23 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Propesiya sa Huling Panahon
Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod
Datapuwa't alamin mo ito, na sa mga huling araw ay darating ang mga panahong mapanganib. Sapagka't ang mga tao'y magiging maibigin sa kanilang sarili, maibigin sa salapi, mayayabang, mga mapagmalaki, mapagtungayaw, masuwayin sa mga magulang, mga walang turing, mga walang kabanalan,
Sapagka't may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa't ililigaw, kung maaari, pati ng mga hirang.
At kung magkagayo'y maraming mangatitisod, at mangagkakanuluhan ang isa't isa, at mangagkakapootan ang isa't isa.
Sapagka't magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba't ibang dako.
Nguni't ikaw, Oh Daniel, isara mo ang mga salita, at tatakan mo ang aklat, hanggang sa panahon ng kawakasan: marami ang tatakbo ng paroo't parito, at ang kaalaman ay lalago.
At mangakakarinig kayo ng mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan; ingatan ninyo na huwag kayong magulumihanan: sapagka't kinakailangang ito'y mangyari datapuwa't hindi pa ang wakas.
Kung magkagayo'y ibibigay kayo sa kapighatian, at kayo'y papatayin: at kayo'y kapopootan ng lahat ng mga bansa dahil sa aking pangalan.
Sapagka't marami ang magsisiparito sa aking pangalan, na mangagsasabi, Ako ang Cristo; at ililigaw ang marami.
At mangyayari sa mga huling araw, sabi ng Dios, Na ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng laman: At ang inyong mga anak na lalake at babae ay manganghuhula, At ang inyong mga binata ay mangakakakita ng mga pangitain, Ang inyong mga matatanda ay magsisipanaginip ng mga panaginip:
Na maalaman muna ito, na sa mga huling araw ay magsisiparito ang mga manunuya na may pagtuya, na magsisilakad ayon sa kanikanilang masasamang pita,
Datapuwa't alamin mo ito, na sa mga huling araw ay darating ang mga panahong mapanganib.
Sapagka't ang pangitain ay sa panahong takda pa, at nagmamadali sa pagkatapos, at hindi magbubulaan: bagaman nagluluwat ay hintayin mo; sapagka't walang pagsalang darating, hindi magtatagal.
Nguni't hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba'y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonio,
At nakakita ako ng mga luklukan, at may mga nagsisiluklok sa mga ito, sila'y pinagkalooban ng paghatol: at nakita ko ang mga kaluluwa ng mga pinugutan ng ulo dahil sa patotoo ni Jesus, at dahil sa salita ng Dios, at ang mga hindi sumamba sa hayop, o sa kaniyang larawan man, at hindi tumanggap ng tanda sa kanilang noo at sa kanilang kamay; at sila'y nangabuhay, at nagsipagharing kasama ni Cristo sa loob ng isang libong taon.
Na nagpapahayag ng wakas mula sa pasimula, at mula nang mga unang panahon, ng mga bagay na hindi pa nangyayari; na nagsasabi, Ang payo ko ay mananayo, at gagawin ko ang aking buong kaligayahan:
Datapuwa't karakarakang pagkatapos ng kapighatian sa mga araw na yaon ay magdidilim ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag, at mangalalaglag ang mga bituin mula sa langit, at magsisipangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit:
Kaya nga pagkakita ninyo ng kasuklamsuklam na paninira, na sinalita sa pamamagitan ng propeta Daniel, na natatayo sa dakong banal (unawain ng bumabasa),
At samantalang siya'y nakaupo sa bundok ng mga Olivo, ay nagsilapit sa kaniya ng bukod ang mga alagad, na nagsisipagsabi, Sabihin mo sa amin, kailan mangyayari ang mga bagay na ito? at ano ang magiging tanda ng iyong pagparito, at ng katapusan ng sanglibutan?
Mumunting mga anak, ito ang huling oras: at gaya ng inyong narinig na darating ang anticristo, kahit ngayon ay lumitaw ang marami nang anticristo; kaya nga nalalaman natin na ito na ang huling oras.
At mangyayari sa mga huling araw, na ang bundok ng bahay ng Panginoon ay matatatag sa taluktok ng mga bundok, at magiging mataas sa mga burol; at lahat ng bansa ay magsisiparoon doon.
At sinasabi niya sa akin, Huwag mong tatakan ang mga salita ng hula ng aklat na ito; sapagka't malapit na ang panahon.
Mga Katulad na Paksa
- Ang Hinaharap
- Ang Huling mga Araw ng Panahon
- Ang Ikalawang Pagpaparito
- Ang Katapusan ng Mundo
- Anti-Cristo
- Araw, Huling mga
- Araw, Mga
- Armagedon
- Bagabag at Kabigatan
- Bulaang mga Kristo
- Bumangon
- Cristo, Paghihirap ng mga Disipulo ni
- Hula sa Hinaharap
- Huling Oras
- Huling Panahon
- Huling mga Araw
- Ibinigay sa mga Tao
- Impormasyon, Panahon ng
- Inililigaw
- Kailan?
- Kaparusahan
- Katapusan ng Mundo
- Katapusan ng Panahon
- Katapusan ng mga Araw
- Lagay ng Panahon sa mga Huling Araw
- Lahat ng Bagay ay Nangyayari na may Dahilan
- Likas na mga Sakuna
- Makaraos sa Kahirapan
- Mapanlibak, Mga
- Maraming Manlilinlang at Malilinlang
- Mathematika
- Nagtitiwala sa Diyos sa Oras ng Kagipitan
- Nananatiling Malakas sa Oras ng Kabigatan
- Pagkamartir
- Pagtagumpayan ang Mahirap na Sandali
- Pagtalikod mula sa Diyos
- Pagtalikod sa Pananampalataya
- Panalangin sa Oras ng Kabigatan
- Pananampalataya sa Oras ng Kahirapan
- Panlilinlang
- Panlilinlang na mangyayari sa Huling mga Araw
- Plano sa Kinabukasan
- Propesiya
- Tadhana
- Tanda ng Huling mga Panahon, Mga
- Tanda ng Pagbabalik ni Cristo, Mga
- Tanda ng mga Panahon, Mga
- Tatak, Mga
- Tinatakan ang Mensahe
- Usap-Usapan