8 Talata sa Bibliya tungkol sa Pangmamaliit

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Kawikaan 14:21

Siyang humahamak sa kaniyang kapuwa ay nagkakasala: nguni't siyang naaawa sa dukha ay mapalad siya.

1 Timoteo 4:12-14

Huwag hamakin ng sinoman ang iyong kabataan; kundi ikaw ay maging uliran ng mga nagsisisampalataya, sa pananalita, sa pamumuhay, sa pagibig, sa pananampalataya, sa kalinisan. Hanggang ako'y pumariyan ay magsikap ka sa pagbasa, sa pangangaral, sa pagtuturo. Huwag mong pabayaan ang kaloob na nasa iyo, na sa iyo'y ibinigay sa pamamagitan ng hula, na may pagpapatong ng mga kamay ng kapulungan ng mga presbitero.

Mga Taga-Roma 14:10

Datapuwa't ikaw, bakit humahatol ka sa iyong kapatid? at ikaw naman, bakit pinawalaang halaga mo ang iyong kapatid? sapagka't tayong lahat ay tatayo sa harapan ng hukuman ng Dios.

Awit 22:24

Sapagka't hindi niya hinamak o pinagtaniman man ang kadalamhatian ng nagdadalamhati; ni ikinubli man niya ang kaniyang mukha sa kaniya; kundi nang siya'y dumaing sa kaniya, ay kaniyang dininig.

Amos 7:14

Nang magkagayo'y sumagot si Amos, at nagsabi kay Amasias, Ako'y hindi propeta, o anak man ng propeta; kundi ako'y pastor, at manggagawa sa mga puno ng sikomoro:

Amos 7:5

Nang magkagayo'y sinabi ko, Oh Panginoong Dios, itigil mo, isinasamo ko sa iyo: paanong makatatayo ang Jacob? sapagka't siya'y maliit.

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a