6 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Pistahan sa mga Natatanging Araw

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Deuteronomio 16:16

Makaitlo sa isang taon na ang iyong mga lalake ay magsisiharap sa Panginoon mong Dios, sa dakong kaniyang pipiliin; sa kapistahan ng tinapay na walang lebadura, at sa kapistahan ng mga sanglinggo, at sa kapistahan ng mga tabernakulo: at huwag silang haharap na walang dala sa Panginoon:

Genesis 31:54

At naghandog si Jacob ng hain sa bundok, at tinawag ang kaniyang mga kapatid upang magsikain ng tinapay: at sila'y nagsikain ng tinapay, at sila'y nagparaan ng buong gabi sa bundok.

Genesis 26:28-31

At sinabi nila, Malinaw na aming nakita, na ang Panginoon ay sumasaiyo: at aming sinabi, Magkaroon ng pagsusumpaan tayo, kami at ikaw at makipagtipan kami sa iyo: Na hindi ka gagawa sa amin ng masama, gaya naman namin na hindi ka namin ginalaw, at wala kaming ginawa sa iyong di mabuti, at pinayaon ka naming payapa: ikaw ngayon ang pinagpala ng Panginoon. At pinaghandaan niya sila, at sila'y nagkainan at naginuman.magbasa pa.
At sila'y gumising ng madaling araw, at sila'y nagpanumpaan: at sila'y pinagpaalam ni Isaac, at nagsialis na payapa sa kaniya.

Exodo 24:11

At sa mga mahal na tao sa mga anak ni Israel ay hindi niya ipinatong ang kaniyang kamay: at sila'y tumingin sa Dios, at kumain at uminom.

1 Corinto 11:25-26

At gayon din naman hinawakan ang saro pagkatapos na makahapon, na sinasabi, Ang sarong ito'y siyang bagong tipan sa aking dugo: gawin ninyo ito sa tuwing kayo'y magsisiinom, sa pagaalaala sa akin. Sapagka't sa tuwing kanin ninyo ang tinapay na ito, at inuman ninyo ang saro, ay inihahayag ninyo ang pagkamatay ng Panginoon hanggang sa dumating siya.

Never miss a post

n/a