11 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Sagradong Tinapay

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Mga Hebreo 9:2

Sapagka't inihanda ang isang tabernakulo, ang una, na kinaroroonan ng kandelero, at ng dulang, at ng mga tinapay na handog; na siyang tinatawag na Dakong Banal.

1 Samuel 21:6

Sa gayo'y binigyan siya ng saserdote ng banal na tinapay: sapagka't walang tinapay roon, kundi tinapay na handog, na kinuha sa harap ng Panginoon, upang lagyan ng tinapay na mainit sa araw ng pagkuha.

Levitico 24:5-9

At kukuha ka ng mainam na harina, at magluluto ka niyan ng labing dalawang munting tinapay: tigdadalawang ikasampung bahagi ng isang epa ang bawa't munting tinapay. At ilalagay mong dalawang hanay, anim sa bawa't hanay, sa ibabaw ng dulang na dalisay sa harap ng Panginoon. At maglalagay ka sa bawa't hanay ng dalisay na kamangyan, upang ito'y maging paalaala na tinapay, na handog nga sa Panginoon na pinaraan sa apoy.magbasa pa.
Sa bawa't sabbath ay aayusing palagi ang tinapay sa harap ng Panginoon; sa ganang mga anak ni Israel, na pinakatipang walang hanggan. At magiging kay Aaron at sa kaniyang mga anak; at kanilang kakanin sa dakong banal: sapagka't kabanalbanalang bagay sa kaniya sa mga handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy sa pamamagitan ng palatuntunang walang hanggan.

Exodo 25:30

At ilalagay mo sa dulang ang tinapay na handog sa harap ko na palagi.

Nehemias 10:32

Kami naman ay nangagpasiya rin sa sarili namin, na makiambag sa taon-taon ng ikatlong bahagi ng isang siklo ukol sa paglilingkod sa bahay ng aming Dios:

1 Paralipomeno 9:32

At ang ilan sa kanilang mga kapatid sa mga anak ng mga Coatita, ay nangasa tinapay na handog upang ihanda bawa't sabbath.

1 Paralipomeno 23:29

Gayon din sa tinapay na handog, at sa mainam na harina na pinakahandog na harina, maging sa mga manipis na tinapay na walang lebadura, at doon sa niluto sa kawali, at doon sa pinirito; at sa lahat na sarisaring takalan at panakal;

Mateo 12:3

Datapuwa't sinabi niya sa kanila, Hindi baga ninyo nabasa ang ginawa ni David nang siya'y nagutom, at ang mga kasamahan niya;

Marcos 2:25

At sinabi niya sa kanila, Kailan man baga'y hindi ninyo nabasa ang ginawa ni David, nang siya'y mangailangan, at magutom, siya, at ang kaniyang mga kasamahan?

Lucas 6:3

At pagsagot sa kanila ni Jesus ay sinabi, Hindi baga nabasa ninyo ang ginawa ni David, nang siya'y magutom, siya, at ang mga kasamahan niya;

Exodo 40:22

At kaniyang inilagay ang dulang sa loob ng tabernakulo ng kapisanan, sa dakong hilagaan ng tabernakulo, sa labas ng lambong.

Never miss a post

n/a