13 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Patubig

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Mangangaral 2:6

Gumawa ako sa ganang akin ng mga tipunan ng tubig, upang dumilig ng gubat na pagtatamnan ng mga puno ng kahoy:

Deuteronomio 11:11

Kundi ang lupain, na inyong tatawirin upang ariin, ay lupaing maburol at malibis, at dinidilig ng tubig ng ulan sa langit:

Deuteronomio 11:14

Ay ibibigay ko ang ulan ng inyong lupain sa kaniyang kapanahunan, ang una at huling ulan upang iyong makamalig ang iyong trigo, at ang iyong alak, at ang iyong langis.

Isaias 43:19-20

Narito, ako'y gagawa ng bagong bagay; ngayon yao'y lalabas; hindi baga ninyo malalaman yaon? gagawa rin ako ng daan sa lupang masukal, at mga ilog sa ilang. Pararangalan ako ng mga hayop sa parang, ng mga chakal at ng mga avestruz: sapagka't ako'y nagbibigay ng tubig sa lupaing masukal, at ng mga ilog sa ilang, upang painumin ang aking bayan, na aking pinili,

Deuteronomio 11:10

Sapagka't ang lupain na iyong pinaroroonan upang ariin, ay hindi gaya ng lupain ng Egipto, na inyong pinanggalingan, na doo'y nagtatanim ka ng iyong binhi, at iyong dinidilig ng iyong paa, na parang taniman ng mga gulay;

Genesis 2:4-6

Ito ang pinangyarihan ng langit at ng lupa, nang likhain noong araw, na gawin ng Panginoong Dios ang lupa't langit. At wala pa sa lupang kahoy sa parang, at wala pang anomang pananim na tumutubo sa parang: (sapagka't hindi pa pinauulanan ng Panginoong Dios ang lupa) at wala pang taong magbukid ng lupa, Nguni't may isang ulap na napaitaas buhat sa lupa at dinilig ang buong ibabaw ng lupa.

Genesis 2:10

At may isang ilog na lumabas sa Eden na dumilig sa halamanan; at mula roo'y nabahagi at nagapat na sanga.

2 Paralipomeno 32:30

Ang Ezechias ding ito ang nagpatigil ng pinakamataas na bukal ng tubig sa Gihon, at ibinabang tuloy sa dakong kalunuran ng bayan ni David. At si Ezechias ay guminhawa sa lahat ng kaniyang mga gawa.

Awit 104:10

Siya'y nagsusugo ng mga bukal sa mga libis; nagsisiagos sa gitna ng mga bundok:

Jeremias 31:12

At sila'y magsisiparito at magsisiawit sa kaitaasan ng Sion, at magsisihugos na magkakasama sa kabutihan ng Panginoon, sa trigo, at sa alak, at sa langis, at sa guya ng kawan at ng bakahan: at ang kanilang kaluluwa ay magiging parang dinilig na halamanan; at hindi na sila mangamamanglaw pa sa anoman.

Never miss a post

n/a