15 Bible Verses about Sa Tuktok ng Bahay

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Luke 12:3

Kaya nga, ang anomang sinabi ninyo sa kadiliman ay maririnig sa kaliwanagan, at ang sinalita ninyo sa bulong sa mga silid, ay ipagsisigawan sa mga bubungan.

Matthew 10:27

Ang sinasabi ko sa inyo sa kadiliman, ay sabihin ninyo sa kaliwanagan; at ang narinig ninyo sa bulong, ay inyong ipagsigawan sa mga bubungan.

Proverbs 25:24

Maigi ang tumahan sa sulok ng bubungan, kay sa kasama ng palaaway na babae sa maluwang na bahay.

Matthew 24:17

Ang nasa bubungan ay huwag bumaba upang maglabas ng mga bagay sa loob ng kaniyang bahay:

Proverbs 21:9

Lalong maigi ang tumahan sa sulok ng bubungan, kay sa palatalong babae sa maluwang na bahay.

Acts 10:10

At siya'y nagutom at nagnais kumain: datapuwa't samantalang nangaghahanda sila, ay nawalan siya ng diwa;

Psalm 129:6

Sila'y maging parang damo sa mga bubungan, na natutuyo bago lumaki:

Psalm 102:7

Ako'y umaabang, at ako'y naging parang maya na nagiisa sa bubungan.

Zephaniah 1:5

At ang nagsisisamba sa natatanaw sa langit sa mga bubungan ng bahay; at ang nagsisisamba na nanunumpa sa Panginoon at nanunumpa sa pangalan ni Malcam;

Isaiah 22:1

Ang hula tungkol sa libis ng pangitain. Anong ipinakikialam mo ngayon na ikaw ay lubos na sumampa sa mga bubungan?

Joshua 2:6

Nguni't kaniyang isinampa sila sa bubungan, at ikinubli sa mga puno ng lino, na kaniyang inilagay na maayos sa bubungan.

1 Samuel 9:25

At nang sila'y makalusong sa bayan mula sa mataas na dako, siya'y nakipagpulong kay Saul sa bubungan ng bahay.

Nehemiah 8:16

Sa gayo'y lumabas ang bayan, at nangagdala sila, at nagsigawa ng mga balag, bawa't isa'y sa bubungan ng kaniyang bahay, at sa kanilang mga looban, at sa mga looban ng bahay ng Dios, at sa luwal na dako ng pintuang-bayan ng tubig, at sa luwal na dako ng pintuang-bayan ng Ephraim.

Luke 5:19

At sa hindi pagkasumpong ng mapagpapasukan, dahil sa karamihan, ay nagsiakyat sila sa bubungan ng bahay, at siya'y inihugos mula sa butas ng bubungan pati ng kaniyang higaan, sa gitna, sa harapan ni Jesus.

Acts 10:9

Nang kinabukasan nga samantalang sila'y patuloy sa kanilang paglalakad, at nang malapit na sa bayan, si Pedro ay umakyat sa ibabaw ng bahay upang manalangin, nang may oras na ikaanim;

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a