13 Talata sa Bibliya tungkol sa Sibil, Digmaang

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Josue 22:12

At nang marinig ng mga anak ni Israel, ay nagpipisan sa Silo ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel, upang sumampa laban sa kanila na makipagdigma.

Mga Hukom 20:14

At nagpisan ang mga anak ni Benjamin sa mga bayang patungo sa Gabaa, upang lumabas na makibaka laban sa mga anak ni Israel.

2 Samuel 3:1

Nagkaroon nga ng matagal na pagbabaka ang sangbahayan ni Saul at ang sangbahayan ni David: at si David ay lumakas ng lumakas, nguni't ang sangbahayan ni Saul ay humina ng humina.

2 Samuel 3:6

At nangyari, samantalang may pagbabaka ang sangbahayan ni Saul at ang sangbahayan ni David, na si Abner ay nagpakalakas sa sangbahayan ni Saul.

1 Mga Hari 12:21

At nang dumating si Roboam sa Jerusalem, kaniyang pinisan ang buong sangbahayan ng Juda, at ang lipi ni Benjamin, na isang daan at walong pung libo na piling lalake, na mga mangdidigma, upang magsilaban sa sangbahayan ng Israel, upang ibalik ang kaharian kay Roboam na anak ni Salomon.

1 Mga Hari 14:30

At nagkaroong palagi ng pagdidigmaan si Roboam at si Jeroboam.

1 Mga Hari 15:6

Nagkaroon nga ng pagdidigmaan si Roboam at si Jeroboam sa lahat ng kaarawan ng kaniyang buhay.

1 Mga Hari 15:7

At ang iba nga sa mga gawa ni Abiam, at ang lahat niyang ginagawa, hindi ba nasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda? At nagkaroon ng pagdidigmaan si Abiam at si Jeroboam.

1 Mga Hari 15:16

At nagkaroon ng pagdidigmaan si Asa at si Baasa na hari sa Israel sa lahat ng kanilang kaarawan.

1 Mga Hari 15:32

At nagkaroon ng pagdidigmaan si Asa at si Baasa na hari sa Israel sa lahat ng kanilang kaarawan.

Isaias 19:2

At aking hihikayatin ang mga Egipcio laban sa mga Egipcio: at lalaban bawa't isa sa kanikaniyang kapatid, at bawa't isa laban sa kaniyang kapuwa; bayan laban sa bayan, at kaharian laban sa kaharian.

Pahayag 6:4

At may lumabas na ibang kabayo, na kabayong mapula: at ang nakasakay dito, ay pinagkaloobang magalis sa lupa ng kapayapaan, at upang mangagpatayan ang isa't isa: at binigyan siya ng isang malaking tabak.

Marcos 3:26

At kung manghihimagsik si Satanas laban sa kaniyang sarili, at magkabahabahagi, hindi siya makapanananatili, kundi magkakaroon ng isang wakas.

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a