios, mula sa araw na yaon hanggang sa haharapin. At malalaman ng mga bansa na ang sangbahayan ni Israel ay pumasok sa pagkabihag dahil sa kanilang kasamaan; sapagka't sila'y nagsisalangsang laban sa akin, at ikinubli ko ang aking mukha sa kanila: sa gayo'y ibinigay ko sila sa kamay ng kanilang mga kaaway, at silang lahat ay nangabuwal sa pamamagitan ng tabak.magbasa pa.
Ayon sa kanilang karumihan at ayon sa kanilang mga pagsalangsang ay gumawa ako sa kanila; at ikinubli ko ang aking mukha sa kanila. Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Ngayo'y aking ibabalik ang Jacob na mula sa pagkabihag, at maaawa ako sa buong sangbahayan ni Israel; at ako'y magiging mapanibughuin dahil sa aking banal na pangalan. At sila'y mangagtataglay ng kanilang kahihiyan, at ng kanilang lahat na pagsalangsang na kanilang isinalangsang laban sa akin, pagka sila'y magsisitahang tiwasay sa kanilang lupain, at walang tatakot sa kanila; Pagka sila'y aking nadala uli na mula sa mga bayan, at nangapisan na mula sa mga lupain ng kanilang mga kaaway, at ako'y inaaring banal sa kanila sa paningin ng maraming bansa. At kanilang malalaman na ako ang Panginoon nilang Dios, sa pagpapapasok ko sa kanila sa pagkabihag sa gitna ng mga bansa, at sa pagpipisan ko sa kanila sa kanilang sariling lupain; at hindi ako magiiwan sa kanila ng sino pa man doon; Ni hindi ko na naman ikukubli pa ang aking mukha sa kanila; sapagka't binuhusan ko ng aking Espiritu ang sangbahayan ni Israel, sabi ng Panginoong Dios.

Ezekiel 38:10-11

Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Mangyayari sa araw na yaon, na mga bagay ay darating sa iyong pagiisip, at ikaw ay magpapanukala ng masamang panukala: At iyong sasabihin, Ako'y sasampa sa lupaing may mga nayong walang kuta; sasampahin ko sila na nasa katahimikan, na nagsisitahang tiwasay, silang lahat na nagsisitahang walang kuta, at wala kahit mga halang o mga pintuang-bayan man;

Ezekiel 38:11-12

At iyong sasabihin, Ako'y sasampa sa lupaing may mga nayong walang kuta; sasampahin ko sila na nasa katahimikan, na nagsisitahang tiwasay, silang lahat na nagsisitahang walang kuta, at wala kahit mga halang o mga pintuang-bayan man; Upang kumuha ng samsam, at upang kumuha ng huli; upang ibalik ang iyong kamay laban sa mga gibang dako na tinatahanan ngayon, at laban sa bayan na napisan mula sa mga bansa, na nagtangkilik ng mga hayop at mga pag-aari, na nagsisitahan sa gitna ng lupa.

Ezekiel 39:9-10

At silang nagsisitahan sa mga bayan ng Israel ay magsisilabas, at sisilaban ng mga apoy ang mga almas, at susunugin ang mga kalasag at gayon din ang mga longki, ang mga busog at ang mga pana, at ang mga tungkod, at ang mga sibat, at mga sisilaban nilang pitong taon; Na anopa't sila'y hindi magsisikuha ng kahoy sa parang, o magsisiputol man ng anoman sa mga gubat; sapagka't kanilang sisilaban ang mga almas; at kanilang sasamsaman yaong nagsisamsam sa kanila, at nanakawan yaong nangagnakaw sa kanila, sabi ng Panginoong Dios.

Ezekiel 38:21-22

At aking tatawagin sa lahat ng aking mga bundok ang tabak laban sa kaniya, sabi ng Panginoong Dios: ang tabak ng bawa't lalake ay magiging laban sa kaniyang kapatid. At ako'y makikipaglaban sa kaniya sa pamamagitan ng salot at ng dugo; at pauulanan ko siya, at ang kaniyang mga pulutong, at ang maraming bayan na kasama niya, ng napakalakas na ulan, at ng mga malaking granizo, ng apoy, at ng azufre.

Job 12:23

Kaniyang pinararami ang mga bansa at mga nililipol niya: kaniyang pinalaki ang mga bansa, at mga dinala sa pagkabihag.

Daniel 2:20-21

Si Daniel ay sumagot, at nagsabi, Purihin ang pangalan ng Dios magpakailan man: sapagka't ang karunungan at kapangyarihan ay kaniya. At kaniyang binabago ang mga panahon at mga kapanahunan; siya'y nagaalis ng mga hari, at naglalagay ng mga hari; siya'y nagbibigay ng karunungan sa marunong at ng kaalaman sa makakaalam ng unawa;

Mga Gawa 17:25-26

Ni hindi rin naman pinaglilingkuran siya ng mga kamay ng mga tao, na para bagang siya'y nangangailangan ng anomang bagay, yamang siya rin ang nagbibigay sa lahat ng buhay, at ng hininga, at ng lahat ng mga bagay; At ginawa niya sa isa ang bawa't bansa ng mga tao upang magsipanahan sa balat ng buong lupa, na itinakda ang kanilang talagang ayos ng mga kapanahunan at ang mga hangganan ng kanilang tahanan;

Ezekiel 38:17

Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Ikaw baga yaong aking sinalita nang una sa pamamagitan ng aking mga lingkod na mga propeta ng Israel, na nagsipanghula nang mga araw na yaon, ng tungkol sa malaong panahon, na aking dadalhin ka laban sa kanila?

Ezekiel 38:23

At ako'y pakikitang dakila at banal, at ako'y pakikilala sa harap ng mga mata ng maraming bansa; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon.

Ezekiel 38:22

At ako'y makikipaglaban sa kaniya sa pamamagitan ng salot at ng dugo; at pauulanan ko siya, at ang kaniyang mga pulutong, at ang maraming bayan na kasama niya, ng napakalakas na ulan, at ng mga malaking granizo, ng apoy, at ng azufre.

Ezekiel 38:19-20

Sapagka't sa aking paninibugho at sa sigalbo ng aking poot ay nagsalita ako, Tunay na sa araw na yaon ay magkakaroon ng malaking panginginig sa lupain ng Israel; Na anopa't ang mga isda sa dagat, at ang mga ibon sa himpapawid, at ang mga hayop sa parang, at lahat na nagsisiusad na bagay na nagsisiusad sa ibabaw ng lupa, at lahat ng tao na nangasa ibabaw ng lupa, magsisipanginig sa aking harapan, at ang mga bundok ay mangaguguho at ang mga matarik na dako ay mangabababa, at bawa't kuta ay mangababagsak sa lupa.

Awit 121:4

Narito, siyang nagiingat ng Israel hindi iidlip ni matutulog man.

Isaias 60:18-21

Karahasan ay hindi na maririnig sa iyong lupain, ni ang kawasakan o kagibaan sa loob ng iyong mga hangganan; kundi tatawagin mo ang iyong mga kuta ng Kaligtasan, at ang iyong mga pintuang-bayan na Kapurihan. Ang araw ay hindi na magiging iyong liwanag sa araw; o ang buwan man ay magbibigay sa iyo ng liwanag: kundi ang Panginoon ay magiging sa iyo ay walang hanggang liwanag, at ang iyong Dios ay iyong kaluwalhatian. Ang iyong araw ay hindi na lulubog, o ang iyo mang buwan ay lulubog; sapagka't ang Panginoon ay magiging iyong walang hanggang liwanag, at ang mga kaarawan ng iyong pagtangis ay matatapos.magbasa pa.
Ang iyong bayan naman ay magiging matuwid na lahat; sila'y mangagmamana ng lupain magpakailan man, ang sanga ng aking pananim, ang gawa ng aking mga kamay, upang ako'y luwalhatiin.

Jeremias 24:5-6

Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, Kung paano ang mga mabuting igos na ito, gayon ko kikilalanin ang mga bihag ng Juda, na aking pinayaon mula sa dakong ito na patungo sa lupain ng mga Caldeo, sa ikabubuti. Sapagka't aking itititig ang aking mga mata sa kanila sa ikabubuti, at aking dadalhin sila uli sa lupaing ito: at aking itatayo sila, at hindi ko itutulak sila; at aking itatatag sila, at hindi ko paaalisin.

Jeremias 30:18

Ganito ang sabi ng Panginoon: Narito, aking ibabalik uli mula sa pagkabihag ang mga tolda ng Jacob, at pakukundanganan ko ang kaniyang mga tahanang dako; at ang bayan ay matatayo sa kaniyang sariling bunton, at ang bahay-hari ay tatahanan ng ayon sa ayos niyaon.

Jeremias 31:31-34

Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na ako'y makikipagtipan ng panibago sa sangbahayan ni Israel, at sa sangbahayan ni Juda: Hindi ayon sa tipan na ipinakipagtipan ko sa kanilang mga magulang sa araw na aking kinuha sila sa pamamagitan ng kamay upang ilabas sila sa lupain ng Egipto; na ang aking tipan ay kanilang sinira, bagaman ako'y asawa nila, sabi ng Panginoon. Kundi ito ang tipan na aking ipakikipagtipan sa sangbahayan ni Israel pagkatapos ng mga araw na yaon, sabi ng Panginoon, Aking itatala ang aking kautusan sa kanilang kalooban, at aking isusulat sa kanilang puso; at ako'y magiging kanilang Dios, at sila'y magiging aking bayan;magbasa pa.
At hindi na magtuturo bawa't isa sa kanila sa kaniyang kapuwa, at bawa't tao sa kaniyang kapatid, na magsasabi, Iyong kilalanin ang Panginoon; sapagka't makikilala nilang lahat ako, mula sa kaliitliitan sa kanila hanggang sa kadakidakilaan sa kanila, sabi ng Panginoon: sapagka't aking ipatatawad ang kanilang kasamaan, at ang kanilang kasalanan ay hindi ko na aalalahanin.

Jeremias 32:37

Narito, aking pipisanin sila mula sa lahat ng lupain, na aking pinagtabuyan sa kanila sa aking galit, at sa aking kapusukan at sa malaking poot, at dadalhin ko sila uli sa dakong ito, at akin silang patatahaning tiwasay.

Jeremias 33:6-9

Narito, ako'y magdadala ng kagalingan at kagamutan, aking gagamutin sila; at ako'y maghahayag sa kanila ng di kawasang kapayapaan at katotohanan. At aking pababalikin ang nangabihag sa Juda, at ang nangabihag sa Israel, at aking itatayo sila na gaya nang una. At aking lilinisin sila sa lahat nilang kasamaan, na kanilang pinagkasalahan laban sa akin; at aking ipatatawad ang lahat nilang kasamaan na kanilang ipinagkasala laban sa akin, at kanilang ikinasalangsang laban sa akin.magbasa pa.
At ang bayang ito ay magiging pinakapangalan ng kagalakan sa akin, pinaka kapurihan at pinaka kaluwalhatian, sa harap ng lahat na bansa sa lupa na makakarinig ng lahat na mabuti na gagawin ko sa kanila, at mangatatakot at magsisipanginig dahil sa lahat na buti at dahil sa lahat na kapayapaan na aking pinagsikapan sa kaniya.

Ezekiel 28:25-26

Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Pagka aking napisan ang sangbahayan ni Israel mula sa mga bayan na kanilang pinangalatan, at ako'y aariing banal sa kanila sa paningin ng mga bansa, sila nga'y magsisitahan sa kanilang sariling lupain na aking ibinigay sa aking lingkod na kay Jacob. At sila'y magsisitahang tiwasay roon, oo, sila'y mangagtatayo ng mga bahay, at mag-uubasan, at tatahang tiwasay, pagka ako'y nakapaglapat ng mga kahatulan sa lahat na nangagwawalang kabuluhan sa palibot nila: at kanilang malalaman na ako ang Panginoon nilang Dios.

Ezekiel 34:11-13

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, ako, sa makatuwid baga'y ako, sisiyasat ng aking mga tupa, at aking hahanapin sila. Kung paanong hinanap ng pastor ang kaniyang kawan sa kaarawan na siya'y nasa gitna ng kaniyang mga tupa na nangangalat, gayon ko hahanapin ang aking mga tupa; at ililigtas ko sila sa lahat ng dako na kanilang pinangalatan sa maulap at madilim na araw. At aking ilalabas sila sa mga bayan, at pipisanin ko sila mula sa mga lupain, at dadalhin ko sila sa kanilang sariling lupain; at pasasabsabin ko sila sa mga bundok ng Israel, sa tabi ng mga daan ng tubig, at sa lahat na tinatahanang dako sa lupain.

Ezekiel 36:24-26

Sapagka't aking kukunin kayo sa mga bansa, at pipisanin ko kayo na mula sa lahat ng lupain, at dadalhin ko kayo sa inyong sariling lupain. At ako'y magwiwisik ng malinis na tubig sa inyo, at kayo'y magiging malinis: sa buo ninyong karumihan, at sa lahat ninyong mga diosdiosan, lilinisin ko kayo. Bibigyan ko rin naman kayo ng bagong puso, at lalagyan ko ang loob ninyo ng bagong diwa; at aking aalisin ang batong puso sa inyong katawan, at aking bibigyan kayo ng pusong laman.

Ezekiel 39:28

At kanilang malalaman na ako ang Panginoon nilang Dios, sa pagpapapasok ko sa kanila sa pagkabihag sa gitna ng mga bansa, at sa pagpipisan ko sa kanila sa kanilang sariling lupain; at hindi ako magiiwan sa kanila ng sino pa man doon;

Hosea 3:4-5

Sapagka't ang mga anak ni Israel ay magsisitahang maraming araw na walang hari, at walang prinsipe, at walang hain, at walang haligi, at walang efod o mga teraf: Pagkatapos ay manunumbalik ang mga anak ni Israel, at hahanapin ang Panginoon nilang Dios, at si David na kanilang hari, at magsisiparitong may takot sa Panginoon at sa kaniyang kabutihan sa mga huling araw.

Joel 2:18-29

Noong ang Panginoon ay naging masikap sa kanilang lupain, at nahabag sa kaniyang bayan. At ang Panginoon ay sumagot, at nagsabi sa kaniyang bayan, Narito, ako'y magdadala sa inyo ng trigo, at alak, at langis, at inyong kabubusugan; at hindi ko na gagawin pa kayo na kakutyaan sa gitna ng mga bansa; Kundi aking ihihiwalay na malayo sa inyo ang hukbo sa hilagaan, at aking itataboy siya sa isang lupaing basal at sira, ang kaniyang unaha'y sa dagat silanganan, at ang kaniyang pinakahuling bahagi ay sa dagat kanluran; at ang kaniyang baho ay aalingasaw, at ang masamang amoy ay iilanglang, sapagka't siya'y gumawa ng mga malaking bagay.magbasa pa.
Huwag kang matakot, Oh lupain, ikaw ay matuwa at magalak; sapagka't ang Panginoon ay gumawa ng dakilang mga bagay. Huwag kayong mangatakot, kayong mga hayop sa parang; sapagka't ang mga pastulan sa ilang ay lumalago, sapagka't ang punong kahoy ay nagbubunga, ang puno ng higos at ang puno ng ubas ay nagbubunga. Kayo nga'y mangatuwa, kayong mga anak ng Sion, at mangagalak sa Panginoon ninyong Dios; sapagka't kaniyang ibinibigay sa inyo ang maagang ulan sa tapat na sukat, at kaniyang pinalalagpak ang ulan dahil sa inyo, ang maagang ulan at ang huling ulan, sa unang buwan. At ang mga lapag ay mangapupuno ng trigo, at ang mga kamalig ay aapawan ng alak at langis. At aking isasauli sa inyo ang mga taon na kinain ng balang, ng uod, at ng kuliglig, at ng tipaklong na siyang aking malaking hukbo, na aking sinugo sa gitna ninyo. At kayo'y magsisikaing sagana, at mangabubusog, at inyong pupurihin ang pangalan ng Panginoon ninyong Dios, na gumawa ng kababalaghan sa inyo; at ang aking bayan ay hindi mapapahiya kailan man. At inyong malalaman na ako'y nasa gitna ng Israel, at ako ang Panginoon ninyong Dios, at wala nang iba; at ang aking bayan ay hindi mapapahiya magpakailan man. At mangyayari pagkatapos, na ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng laman; at ang inyong mga anak na lalake at babae ay manganghuhula, ang inyong mga matanda ay magsisipanaginip ng mga panaginip, ang inyong mga binata ay mangakakakita ng mga pangitain: At sa mga lingkod na lalake at babae naman ay ibubuhos ko sa mga araw na yaon ang aking Espiritu.

Amos 9:14-15

At akin uling ibabalik ang nangabihag sa aking bayang Israel, at kanilang itatayo ang mga wasak na bayan, at tatahanan nila; at sila'y mangaguubasan, at magsisiinom ng alak niyaon; magsisigawa rin sila ng mga halamanan, at magsisikain ng bunga ng mga yaon. At aking itatatag sila sa kanilang lupain; at hindi na sila mabubunot pa sa kanilang lupain, na aking ibinigay sa kanila, sabi ng Panginoon mong Dios.

Mikas 2:12

Walang pagsalang aking pipisanin, Oh Jacob, ang lahat ng iyo; aking pipisaning walang pagsala ang nalabi sa Israel: akin silang ilalagay na magkakasama na parang mga tupa sa Bosra, na parang kawan sa gitna ng pastulan sa kanila; sila'y magkakaingay ng di kawasa dahil sa karamihan ng tao.

Mikas 4:6

Sa araw na yaon, sabi ng Panginoon, aking pipisanin siya na napipilay, at aking titipunin siya na natapon, at siya na aking pinagdalamhati;

Sofonias 3:19-20

Narito, sa panahong yao'y aking parurusahan ang lahat na mga dumadalamhati sa iyo: at aking ililigtas ang napipilay, at aking pipisanin ang pinalayas; at aking gagawin silang kapurihan at kabantugan, na ang kahihiyan nila ay napasa buong lupa. Sa panahong yao'y aking ipapasok kayo, at sa panahong yao'y aking pipisanin kayo; sapagka't aking gagawin kayong kabantugan at kapurihan sa gitna ng lahat ng mga bayan sa lupa, pagka aking ibinalik kayo sa harap ng inyong mga mata mula sa inyong pagkabihag sabi ng Panginoon.

Zacarias 8:7-8

Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Narito, aking ililigtas ang aking bayan sa lupaing silanganan at sa lupaing kalunuran; At aking dadalhin sila, at sila'y magsisitahan sa gitna ng Jerusalem; at sila'y magiging aking bayan, at ako'y magiging kanilang Dios, sa katotohanan at sa katuwiran.

Zacarias 13:8-9

At mangyayari, na sa buong lupain, sabi ng Panginoon, dalawang bahagi ay mahihiwalay at mamamatay; nguni't ang ikatlo ay maiiwan. At aking dadalhin ang ikatlong bahagi sa apoy, at sila'y dadalisayin ko na parang pilak na dalisay, at sila'y susubukin ko na parang pagsubok sa ginto. Sila'y magsisitawag sa aking pangalan, at akin silang didinggin: aking sasabihin, Siya'y bayan ko; at kanilang sasabihin, Ang Panginoon ay aking Dios.

Ezekiel 38:11

At iyong sasabihin, Ako'y sasampa sa lupaing may mga nayong walang kuta; sasampahin ko sila na nasa katahimikan, na nagsisitahang tiwasay, silang lahat na nagsisitahang walang kuta, at wala kahit mga halang o mga pintuang-bayan man;

Ezekiel 38:8-12

Pagkatapos ng maraming araw ay dadalawin ka: sa mga huling taon ay papasok ka sa lupain na ibinalik na mula sa paghabol ng tabak na napisan mula sa maraming bayan, sa mga bundok ng Israel, na naging laging giba; nguni't nalabas sa mga bayan, at sila'y magsisitahang tiwasay, silang lahat. At ikaw ay sasampa, ikaw ay darating na parang bagyo, ikaw ay magiging parang ulap na tatakip sa lupain, ikaw, at ang lahat mong mga pulutong, at ang maraming tao na kasama mo. Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Mangyayari sa araw na yaon, na mga bagay ay darating sa iyong pagiisip, at ikaw ay magpapanukala ng masamang panukala:magbasa pa.
At iyong sasabihin, Ako'y sasampa sa lupaing may mga nayong walang kuta; sasampahin ko sila na nasa katahimikan, na nagsisitahang tiwasay, silang lahat na nagsisitahang walang kuta, at wala kahit mga halang o mga pintuang-bayan man; Upang kumuha ng samsam, at upang kumuha ng huli; upang ibalik ang iyong kamay laban sa mga gibang dako na tinatahanan ngayon, at laban sa bayan na napisan mula sa mga bansa, na nagtangkilik ng mga hayop at mga pag-aari, na nagsisitahan sa gitna ng lupa.

Isaias 54:17

Walang almas na ginawa laban sa iyo ay pakikinabangan at bawa't dila na gagalaw laban sa iyo sa kahatulan ay iyong hahatulan. Ito ang mana ng mga lingkod ng Panginoon, at ang katuwiran nila ay sa akin, sabi ng Panginoon.

Ezekiel 38:8-16

Pagkatapos ng maraming araw ay dadalawin ka: sa mga huling taon ay papasok ka sa lupain na ibinalik na mula sa paghabol ng tabak na napisan mula sa maraming bayan, sa mga bundok ng Israel, na naging laging giba; nguni't nalabas sa mga bayan, at sila'y magsisitahang tiwasay, silang lahat. At ikaw ay sasampa, ikaw ay darating na parang bagyo, ikaw ay magiging parang ulap na tatakip sa lupain, ikaw, at ang lahat mong mga pulutong, at ang maraming tao na kasama mo. Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Mangyayari sa araw na yaon, na mga bagay ay darating sa iyong pagiisip, at ikaw ay magpapanukala ng masamang panukala:magbasa pa.
At iyong sasabihin, Ako'y sasampa sa lupaing may mga nayong walang kuta; sasampahin ko sila na nasa katahimikan, na nagsisitahang tiwasay, silang lahat na nagsisitahang walang kuta, at wala kahit mga halang o mga pintuang-bayan man; Upang kumuha ng samsam, at upang kumuha ng huli; upang ibalik ang iyong kamay laban sa mga gibang dako na tinatahanan ngayon, at laban sa bayan na napisan mula sa mga bansa, na nagtangkilik ng mga hayop at mga pag-aari, na nagsisitahan sa gitna ng lupa. Ang Seba, at ang Dedan, at ang mga mangangalakal sa Tarsis, sangpu ng lahat ng batang leon niyaon, ay magsasabi sa iyo, Naparito ka baga upang kumuha ng samsam? pinisan mo baga ang iyong pulutong upang kumuha ng samsam? upang magdala ng pilak at ginto, upang magdala ng mga hayop at mga pag-aari, upang kumuha ng malaking samsam? Kaya't, anak ng tao, ikaw ay manghula, at sabihin mo kay Gog, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sa araw na ang aking bayang Israel ay tatahang tiwasay, hindi mo baga malalaman? At ikaw ay darating na mula sa iyong dako, mula sa mga kahulihulihang bahagi ng hilagaan, ikaw, at ang maraming tao na kasama mo, silang lahat na nangakasakay sa mga kabayo, malaking pulutong at makapangyarihang hukbo; At ikaw ay sasampa laban sa aking bayang Israel, na parang ulap na tatakip sa lupain: mangyayari sa mga huling araw, na dadalhin kita laban sa aking lupain, upang makilala ako ng mga bansa, pagka ako'y aariing banal sa iyo, Oh Gog, sa harap ng kanilang mga mata.

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a