8 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Seksuwal na Pagibig

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Ezekiel 16:8

Nang ako nga'y magdaan sa tabi mo, at tumingin sa iyo, narito, ang iyong panahon ay panahon ng pagibig; at aking iniladlad ang aking balabal sa iyo, at tinakpan ko ang iyong kahubaran: oo, ako'y sumumpa sa iyo, at nakipagtipan sa iyo, sabi ng Panginoong Dios, at ikaw ay naging akin.

Genesis 1:27-28

At nilalang ng Dios ang tao ayon sa kaniyang sariling larawan, ayon sa larawan ng Dios siya nilalang; nilalang niya sila na lalake at babae. At sila'y binasbasan ng Dios, at sa kanila'y sinabi ng Dios, Kayo'y magpalaanakin, at magpakarami, at kalatan ninyo ang lupa, at inyong supilin; at magkaroon kayo ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa bawa't hayop na gumagalaw sa ibabaw ng lupa.

Genesis 2:24-25

Kaya't iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ang kaniyang ina, at makikipisan sa kaniyang asawa: at sila'y magiging isang laman. At sila'y kapuwa hubad, ang lalake at ang kaniyang asawa, at sila'y hindi nagkakahiyaan.

Kawikaan 5:15-20

Uminom ka ng tubig sa iyong sariling tipunan ng tubig, at sa nagsisiagos na tubig sa iyong sariling balon. Mananabog ba ang iyong mga bukal sa kaluwangan, at mga agos ng tubig sa mga lansangan? Maging iyong magisa, at huwag sa di kilala na kasama mo.magbasa pa.
Pagpalain ang iyong bukal; at magalak ka sa asawa ng iyong kabataan. Gaya ng maibiging usa at ng masayang usang babae, bigyan kang katiwasayan ng kaniyang dibdib sa buong panahon; at laging malugod ka sa kaniyang pagibig. Sapagka't bakit ka malulugod, anak ko, sa ibang babae, at yayakap sa sinapupunan ng di kilala?

Awit ng mga Awit 1:12-15

Samantalang ang hari ay nauupo sa kaniyang dulang, ang aking nardo ay humahalimuyak ng kaniyang bango. Ang aking sinta ay gaya ng bigkis ng mira sa akin, na humihilig sa pagitan ng aking mga suso. Ang sinta ko ay gaya ng kumpol ng bulaklak ng alhena sa akin sa mga ubasan ng En-gadi.magbasa pa.
Narito, ikaw ay maganda, sinta ko, narito, ikaw ay maganda; ang iyong mga mata ay gaya ng mga kalapati.

Awit ng mga Awit 3:1-5

Sa kinagabihan sa aking higaan, ay hinahanap ko siya na sinisinta ng aking kaluluwa: aking hinanap siya, nguni't hindi ko siya nasumpungan. Aking sinabi, ako'y babangon at liligid sa bayan, sa mga lansangan at sa mga maluwang na daan, aking hahanapin siya na sinisinta ng aking kaluluwa: aking hinanap siya, nguni't hindi ko siya nasumpungan. Ang mga bantay na nagsisilibot sa bayan ay nasumpungan ako: na siya kong pinagsabihan, nakita baga ninyo siya na sinisinta ng aking kaluluwa?magbasa pa.
Kaunti lamang ang inilagpas ko sa kanila. Nang masumpungan ko siya na sinisinta ng aking kaluluwa: pinigilan ko siya, at hindi ko binayaang umalis, hanggang sa siya'y aking nadala sa bahay ng aking ina, at sa silid niya na naglihi sa akin. Pinagbibilinan ko kayo, Oh mga anak na babae ng Jerusalem, alangalang sa mga usang lalake at babae sa parang, na huwag ninyong pukawin o gisingin man ang aking sinta, hanggang sa ibigin niya.

1 Corinto 7:3-5

Ibigay ng lalake sa asawa ang sa kaniya'y nararapat: at gayon din naman ang babae sa asawa. Ang babae ay walang kapangyarihan sa kaniyang sariling katawan, kundi ang asawa: at gayon din naman ang lalake ay walang kapangyarihan sa kaniyang sariling katawan, kundi ang asawa. Huwag magpigil ang isa't isa, maliban kung pagkasunduan sa ilang panahon, upang kayo'y mamalagi sa pananalangin, at muling kayo'y magsama, baka kayo'y tuksuhin ni Satanas dahil sa inyong kawalan ng pagpipigil.

Never miss a post

n/a