12 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Sulok

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Exodo 26:23

At igagawa mo ng dalawang tabla ang mga sulok ng tabernakulo sa dakong hulihan.

Exodo 26:24

At pagpapatungin sa dakong ibaba, at gayon din na maugnay sa itaas niyaon sa isang argolya; gayon ang gagawin sa dalawa; para sa dalawang sulok.

Ezekiel 46:21

Nang magkagayo'y inilabas niya ako sa labas ng looban ng bahay at pinaraan niya ako sa apat na sulok ng looban; at, narito, sa bawa't sulok ng looban ay may isang looban.

Ezekiel 46:22

Sa apat na sulok ng looban ay may mga looban na nababakod, apat na pung siko ang haba at tatlong pu ang luwang: ang apat na ito sa mga sulok ay may isang sukat.

Ezekiel 43:20

At kukuha ka ng dugo niyaon, at ilalagay mo sa apat na sungay niyaon, at sa apat na sulok ng patungan, at sa laylayan sa palibot: ganito mo lilinisin yaon at tutubusin ito.

1 Mga Hari 7:5

At ang lahat na pintuan at mga haligi ay pawang parisukat ang anyo: at ang mga liwanag ay nangagkakatapatan, sa tatlong grado.

Zacarias 9:15

Ipagsasanggalang sila ng Panginoon ng mga hukbo; at sila'y mangananakmal, at kanilang yayapakan ang mga batong panghilagpos; at sila'y magsisiinom, at mangagiingay na gaya ng sa alak; at sila'y mangapupunong parang mga taza, parang mga sulok ng dambana.

Kawikaan 7:12

Ngayo'y nasa mga lansangan siya, mamaya'y nasa mga luwal na dako siya, at nagaabang sa bawa't sulok,

Topics on Sulok

Apat na Sulok

1 Paralipomeno 9:24

Na sa apat na sulok ang mga tagatanod-pinto, sa dakong silanganan, kalunuran, hilagaan, at timugan.

Never miss a post

n/a