19 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Partikular na Paglalakbay, Mga

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Genesis 12:9

At si Abram ay naglakbay na nagtuloy sa dakong Timugan.

Genesis 20:1

At mula roon ay naglakbay si Abraham sa dakong lupain ng Timugan, at tumahan sa pagitan ng Cades at Shur; at siya'y nakipamayan sa Gerar.

Genesis 13:3

At nagpatuloy si Abram ng kaniyang paglalakbay mula sa Timugan hanggang sa Bethel, hanggang sa dakong kinaroroonan noong una ng kaniyang tolda sa pagitan ng Bethel at ng Hai;

Genesis 29:1

Nang magkagayo'y nagpatuloy si Jacob ng kaniyang paglalakbay, at napasa lupain ng mga anak ng silanganan.

Exodo 3:18

At kanilang didinggin ang iyong tinig: at ikaw ay paroroon, ikaw at ang mga matanda sa Israel, sa hari sa Egipto, at inyong sasabihin sa kaniya, Ang Panginoon, ang Dios ng mga Hebreo, ay nakipagtagpo sa amin: at ngayo'y pahintulutan mo kami na maglakbay, na tatlong araw sa ilang, upang kami ay makapaghain sa Panginoon naming Dios.

Exodo 5:3

At kanilang sinabi, Ang Dios ng mga Hebreo ay nakipagtagpo sa amin; pahintulutan mo nga kaming maglakbay na tatlong araw sa ilang, at maghain sa Panginoon naming Dios, baka hulugan niya kami ng salot o ng tabak.

Exodo 8:27

Kami ay yayaong tatlong araw na maglalakbay sa ilang, at maghahain sa Panginoon naming Dios, ayon sa kaniyang iniutos sa amin.

Mga Bilang 33:8

At sila'y naglakbay mula sa tapat ng Hahiroth, at nagsipagdaan sa gitna ng dagat hanggang sa ilang: at sila'y naglakbay na tatlong araw sa ilang ng Etham at humantong sa Mara.

Mga Bilang 10:12

At ang mga anak ni Israel ay nagsisulong, ayon sa kanilang mga paglalakbay mula sa ilang ng Sinai; at ang ulap ay tumahan sa ilang ng Paran.

Exodo 17:1

At ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel ay naglakbay mula sa ilang ng Sin, sa kanilang paglalakbay ayon sa utos ng Panginoon, at humantong sa Rephidim: at walang tubig na mainom ang bayan.

Mga Bilang 21:10-20

At ang mga anak ni Israel ay naglakbay, at humantong sa Oboth. At sila'y naglakbay mula sa Oboth, at humantong sa Ije-abarim sa ilang na nasa tapat ng Moab, sa dakong sinisikatan ng araw. Mula roon ay naglakbay sila, at humantong sa libis ng Zared.magbasa pa.
Mula roon ay naglakbay sila, at humantong sa kabilang ibayo ng Arnon, na nasa ilang na lumalabas sa hangganan ng mga Amorrheo: sapagka't ang Arnon ay hangganan ng Moab, na nasa pagitan ng Moab at ng mga Amorrheo. Kaya't sinasabi sa aklat ng Mga Pakikipagbaka ng Panginoon, Ang Vaheb ay sa Sufa, At ang mga libis ng Arnon, At ang kiling ng mga libis Na kumikiling sa dakong tahanan ng Ar, At humihilig sa hangganan ng Moab. At mula roon, ay napasa Beer sila, na siyang balong pinagsabihan ng Panginoon kay Moises, Pisanin mo ang bayan at aking bibigyan sila ng tubig. Nang magkagayo'y inawit ng Israel ang awit na ito: Bumalong ka, Oh balon; awitan ninyo siya; Siyang balong hinukay ng mga prinsipe, Na pinalalim ng mga mahal sa bayan, Ng setro at ng kanilang mga tungkod. At mula sa ilang, sila'y napasa Mathana. At mula sa Mathana ay napasa Nahaliel: at mula sa Nahaliel ay napasa Bamoth; At mula sa Bamoth ay napasa libis na nasa bukid ng Moab, sa taluktok ng Pisga, na patungo sa ilang.

Mga Bilang 33:1-49

Ito ang mga paglalakbay ng mga anak ni Israel, nang sila'y magsilabas sa lupain ng Egipto, ayon sa kanilang mga hukbo sa ilalim ng kapangyarihan ni Moises at ni Aaron. At isinulat ni Moises ang kanilang mga pagyao ayon sa kanilang mga paglalakbay alinsunod sa utos ng Panginoon: at ito ang kanilang mga paglalakbay ayon sa kanilang mga pagyao. At sila'y nagsipaglakbay mula sa Rameses nang unang buwan, nang ikalabing limang araw ng unang buwan; nang kinabukasan pagkatapos ng paskua ay nagsialis ang mga anak ni Israel na may kamay na nakataas sa paningin ng lahat ng mga taga Egipto,magbasa pa.
Samantalang inililibing ng mga taga Egipto ang lahat ng kanilang panganay, na nilipol ng Panginoon sa gitna nila: na pati ng kanilang mga dios ay hinatulan ng Panginoon. At ang mga anak ni Israel ay naglakbay mula sa Rameses at humantong sa Succoth. At sila'y naglakbay mula sa Succoth at humantong sa Etham na nasa gilid ng ilang. At sila'y naglakbay mula sa Etham, at lumiko sa Pi-hahiroth, na nasa tapat ng Baal-sephon: at humantong sa tapat ng Migdol. At sila'y naglakbay mula sa tapat ng Hahiroth, at nagsipagdaan sa gitna ng dagat hanggang sa ilang: at sila'y naglakbay na tatlong araw sa ilang ng Etham at humantong sa Mara. At sila'y naglakbay mula sa Mara, at dumating sa Elim: at sa Elim ay may labing dalawang bukal ng tubig at pitong pung puno ng palma; at sila'y humantong doon. At sila'y naglakbay mula sa Elim, at humantong sa tabi ng Dagat na Mapula. At sila'y naglakbay mula sa Dagat na Mapula, at humantong sa ilang ng Zin. At sila'y naglakbay mula sa ilang ng Zin, at humantong sa Dophca. At sila'y naglakbay mula sa Dophca, at humantong sa Alus. At sila'y naglakbay mula sa Alus, at humantong sa Rephidim, na doon, nga walang tubig na mainom ang bayan. At sila'y naglakbay mula sa Rephidim, at humantong sa ilang ng Sinai. At sila'y naglakbay mula sa ilang ng Sinai, at humantong sa Kibroth-hataava. At sila'y naglakbay mula sa Kibroth-hataava, at humantong sa Haseroth. At sila'y naglakbay mula sa Haseroth, at humantong sa Ritma. At sila'y naglakbay mula sa Ritma, at humantong sa Rimmon-peres. At sila'y naglakbay mula sa Rimmon-peres, at humantong sa Libna. At sila'y naglakbay mula sa Libna, at humantong sa Rissa. At sila'y naglakbay mula sa Rissa, at humantong sa Ceelatha. At sila'y naglakbay mula sa Ceelatha at humantong sa bundok ng Sepher. At sila'y naglakbay mula sa bundok ng Sepher, at humantong sa Harada. At sila'y naglakbay mula sa Harada, at humantong sa Maceloth. At sila'y naglakbay mula sa Maceloth, at humantong sa Tahath. At sila'y naglakbay mula sa Tahath at humantong sa Tara. At sila'y naglakbay mula sa Tara, at humantong sa Mithca. At sila'y naglakbay mula sa Mithca, at humantong sa Hasmona. At sila'y naglakbay mula sa Hasmona, at humantong sa Moseroth. At sila'y naglakbay mula sa Moseroth, at humantong sa Bene-jaacan. At sila'y naglakbay mula sa Bene-jaacan, at humantong sa Horhagidgad. At sila'y naglakbay mula sa Horhagidgad at humantong sa Jotbatha. At sila'y naglakbay mula sa Jotbatha, at humantong sa Abrona. At sila'y naglakbay mula sa Abrona, at humantong sa Esion-geber. At sila'y naglakbay mula sa Esion-geber, at humantong sa ilang ng Zin (na siya ring Cades). At sila'y naglakbay mula sa Cades, at humantong sa bundok ng Hor, sa gilid ng lupain ng Edom. At si Aaron na saserdote ay sumampa sa bundok ng Hor sa utos ng Panginoon, at namatay roon, sa ikaapat na pung taon, pagkaalis ng mga anak ni Israel sa lupain ng Egipto, sa ikalimang buwan, nang unang araw ng buwan. At si Aaron ay may isang daan at dalawang pu't tatlong taon nang siya'y mamatay sa bundok ng Hor. At ang Cananeo na hari sa Arad, na tumatahan sa Timugan, sa lupain ng Canaan, ay nakarinig ng pagdating ng mga anak ni Israel. At sila'y naglakbay mula sa bundok ng Hor, at humantong sa Salmona. At sila'y naglakbay mula sa Salmona, at humantong sa Phunon. At sila'y naglakbay mula sa Phunon, at humantong sa Oboth. At sila'y naglakbay mula sa Oboth, at humantong sa Igeabarim, sa hangganan ng Moab. At sila'y naglakbay mula sa Igeabarim, at humantong sa Dibon-gad. At sila'y naglakbay mula sa Dibon-gad, at humantong sa Almon-diblathaim. At sila'y naglakbay mula sa Almon-diblathaim, at humantong sa mga bundok ng Abarim, sa harap ng Nebo. At sila'y naglakbay mula sa mga bundok ng Abarim, at humantong sa mga kapatagan ng Moab, sa tabi ng Jordan, sa tapat ng Jerico. At sila'y humantong sa tabi ng Jordan, mula sa Beth-jesimoth hanggang sa Abel-sitim, sa mga kapatagan ng Moab.

Marcos 10:17

At nang siya'y umalis na lumalakad sa daan, ay may isang tumakbong lumapit sa kaniya, at lumuhod sa harap niya, at siya'y tinanong, Mabuting Guro, ano ang gagawin ko upang ako'y magmana ng buhay na walang hanggan?

Mateo 9:35

At nililibot ni Jesus ang lahat ng mga bayan at mga nayon, na nagtuturo sa mga sinagoga nila, at ipinangangaral ang evangelio ng kaharian, at pinagagaling ang sarisaring sakit at ang sarisaring karamdaman.

Lucas 11:6

Sapagka't dumarating sa akin na galing sa paglalakbay ang isa kong kaibigan, at wala akong maihain sa kaniya;

Mga Gawa 20:13

Datapuwa't kami, na nangauna sa daong, ay nagsilayag na patungong Ason, na doon namin inaakalang ilulan si Pablo: sapagka't gayon ang kaniyang ipinasiya, na ninanasa niyang maglakad.

Never miss a post

n/a