8 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Saro ng Paghihirap

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Marcos 10:38

Datapuwa't sinabi sa kanila ni Jesus, Hindi ninyo nalalaman ang inyong hinihingi. Mangakaiinom baga kayo sa sarong aking iinuman? o mangababautismuhan sa bautismo na ibinautismo sa akin?

Juan 18:11

Sinabi nga ni Jesus kay Pedro, Isalong mo ang iyong tabak: ang sarong sa akin ay ibinigay ng Ama, ay hindi ko baga iinuman?

Awit 73:10

Kaya't ibinabalik dito ang kaniyang bayan: at tubig ng punong saro ay nilalagok nila.

Awit 80:5

Iyong pinakain sila ng tinapay na mga luha, at binigyan mo sila ng mga luha upang inumin ng sagana.

Awit 102:9

Sapagka't kinain ko ang mga abo na parang tinapay, at hinaluan ko ang aking inumin ng iyak.

Mateo 20:22

Nguni't sumagot si Jesus at sinabi, Hindi ninyo nalalaman ang inyong hinihingi. Mangyayari bagang inuman ninyo ang sarong malapit nang aking iinuman? Sa kaniya'y sinabi nila, Mangyayari.

Never miss a post

n/a