24 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Talaan ng Angkan

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Mateo 1:1-17

Ang aklat ng lahi ni Jesucristo, na anak ni David, na anak ni Abraham. Naging anak ni Abraham si Isaac; at naging anak ni Isaac si Jacob; at naging anak ni Jacob si Juda at ang kaniyang mga kapatid; At naging anak ni Juda kay Tamar si Fares at si Zara; at naging anak ni Fares si Esrom; at naging anak ni Esrom si Aram;magbasa pa.
At naging anak ni Aram si Aminadab; at naging anak ni Aminadab si Naason; at naging anak ni Naason si Salmon; At naging anak ni Salmon kay Rahab si Booz; at naging anak ni Booz kay Rut si Obed; at naging anak ni Obed si Jesse. At naging anak ni Jesse ang haring si David; at naging anak ni David si Salomon, doon sa naging asawa ni Urias; At naging anak ni Salomon si Reboam; at naging anak ni Reboam si Abias; at naging anak ni Abias si Asa; At naging anak ni Asa si Josafat; at naging anak ni Josafat si Joram; at naging anak ni Joram si Ozias; At naging anak ni Ozias si Joatam; at naging anak ni Joatam si Acaz; at naging anak ni Acaz si Ezequias; At naging anak ni Ezequias si Manases; at naging anak ni Manases si Amon; at naging anak ni Amon si Josias; At naging anak ni Josias si Jeconias at ang kaniyang mga kapatid, nang panahon ng pagkadalang-bihag sa Babilonia. At pagkatapos nang pagkadalangbihag sa Babilonia, ay naging anak ni Jeconias si Salatiel; at naging anak ni Salatiel si Zorobabel; At naging anak ni Zorobabel si Abiud; at naging anak ni Abiud si Eliaquim; at naging anak ni Eliaquim si Azor; At naging anak ni Azor si Sadoc; at naging anak ni Sadoc si Aquim; at naging anak ni Aquim si Eliud; At naging anak ni Eliud si Eleazar; at naging anak ni Eleazar si Matan; at naging anak ni Matan si Jacob; At naging anak ni Jacob si Jose asawa ni Maria, na siyang nanganak kay Jesus, na siyang tinatawag na Cristo. Sa makatuwid ang lahat ng mga salit-saling lahi buhat kay Abraham hanggang kay David ay labingapat na salit-saling lahi; at buhat kay David hanggang sa pagdalang-bihag sa Babilonia ay labingapat na sali't-saling lahi; at buhat sa pagkadalang-bihag sa Babilonia hanggang kay Cristo ay labingapat na sali't-saling lahi.

Lucas 3:23-38

At si Jesus din, nang magpasimula siyang magturo ay may gulang na tatlongpung taon, na anak (ayon sa sinasapantaha) ni Jose, ni Eli, Ni Matat, ni Levi, ni Melqui, ni Jane, ni Jose, Ni Matatias, ni Amos, ni Nahum, ni Esli, ni Nage,magbasa pa.
Ni Maat, ni Matatias, ni Semei, ni Jose, ni Juda, Ni Joana, ni Resa, ni Zorobabel, ni Seatiel, ni Neri, Ni Melqui, ni Adi, ni Cosam, ni Elmodam, ni Er, Ni Jesus, ni Eliezer, ni Jorim, ni Mata, ni Levi, Ni Simeon, ni Juda, ni Jose, ni Jonan, ni Eliaquim, Ni Melea, ni Mena, ni Matata, ni Natan, ni David, Ni Jesse, ni Obed, ni Booz, ni Salmon, ni Naason, Ni Aminadab, ni Aram, ni Esrom, ni Fares, ni Juda, Ni Jacob, ni Isaac, ni Abraham, ni Tare, ni Nacor, Ni Serug, ni Regan, ni Paleg, ni Heber, ni Selah, Ni Cainan, ni Arfaxjad, ni Sem, ni Noe, ni Lamec, Ni Matusalem, ni Enoc, ni Jared, ni Mahalaleel, ni Cainan, Ni Enos, ni Set, ni Adam, ng Dios.

Genesis 10:1-32

Ito nga ang sali't saling lahi ng mga anak ni Noe: si Sem, si Cham, at si Japhet: at sila'y nangagkaanak pagkaraan ng bahang gumunaw. Ang mga anak ni Japhet; si Gomer, at si Magog, at si Madai, at si Javan, at si Tubal, at si Meshech, at si Tiras. At ang mga anak ni Gomer: si Azkenaz, at si Rifat, at si Togarma.magbasa pa.
At ang mga anak ni Javan; si Elisa, at si Tarsis, si Cittim, at si Dodanim. Sa mga ito nangabahagi ang mga pulo ng mga bansa, sa kanilang mga lupain, na bawa't isa'y ayon sa kanikaniyang wika; ayon sa kanikanilang angkan, sa kanikanilang bansa. At ang mga anak ni Cham; si Cush, at si Mizraim, at si Phut, at si Canaan. At ang mga anak ni Cush; si Seba, at si Havila, at si Sabta, at si Raama, at si Sabtech: at ang mga anak ni Raama; si Sheba, at si Dedan. At naging anak ni Cush si Nimrod: siyang napasimulang maging makapangyarihan sa lupa. Siya'y makapangyarihang mangangaso sa harap ng Panginoon kaya't karaniwang sabihin: Gaya ni Nimrod, na makapangyarihang mangangaso sa harap ng Panginoon. At ang pinagsimulan ng kaniyang kaharian ay ang Babel, at ang Erech, at ang Accad, at ang Calneh, sa lupain ng Shinar. Buhat sa lupaing yaon ay napasa Asiria at itinayo ang Ninive, at ang Rehobotir, at ang Calah, At ang Ressen, sa pagitan ng Ninive at ng Calah (na siyang malaking bayan). At naging anak ni Mizraim si Ludim, at si Anamim, at si Lehabim, at si Naphtuhim. At si Pathrusim, at si Casluim (na siyang pinagbuhatan ng mga Filisteo), at ang Caphtorim. At naging anak ni Canaan si Sidon, na kaniyang panganay, at si Heth. At ang Jebuseo, at ang Amorrheo, at ang Gergeseo; At ang Heveo, at ang Araceo, at ang Sineo. At ang Aradio, at ang Samareo at ang Amatheo: at pagkatapos ay kumalat ang mga angkan ng Cananeo. At ang hangganan ng Cananeo ay mula sa Sidon, kung patungo sa Gerar, hanggang sa Gaza; kung patungo sa Sodoma at Gomorra, at Adma, at Zeboim hanggang Lasa. Ito ang mga anak ni Cham, ayon sa kanikanilang angkan, ayon sa kanikanilang wika, sa kanikanilang mga lupain, sa kanilang mga bansa. At nagkaroon din naman ng mga anak si Sem, na ama ng lahat ng mga anak ni Heber, na siya ring lalong matandang kapatid ni Japhet. Ang mga anak ni Sem; si Elam, at si Assur, at si Arphaxad, at si Lud, at si Aram. At ang mga anak ni Aram: si Uz, at si Hul, at si Gether, at si Mas. At naging anak ni Arphaxad si Sala; at naging anak ni Sala si Heber. At nagkaanak si Heber ng dalawang lalake; ang pangalan ng una'y Peleg; sapagka't sa mga araw niya'y nahati ang lupa; at ang pangalan ng kaniyang kapatid ay Joctan. At naging anak ni Joctan si Almodad, at si Sheleph, at si Hazarmavet, at si Jerah; At si Hadoram, at si Uzal, at si Dicla. At si Obal, at si Abimael, at si Sheba. At si Ophir, at si Havila, at si Jobad: lahat ng ito ay mga naging anak ni Joctan. At ang naging tahanan nila ay mula sa Mesa, kung patungo sa Sephar, na siyang bundok sa silanganan. Ito ang mga anak ni Sem, ayon sa kanikanilang angkan, ayon sa kanikanilang wika, sa kanikanilang lupain, ayon sa kanikanilang bansa. Ito ang mga angkan ng mga anak ni Noe, ayon sa kanikanilang lahi, sa kanikanilang bansa: at sa mga ito nangabahagi ang mga bansa pagkatapos ng bahang gumunaw.

Genesis 11:10-32

Ito ang sali't saling lahi ni Sem. May isang daan taon si Sem at naging anak si Arphaxad, dalawang taon pagkatapos ng bahang gumunaw, At nabuhay si Sem, pagkatapos na maipanganak si Arphaxad, ng limang daang taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae. At nabuhay si Arphaxad, ng tatlong pu't limang taon, at naging anak si Sala.magbasa pa.
At nabuhay si Arphaxad pagkatapos na maipanganak si Sala, ng apat na raan at tatlong taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae. At nabuhay si Sala ng tatlong pung taon, at naging anak si Heber: At nabuhay si Sala pagkatapos na maipanganak si Heber, ng apat na raan at tatlong taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae. At nabuhay si Heber ng tatlong pu't apat na taon, at naging anak si Peleg: At nabuhay si Heber pagkatapos na maipanganak si Peleg, ng apat na raan at tatlong pung taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae. At nabuhay si Peleg ng tatlong pung taon, at naging anak si Reu: At nabuhay si Peleg pagkatapos na maipanganak si Reu, ng dalawang daan at siyam na taon; at nagkaanak ng mga lalake at mga babae. At nabuhay si Reu ng tatlong pu't dalawang taon, at naging anak si Serug: At nabuhay si Reu pagkatapos na maipanganak si Serug, ng dalawang daan at pitong taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae. At nabuhay si Serug ng tatlong pung taon, at naging anak si Nachor: At nabuhay si Serug pagkatapos maipanganak si Nachor, ng dalawang daang taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae. At nabuhay si Nachor ng dalawang pu't siyam na taon, at naging anak si Thare: At nabuhay si Nachor pagkatapos na maipanganak si Thare, ng isang daan at labing siyam na taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae. At nabuhay si Thare ng pitong pung taon, at naging anak si Abram, si Nachor at si Haran. Ito nga ang mga lahi ni Thare. Naging anak ni Thare si Abram, si Nachor, at si Haran; at naging anak ni Haran si Lot. At namatay si Haran bago namatay ang kaniyang amang si Thare sa lupaing kaniyang tinubuan, sa Ur ng mga Caldeo. At nagsipagasawa si Abram at si Nachor: ang pangalan ng asawa ni Abram ay Sarai; at ang pangalan ng asawa ni Nachor, ay Milca, anak ni Haran, ama ni Milca at ama ni Iscah. At si Sarai ay baog; siya'y walang anak. At ipinagsama ni Thare si Abram na kaniyang anak, at si Lot na anak ni Haran, na anak ng kaniyang anak, at si Sarai na kaniyang manugang, asawa ni Abram na kaniyang anak; at samasamang nagsialis sa Ur ng mga Caldeo upang magsipasok sa lupain ng Canaan, at nagsidating sila sa Haran, at nagsitahan doon. At ang mga naging araw ni Thare ay dalawang daan at limang taon: at namatay si Thare sa Haran.

Genesis 36:10-43

Ito ang mga pangalan ng mga anak ni Esau: si Eliphas, na anak ni Ada na asawa ni Esau, si Reuel na anak ni Basemath, na asawa ni Esau. At ang mga anak ni Eliphaz, ay si Teman, si Omar, si Zepho, si Gatham at si Cenaz. At si Timna ay babae ni Eliphaz na anak ni Esau; at ipinanganak niya kay Eliphaz si Amalec; ito ang mga anak ni Ada na asawa ni Esau.magbasa pa.
At ito ang mga anak ni Reuel; si Nahat, si Zera, si Samma at si Mizza: ito ang mga anak ni Basemath na asawa ni Esau. At ito ang mga anak ni Aholibama, na anak ni Ana, na anak ni Zibeon, na asawa ni Esau: at ipinanganak niya kay Esau: si Jeus at si Jaalam at si Cora. Ito ang mga pangulo sa mga anak ni Esau: ang mga anak ni Eliphaz, na panganay ni Esau; ang pangulong Teman, ang pangulong Omar, ang pangulong Zepho, ang pangulong Cenaz, Ang pangulong Cora, ang pangulong Gatam, ang pangulong Amalec: ito ang mga pangulong nagmula kay Eliphaz sa lupain ng Edom; ito ang mga anak ni Ada. At ito ang mga anak ni Reuel na anak ni Esau; ang pangulong Nahath, ang pangulong Zera, ang pangulong Samma ang pangulong Mizza: ito ang mga pangulong nagmula kay Reuel sa lupain ng Edom; ito ang mga anak ni Basemath, na asawa ni Esau. At ito ang mga anak ni Aholibama na asawa ni Esau; ang pangulong Jeus, ang pangulong Jaalam, ang pangulong Cora: ito ang mga pangulong nagmula kay Aholibama na anak ni Ana, na asawa ni Esau. Ito ang mga anak ni Esau, at ito ang kanilang mga pangulo: na siyang Edom. Ito ang mga anak ni Seir na Horeo, na nagsisitahan sa lupain; si Lotan at si Sobal, at si Zibeon, at si Ana, At si Dison, at si Ezer, at si Disan: ito ang mga pangulong nagmula sa mga Horeo, na mga angkan ni Seir sa lupain ng Edom. At ang mga anak ni Lotan, ay si Hori at si Heman; at ang kapatid na babae ni Lotan ay si Timna. At ito ang mga anak ni Sobal; si Alvan, at si Manahath, at si Ebal, si Zepho, at si Onam. At ito ang mga anak ni Zibeon; si Aja at si Ana: ito rin ang si Ana na nakasumpong ng maiinit na bukal sa ilang, nang pinapanginginain ang mga asno ni Zibeon na kaniyang ama. At ito ang mga anak ni Ana; si Dison at si Aholibama, na anak na babae ni Ana. At ito ang mga anak ni Dizon: si Hemdan, at si Eshban, at si Ithram, at si Cheran. Ito ang mga anak ni Ezer: si Bilhan, at si Zaavan at si Acan. Ito ang mga anak ni Disan: si Huz at si Aran. Ito ang mga pangulong nagmula sa mga Horeo; ang pangulong Lotan, ang pangulong Sobal, ang pangulong Zibeon, ang pangulong Ana, Ang pangulong Dison, ang pangulong Ezer, ang pangulong Disan: ito ang mga pangulong nagmula sa mga Horeo ayon sa kanilang mga pangulo, sa lupain ng Seir. At ito ang mga hari na nagsipaghari sa lupain ng Edom bago maghari ang sinomang hari sa angkan ni Israel. At si Bela na anak ni Beor ay naghari sa Edom; at ang pangalan ng kaniyang bayan ay Dinaba. At namatay si Bela, at naghari na kahalili niya si Jobab na anak ni Zera, na taga Bozra. At namatay si Jobab at naghari na kahalili niya si Husam, na taga lupain ng mga Temaneo. At namatay si Husam, at naghari na kahalili niya si Adad, na anak ni Badad, na siya ring sumakit kay Midian sa parang ni Moab: at ang pangalan ng kaniyang bayan ay Avita. At namatay si Adad at naghari na kahalili niya si Samla na taga Masreca. At namatay si Samla at naghari na kahalili niya si Saul, na taga Rehoboth na tabi ng Ilog. At namatay si Saul, at naghari na kahalili niya si Baalanan na anak ni Achbor. At namatay si Baalanan na anak ni Achbor, at naghari na kahalili niya si Adar; at ang pangalan ng kaniyang bayan ay Pau; at ang pangalan ng kaniyang asawa ay Meetabel na anak ni Matred, na anak na babae ni Mezaab. At ito ang mga pangalan ng mga pangulong nagmula kay Esau, ayon sa kanikaniyang angkan, ayon sa kanikaniyang dako, alinsunod sa kanikaniyang pangalan; ang pangulong Timma, ang pangulong Alva, ang pangulong Jetheth; Ang pangulong Aholibama, ang pangulong Ela, ang pangulong Pinon. Ang pangulong Cenaz, ang pangulong Teman, ang pangulong Mibzar. Ang pangulong Magdiel, ang pangulong Hiram: ito ang mga pangulo ni Edom, ayon sa kanikaniyang tahanan sa lupain na kanilang pag-aari. Ito'y si Esau na ama ng mga Edomita.

1 Paralipomeno 1:1-6

Si Adam, si Seth, si Enos; Si Cainan, si Mahalaleel, si Jared; Si Enoch, si Mathusalem, si Lamech,magbasa pa.
Si Noe, si Sem, si Cham, at si Japhet. Ang mga anak ni Japhet: si Gomer, at si Magog, at si Dadai, at si Javan, at si Tubal, at si Mesec, at si Tiras. At ang mga anak ni Gomer: si Askenaz at si Riphath, at si Thogorma.

1 Paralipomeno 9:35-44

At sa Gabaon ay tumahan ang ama ni Gabaon, si Jehiel, na ang pangalan ng kaniyang asawa ay Maacha: At ang anak niyang panganay si Abdon, at si Sur, at si Cis, at si Baal, at si Ner, at si Nadab; At si Gedor, at si Ahio, at si Zacharias, at si Micloth.magbasa pa.
At naging anak ni Micloth si Samaam. At sila nama'y nagsitahan na kasama ng kanilang mga kapatid sa Jerusalem, sa tapat ng kanilang mga kapatid. At naging anak ni Ner si Cis; at naging anak ni Cis si Saul; at naging anak ni Saul si Jonathan, at si Malchi-sua, at si Abinadab, at si Esbaal. At ang anak ni Jonathan ay si Merib-baal; at naging anak ni Merib-baal si Micha. At ang mga anak ni Micha: si Phiton, at si Melech, at si Tharea, at si Ahaz. At naging anak ni Ahaz si Jara; at naging anak ni Jara si Alemeth, at si Azmaveth, at si Zimri; at naging anak ni Zimri si Mosa; At naging anak ni Mosa si Bina; at si Rephaia na kaniyang anak, si Elasa na kaniyang anak, si Asel na kaniyang anak: At si Asel ay nagkaroon ng anim na anak, na ang kanilang mga pangalan ay ang mga ito: si Azricam, si Bochru, at si Ismael, at si Seraia, at si Obadias, at si Hanan: ang mga ito ang mga naging anak ni Asel.

Mga Hebreo 7:3

Na walang ama, walang ina, walang tandaan ng lahi, at walang pasimula ng mga araw ni katapusan ng buhay man, datapuwa't naging katulad ng Anak ng Dios), ay nanatiling saserdote magpakailan man.

1 Paralipomeno 9:1

Sa gayo'y ang buong Israel ay nabilang ayon sa mga talaan ng lahi; at, narito, sila'y nangasusulat sa aklat ng mga hari sa Israel. At ang Juda'y dinalang bihag sa Babilonia dahil sa kanilang pagsalangsang.

Genesis 46:8-27

At ito ang mga pangalan ng mga anak ni Israel, na napasa Egipto, ni Jacob at ng kaniyang mga anak: si Ruben na anak na panganay ni Jacob. At ang mga anak ni Ruben; si Hanoch, at si Phallu, at si Hezron, at si Carmi. At ang mga anak ni Simeon; si Jemuel, at si Jamin, at si Ohad, at si Jachin, at si Zohar, at si Saul na anak ng isang babaing taga Canaan.magbasa pa.
At ang mga anak ni Levi; si Gerson, si Coat at si Merari. At ang mga anak ni Juda; si Er, at si Onan, at si Sela, at si Phares, at si Zara; nguni't si Er at si Onan ay namatay sa lupain ng Canaan. At ang mga anak ni Phares, si Hezron at si Hamul. At ang mga anak ni Issachar; si Thola, at si Phua, at si Job, at si Simron. At ang mga anak ni Zabulon; si Sered; at si Elon, at si Jahleel. Ito ang mga anak ni Lea, na kaniyang ipinanganak kay Jacob sa Padan-aram, sangpu ng kaniyang anak na babaing si Dina: ang lahat na taong kaniyang mga anak na lalake at babae ay tatlong pu't tatlo. At ang mga anak ni Gad; si Ziphion, at si Aggi, si Suni, at si Ezbon, si Heri, at si Arodi, at si Areli. At ang mga anak ni Aser; si Jimna; at si Ishua, at si Isui, at si Beria, at si Sera na kanilang kapatid na babae: at ang mga anak ni Beria; si Heber, at si Malchel. Ito ang mga anak ni Zilpa na siyang ibinigay ni Laban kay Lea na kaniyang anak na babae, at ang mga ito ay kaniyang ipinanganak kay Jacob, na labing anim na tao. Ang mga anak ni Raquel na asawa ni Jacob; si Jose at si Benjamin. At kay Jose ay ipinanganak sa lupain ng Egipto si Manases at si Ephraim, na ipinanganak sa kaniya ni Asenath, na anak ni Potiphera na saserdote sa On. At ang mga anak ni Benjamin; si Bela; at si Becher, at si Asbel, si Gera, at si Naaman, si Ehi, at si Ros, si Muppim, at si Huppim, at si Ard. Ito ang mga anak ni Raquel na ipinanganak kay Jacob: lahat ay labing apat. At ang mga anak ni Dan; si Husim. At ang mga anak ni Nephtali; si Jahzeel, at si Guni, at si Jezer, at si Shillem. Ito ang mga anak ni Bilha, na siyang ibinigay ni Laban kay Raquel na kaniyang anak, at ang mga ito ang ipinanganak niya kay Jacob; lahat na tao ay pito. Lahat na tao na sumama kay Jacob sa Egipto, na nagsilabas sa kaniyang mga balakang, bukod pa ang mga asawa ng mga anak ni Jacob, ang lahat na tao ay anim na pu't anim; At ang mga anak ni Jose na ipinanganak sa kaniya sa Egipto, ay dalawang katao; ang lahat na tao sa sangbahayan ni Jacob, na napasa Egipto, ay pitongpu.

1 Paralipomeno 9:3-22

At sa Jerusalem ay tumahan sa mga anak ni Juda, at sa mga anak ni Benjamin, at sa mga anak ni Ephraim at Manases; Si Urai, na anak ni Amiud, na anak ni Omri, na anak ni Imrai, na anak ni Bani, sa mga anak ni Phares na anak ni Juda. At sa mga Silonita: si Asaias na panganay, at ang kaniyang mga anak.magbasa pa.
At sa mga anak ni Zara: si Jehuel, at ang kanilang mga kapatid, na anim na raan at siyam na pu. At sa mga anak ni Benjamin: si Sallu, na anak ni Mesullam, na anak ni Odavia, na anak ni Asenua; At si Ibnias na anak ni Jeroham, at si Ela na anak ni Uzzi, na anak ni Michri, at si Mesullam na anak ni Sephatias, na anak ni Rehuel, na anak ni Ibnias; At ang kanilang mga kapatid, ayon sa kanilang mga lahi, na siyam na raan at limangpu't anim. Lahat ng mga lalaking ito ay mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang. At sa mga saserdote: si Jedaia, at si Joiarib, at si Joachim. At si Azarias na anak ni Hilcias, na anak ni Mesullam, na anak ni Sadoc, na anak ni Meraioth, na anak ni Achitob, na tagapamahala sa bahay ng Dios; At si Adaias na anak ni Jeroham, na anak ni Phasur, na anak ni Machias, at si Mahsai na anak ni Adiel, na anak ni Jazera, na anak ni Mesullam, na anak ni Mesillemith, na anak ni Immer; At ang kanilang mga kapatid, na mga pangulo sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, na isang libo at pitong daan at anim na pu; na mga lalaking totoong bihasa sa gawaing paglilingkod sa bahay ng Dios. At sa mga Levita: si Semeias na anak ni Hassub, na anak ni Azricam, na anak ni Hasabias sa mga anak ni Merari; At si Bacbacar, si Heres, at si Galal, at si Mattania na anak ni Michas, na anak ni Zichri, na anak ni Asaph; At si Obadias na anak ni Semeias, na anak ni Galal, na anak ni Iduthum, at si Berechias na anak ni Asa na anak ni Elcana, na tumahan sa mga nayon ng mga Nethophatita. At ang mga tagatanod-pinto: si Sallum, at si Accub, at si Talmon, at si Ahiman: at ang kanilang mga kapatid (si Sallum ang puno), Na hanggang ngayo'y namamalagi sa pintuang-daan ng hari na dakong silanganan: sila ang mga tagatanod-pinto sa kampamento ng mga anak ni Levi. At si Sallum na anak ni Core, na anak ni Abiasath, na anak ni Corah, at ang kaniyang mga kapatid, sa sangbahayan ng kaniyang magulang, ang mga Koraita ay nangamamahala sa gawaing paglilingkod, na mga tagapagingat ng mga pintuang-daan ng tabernakulo; at ang kanilang mga magulang ay nangapasa kampamento ng Panginoon, na mga tagapagingat ng pasukan. At si Phinees na anak ni Eleazar ay pinuno sa kanila nang panahong nakaraan, at ang Panginoon ay sumasa kaniya. Si Zacarias na anak ni Meselemia ay tagatanod-pinto ng tabernakulo ng kapisanan. Lahat ng mga ito na mga napili upang maging mga tagatanod-pinto sa mga pintuang-daan ay dalawang daan at labing dalawa. Ang mga ito'y nangabilang ayon sa talaan ng lahi sa kanilang mga nayon, na siyang pinagkatiwalaan sa kanilang katungkulan ni David at ni Samuel na tagakita.

2 Paralipomeno 31:16

Bukod doon sa nangabilang sa mga talaan ng lahi ng mga lalake, na mula sa tatlong taong gulang na patanda, sa makatuwid baga'y sa bawa't pumapasok sa bahay ng Panginoon, ayon sa kailangan sa bawa't araw, na ukol sa kanilang paglilingkod sa kanilang mga katungkulan ayon sa kanilang mga bahagi.

Ezra 2:1-67

Ang mga ito nga'y ang mga anak ng lalawigan, na nagsiahon mula sa pagkabihag sa mga nayon na nangadala, na dinala sa Babilonia ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia, at nangagbalik sa Jerusalem at sa Juda, na bawa't isa'y sa kaniyang bayan; Na nagsidating na kasama ni Zorobabel, si Jesua, si Nehemias, si Seraias, si Reelias, si Mardocheo, si Bilsan, si Mispar, si Bigvai, si Rehum, si Baana. Ang bilang ng mga lalake ng bayan ng Israel ay ito: Ang mga anak ni Paros, dalawang libo't isang daan at pitong pu't dalawa.magbasa pa.
Ang mga anak ni Sephatias, tatlong daan at pitong pu't dalawa. Ang mga anak ni Ara, pitong daan at pitong pu't lima. Ang mga anak ni Pahath-moab, sa mga anak ni Josue at ni Joab, dalawang libo't walong daan at labing dalawa. Ang mga anak ni Elam, isang libo't dalawang daan at limang pu't apat. Ang mga anak ni Zattu, siyam na raan at apat na pu't lima. Ang mga anak ni Zachai, pitong daan at anim na pu. Ang mga anak ni Bani, anim na raan at apat na pu't dalawa. Ang mga anak ni Bebai, anim na raan at dalawang pu't tatlo. Ang mga anak ni Azgad, isang libo at dalawang daan at dalawang pu't dalawa. Ang mga anak ni Adonicam, anim na raan at anim na pu't anim. Ang mga anak ni Bigvai, dalawang libo at limang pu't anim. Ang mga anak ni Adin, apat na raan at limang pu't apat. Ang mga anak ni Ater, ni Ezechias, siyam na pu't walo. Ang mga anak ni Besai, tatlong daan at dalawang pu't tatlo. Ang mga anak ni Jora, isang daan at labing dalawa. Ang mga anak ni Hasum ay dalawang daan at dalawang pu't tatlo. Ang mga anak ni Gibbar siyam na pu't lima. Ang mga anak ni Bethlehem, isang daan at dalawang pu't tatlo. Ang mga lalake ng Nethopha, limang pu't anim. Ang mga lalake ng Anathoth, isang daan at dalawang pu't walo. Ang mga anak ni Azmaveth, apat na pu't dalawa. Ang mga anak ni Chiriathjearim, ni Cephira, at ni Beeroth, pitong daan at apat na pu't tatlo. Ang mga anak ni Rama at ni Gaaba, anim na raan at dalawang pu't isa. Ang mga lalake ng Michmas, isang daan at dalawang pu't dalawa. Ang mga lalake ng Beth-el at ng Hai, dalawang daan at dalawang pu't tatlo. Ang mga anak ni Nebo, limang pu't dalawa. Ang mga anak ni Magbis, isang daan at limang pu't anim. Ang mga anak ng ibang Elam, isang libo't dalawang daan at limang pu't apat. Ang mga anak ni Harim, tatlong daan at dalawang pu. Ang mga anak ni Lod, ni Hadid, at ni Ono, pitong daan at dalawang pu't lima. Ang mga anak ni Jerico, tatlong daan at apat na pu't lima. Ang mga anak ni Senaa, tatlong libo't anim na raan at tatlong pu. Ang mga saserdote: ang mga anak ni Jedaia, sa sangbahayan ng Jesua, siyam na raan at pitong pu't tatlo. Ang mga anak ni Immer, isang libo at limang pu't dalawa. Ang mga anak ni Pashur, isang libo't dalawang daan at apat na pu't pito. Ang mga anak ni Harim, isang libo at labing pito. Ang mga Levita: ang mga anak ni Jesua at ni Cadmiel, sa mga anak ni Hodavias, pitong pu't apat. Ang mga mangaawit: ang mga anak ni Asaph, isang daan at dalawang pu't walo. Ang mga anak ng mga tagatanod-pinto: ang mga anak ni Sallum, ang mga anak ni Ater, ang mga anak ni Talmon, ang mga anak ni Accub, ang mga anak ni Hatita, ang mga anak ni Sobai, ang lahat ay isang daan at tatlong pu't siyam. Ang mga Nethineo: ang mga anak ni Siha, ang mga anak ni Hasupha, ang mga anak ni Thabaoth. Ang mga anak ni Cheros, ang mga anak ni Siaa, ang mga anak ni Phadon; Ang mga anak ni Lebana, ang mga anak ni Hagaba, ang mga anak ni Accub; Ang mga anak ni Hagab, ang mga anak ni Samlai, ang mga anak ni Hanan; Ang mga anak ni Gidiel, ang mga anak ni Gaher, ang mga anak ni Reaia; Ang mga anak ni Resin, ang mga anak ni Necoda, ang mga anak ni Gazam; Ang mga anak ni Uzza, ang mga anak ni Phasea, ang mga anak ni Besai; Ang mga anak ni Asena, ang mga anak ni Meunim, ang mga anak ni Nephusim; Ang mga anak ni Bacbuc, ang mga anak ni Hacusa, ang mga anak ni Harhur; Ang mga anak ni Bazluth, ang mga anak ni Mehida, ang mga anak ni Harsa; Ang mga anak ni Bercos, ang mga anak ni Sisera, ang mga anak ni Tema; Ang mga anak ni Nesia, ang mga anak ni Hatipha. Ang mga anak ng mga lingkod ni Salomon ay: ang mga anak ni Sotai, ang mga anak ni Sophereth, ang mga anak ni Peruda; Ang mga anak ni Jaala, ang mga anak ni Darcon, ang mga anak ni Giddel; Ang mga anak ni Sephatias, ang mga anak ni Hatil, ang mga anak ni Pochereth-hassebaim, ang mga anak ni Ami. Lahat ng mga Nethineo, at ng mga anak ng mga lingkod ni Salomon, tatlong daan at siyam na pu't dalawa. At ang mga ito ang nagsiahon mula sa Tel-mela, Tel-harsa, Cherub, Addan, at Immer: nguni't hindi nila naipakilala ang mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, at ang kanilang binhi kung sila'y taga Israel: Ang mga anak ni Delaia, ang mga anak ni Tobias, ang mga anak ni Nicoda, anim na raan at limang pu't dalawa. At sa mga anak ng mga saserdote: ang mga anak ni Abaia, ang mga anak ni Cos, ang mga anak ni Barzillai, na nagasawa sa mga anak ni Barzillai na Galaadita, at tinawag ayon sa kanilang pangalan. Ang mga ito ay nagsihanap ng talaan ng kanilang pangalan sa nangabilang ayon sa talaan ng lahi, nguni't hindi nangasumpungan: kaya't sila'y nangabilang na hawa, at nangaalis sa pagkasaserdote. At sinabi ng tagapamahala sa kanila, na sila'y huwag magsisikain ng mga pinakabanal na bagay, hanggang sa tumayo ang isang saserdote na may Urim at Thummim. Ang buong kapisanang magkakasama ay apat na pu't dalawang libo at tatlong daan at anim na pu, Bukod sa kanilang mga aliping lalake at babae, na may pitong libo't tatlong daan at tatlong pu't pito: at sila'y nangagkaroon ng dalawang daan na mangaawit na lalake at babae. Ang kanilang mga kabayo ay pitong daan at tatlong pu't anim; ang kanilang mga mula ay dalawang daan at apat na pu't lima; Ang kanilang mga kamelyo, apat na raan at tatlong pu't lima; ang kanilang mga asno, anim na libo't pitong daan at dalawang pu.

Nehemias 7:5-69

At inilagak ng aking Dios sa aking puso na pisanin ang mga mahal na tao, at ang mga pinuno, at ang bayan, upang mangabilang ayon sa talaan ng lahi. At aking nasumpungan ang aklat ng talaan ng lahi nila na nagsiahon noong una, at aking nasumpungang nakasulat doon: Ang mga ito sa nangadala, ang mga anak ng lalawigan, na nagsiahon mula sa pagkabihag na dinala ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia, at nagsibalik sa Jerusalem at sa Juda, na bawa't isa'y sa kaniyang bayan; Na siyang nagsisama kay Zorobabel, kay Jesua, kay Nehemias, kay Azarias, kay Raamias, kay Nahamani, kay Mardocheo, kay Bilsan, kay Misperet, kay Bigvai, kay Nehum, kay Baana. Ang bilang ng mga lalake ng Israel ay ito:magbasa pa.
Ang mga anak ni Paros, dalawang libo't isang daan at pitong pu't dalawa. Ang mga anak ni Sephatias, tatlong daan at pitong pu't dalawa. Ang mga anak ni Ara, anim na raan at limang pu't dalawa. Ang mga anak ni Pahath-moab, sa mga anak ni Jesua at ni Joab, dalawang libo't walong daan at labing walo. Ang mga anak ni Elam, isang libo't dalawang daan at limang pu't apat. Ang mga anak ni Zattu, walong daan at apat na pu't lima. Ang mga anak ni Zachai, pitong daan at anim na pu. Ang mga anak ni Binnui, anim na raan at apat na pu't walo. Ang mga anak ni Bebai, anim na raan at dalawang pu't walo. Ang mga anak ni Azgad, dalawang libo't tatlong daan at dalawang pu't dalawa. Ang mga anak ni Adonicam, anim na raan at anim na pu't pito. Ang mga anak ni Bigvai, dalawang libo't anim na pu't pito. Ang mga anak ni Addin, anim na raan at limang pu't lima. Ang mga anak ni Ater, ni Ezechias, siyam na pu't walo. Ang mga anak ni Hasum, tatlong daan at dalawang pu't walo. Ang mga anak ni Besai, tatlong daan at dalawang pu't apat. Ang mga anak ni Hariph, isang daan at labing dalawa. Ang mga anak ni Gabaon, siyam na pu't lima. Ang mga lalake ng Bethlehem, at ng Netopha, isang daan at walong pu't walo. Ang mga lalake ng Anathoth, isang daan at dalawang pu't walo. Ang mga lalake ng Beth-azmaveth, apat na pu't dalawa. Ang mga lalake ng Chiriathjearim, ng Chephra, at ng Beeroth, pitong daan at apat na pu't tatlo. Ang mga lalake ng Rama, at ng Gebaa, anim na raan at dalawang pu't isa. Ang mga lalake ng Michmas, isang daan at dalawang pu't dalawa. Ang mga lalake ng Beth-el at ng Ai isang daan at dalawang pu't tatlo. Ang mga lalake ng isang Nebo, limang pu't dalawa. Ang mga anak ng isang Elam, isang libo't dalawang daan at limang pu't apat. Ang mga anak ni Harim, tatlong daan at dalawang pu. Ang mga anak ni Jerico, tatlong daan at apat na pu't lima. Ang mga anak ni Lod, ni Hadid, at ni Ono, pitong daan at dalawang pu't isa. Ang mga anak ni Senaa, tatlong libo at siyam na raan at tatlong pu. Ang mga saserdote: ang mga anak ni Jedaias sa sangbahayan ni Jesua, siyam na raan at pitong pu't tatlo. Ang mga anak ni Immer, isang libo't limang pu't dalawa. Ang mga anak ni Pashur, isang libo't dalawang daan at apat na pu't pito. Ang mga anak ni Harim, isang libo't labing pito. Ang mga Levita: ang mga anak ni Jesua, ni Cadmiel, sa mga anak ni Odevia, pitong pu't apat. Ang mga mangaawit: ang mga anak ni Asaph isang daan at apat na pu't walo. Ang mga tagatanod-pinto: ang mga anak ni Sallum, ang mga anak ni Ater, ang mga anak ni Talmon, ang mga anak ni Accub, ang mga anak ni Hatita, ang mga anak ni Sobai, isang daan at tatlong pu't walo. Ang mga Nethineo: ang mga anak ni Siha, ang mga anak ni Hasupha, ang mga anak ni Thabaoth; Ang mga anak ni Ceros, ang mga anak ni Siaa, ang mga anak ni Phadon: Ang mga anak ni Lebana, ang mga anak ni Hagaba, ang mga anak ni Salmai; Ang mga anak ni Hanan, ang mga anak ni Giddel, ang mga anak ni Gahar; Ang mga anak ni Rehaia, ang mga anak ni Resin, ang mga anak ni Necoda; Ang mga anak ni Gazzam, ang mga anak ni Uzza, ang mga anak ni Phasea; Ang mga anak ni Besai, ang mga anak ni Meunim, ang mga anak ni Nephisesim; Ang mga anak ni Bacbuc, ang mga anak ni Hacupha, ang mga anak ni Harhur; Ang mga anak ni Baslit, ang mga anak ni Mehida, ang mga anak ni Harsa; Ang mga anak ni Barcos, ang mga anak ni Sisera, ang mga anak ni Tema; Ang mga anak ni Nesia, ang mga anak ni Hatipha. Ang mga anak ng mga lingkod ni Salomon; ang mga anak ni Sotai, ang mga anak ni Sophereth, ang mga anak ni Perida; Ang mga anak ni Jahala, ang mga anak ni Darcon, ang mga anak ni Giddel; Ang mga anak ni Sephatias, ang mga anak ni Hattil, ang mga anak ni Pochereth-hassebaim, ang mga anak ni Amon. Lahat ng Nethineo, at ang mga anak ng mga lingkod ni Salomon, ay tatlong daan at siyam na pu't dalawa. At ang mga ito ang nagsiahon mula sa Telmelah, Telharsa, Cherub, Addon, at Immer: nguni't hindi nila naipakilala ang mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, o ang kanilang binhi man kung mga taga Israel: Ang mga anak ni Delaia, ang mga anak ni Tobias, ang mga anak ni Necoda, anim na raan at apat na pu't dalawa. At sa mga saserdote: ang mga anak ni Hobaias, ang mga anak ni Cos, ang mga anak ni Barzillai, na nagasawa sa anak ni Barzillai, na Galaadita, at tinawag ayon sa kanilang pangalan. Ang mga ito ay nagsihanap ng kanilang talaan ng lahi sa mga yaon na nangabilang sa pamamagitan ng talaan ng lahi, nguni't hindi nasumpungan: kaya't sila'y nangabilang na hawa, at nangaalis sa pagkasaserdote. At ang tagapamahala ay nagsabi sa kanila na sila'y huwag magsikain ng mga kabanalbanalang bagay, hangang sa tumayo ang isang saserdote na may Urim at may Thummim. Ang buong kapisanang magkakasama ay apat na pu't dalawang libo at tatlong daan at anim na pu. Bukod sa kanilang mga bataang lalake at babae, na may pitong libo at tatlong daan at tatlong pu't pito: at sila'y may dalawang daan at apat na pu't lima na mangaawit na lalake at babae. Ang kanilang mga kabayo ay pitong daan at tatlong pu't anim; ang kanilang mga mula, dalawang daan at apat na pu't lima; Ang kanilang mga kamelyo, apat na raan at tatlong pu't lima; ang kanilang mga asno, anim na libo't pitong daan at dalawang pu.

1 Paralipomeno 9:34

Ang mga ito ay mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ng mga Levita, ayon sa kanilang lahi na mga lalaking pinuno: ang mga ito'y nagsitahan sa Jerusalem.

1 Paralipomeno 8:1-28

At naging anak ni Benjamin si Bela na kaniyang panganay, si Asbel ang ikalawa, at si Ara ang ikatlo; Si Noha ang ikaapat, at si Rapha ang ikalima. At ang mga naging anak ni Bela: si Addar, at si Gera, at si Abiud;magbasa pa.
At si Abisua, at si Naaman, at si Ahoa, At si Gera, at si Sephuphim, at si Huram. At ang mga ito ang mga anak ni Ehud; ang mga ito ang mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ng mga taga Gabaa, at dinala nila silang bihag sa Manahath. At si Naaman, at si Achias, at si Gera, ay kaniyang dinalang bihag; at kaniyang ipinanganak si Uzza at si Ahihud. At si Saharaim ay nagkaanak sa parang ng Moab, pagkatapos na kaniyang mapagpaalam sila; si Husim, at si Baara ay ang kaniyang mga asawa. At ipinanganak sa kaniya ni Chodes na kaniyang asawa, si Jobab, at si Sibias, at si Mesa, at si Malcham, At si Jeus, at si Sochias, at si Mirma. Ang mga ito ang kaniyang mga anak na mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang. At ipinanganak sa kaniya ni Husim si Abitob, at si Elphaal. At ang mga anak ni Elphaal: si Heber, at si Misam, at si Semeb, na siyang nagsipagtayo ng Ono at ng Loth, pati ng mga nayon niyaon: At si Berias, at si Sema na mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ng mga taga Ajalon na siyang nangagpatakas sa mga taga Gath; At si Ahio, si Sasac, at si Jeremoth; At si Zebadias, at si Arad, at si Heder; At si Michael, at si Ispha, at si Joa, na mga anak ni Berias; At si Zebadias, at si Mesullam, at si Hizchi, at si Heber. At si Ismari, at si Izlia, at si Jobab, na mga anak ni Elphaal; At si Jacim, at si Zichri, at si Zabdi; At si Elioenai, at si Silithai, at si Eliel; At si Adaias, at si Baraias, at si Simrath, na mga anak ni Simi; At si Isphan, at si Heber, at si Eliel; At si Adon, at si Zichri, at si Hanan; At si Hanania, at si Belam, at si Anthothias; At si Iphdaias, at si Peniel, na mga anak ni Sasac; At si Samseri, at si Seharias, at si Atalia; At si Jaarsias, at si Elias, at si Ziri, na mga anak ni Jeroham. Ang mga ito ang mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ayon sa kanilang lahi, na mga pinunong lalake: ang mga ito'y nagsitahan sa Jerusalem.

1 Paralipomeno 9:7-9

At sa mga anak ni Benjamin: si Sallu, na anak ni Mesullam, na anak ni Odavia, na anak ni Asenua; At si Ibnias na anak ni Jeroham, at si Ela na anak ni Uzzi, na anak ni Michri, at si Mesullam na anak ni Sephatias, na anak ni Rehuel, na anak ni Ibnias; At ang kanilang mga kapatid, ayon sa kanilang mga lahi, na siyam na raan at limangpu't anim. Lahat ng mga lalaking ito ay mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang.

1 Paralipomeno 26:31

Sa mga Hebronita ay si Jerias ang pinuno, sa makatuwid baga'y sa mga Hebronita, ayon sa kanilang mga lahi ayon sa mga sangbahayan ng mga magulang. Nang ikaapat na pung taon ng paghahari ni David, sila'y hinanapan, at may nasumpungan, sa kanilang mga makapangyarihang lalaking matapang sa Jazer ng Galaad.

1 Paralipomeno 7:2

At sa mga anak ni Thola: si Uzzi, at si Rephaias, at si Jeriel, at si Jamai, at si Jibsam, at si Samuel, mga pangulo sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, sa makatuwid baga'y ni Thola; mga makapangyarihang lalaking may tapang sa kanilang mga lahi: ang kanilang bilang sa mga kaarawan ni David ay dalawang pu't dalawang libo at anim na raan.

Mga Bilang 26:1-62

At nangyari, pagkatapos ng salot, na sinalita ng Panginoon kay Moises at kay Eleazar na anak ni Aaron na saserdote, na sinasabi, Bilangin mo ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, yaong lahat na makalalabas sa Israel sa pakikibaka. At si Moises at si Eleazar na saserdote ay nakipagsalitaan sa kanila sa mga kapatagan ng Moab sa siping ng Jordan sa Jerico, na sinasabi,magbasa pa.
Bilangin ninyo ang bayan, mula sa dalawang pung taong gulang na patanda; gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises at sa mga anak ni Israel, na lumabas sa lupain ng Egipto. Si Ruben ang panganay ni Israel: ang mga anak ni Ruben; kay Hanoc, ang angkan ng mga Hanocitas; kay Phallu, ang angkan ng mga Palluita: Kay Hesron, ang angkan ng mga Hesronita; kay Carmi, ang angkan ng mga Carmita. Ito ang mga angkan ng mga Rubenita: at yaong nangabilang sa kanila, ay apat na pu't tatlong libo at pitong daan at tatlong pu. At ang mga anak ni Phallu; ay si Eliab. At ang mga anak ni Eliab; ay si Nemuel, at si Dathan, at si Abiram. Ito yaong Dathan at Abiram, na tinawag sa kapisanan na siya ngang nagsilaban kay Moises at kay Aaron, sa pulutong ni Core, nang sila'y lumaban sa Panginoon; At ibinuka ng lupain ang kaniyang bibig, at nilamon sila pati ni Core, nang mamatay ang pulutong na yaon; noong panahong lamunin ng apoy ang dalawang daan at limang pung tao, at sila'y naging isang tanda. Gayon ma'y hindi namatay ang mga anak ni Core. Ang mga anak ni Simeon ayon sa kanilang mga angkan; kay Nemuel, ang angkan ng mga Nemuelita: kay Jamin, ang angkan ng mga Jaminita: kay Jachin, ang angkan ng mga Jachinita; Kay Zera, ang angkan ng mga Zeraita; kay Saul, ang angkan ng mga Saulita. Ito ang mga angkan ng mga Simeonita, dalawang pu't dalawang libo at dalawang daan. Ang mga anak ni Gad ayon sa kaniyang mga angkan; kay Zephon, ang angkan ng mga Zephonita; kay Aggi, ang angkan ng mga Aggita; kay Suni, ang angkan ng mga Sunita; Kay Ozni, ang angkan ng mga Oznita; kay Eri, ang angkan ng mga Erita; Kay Arod, ang angkan ng mga Arodita; kay Areli, ang angkan ng mga Arelita. Ito ang mga angkan ng mga anak ni Gad ayon sa nangabilang sa kanila apat na pung libo at limang daan. Ang mga anak ni Juda, ay si Er at si Onan; at si Er at si Onan ay nangamatay sa lupain ng Canaan. At ang mga anak ni Juda ayon sa kaniyang mga angkan: kay Sela, ang angkan ng mga Selaita; kay Phares, ang angkan ng mga Pharesita; kay Zera, ang angkan ng mga Zeraita. At ang mga naging anak ni Phares: kay Hesron, ang angkan ng mga Hesronita; kay Hamul, ang angkan ng mga Hamulita. Ito ang mga angkan ni Juda ayon sa nangabilang sa kanila, pitong pu't anim na libo at limang daan. Ang mga anak ni Issachar ayon sa kanilang mga angkan: kay Thola, ang angkan ng mga Tholaita; kay Pua, ang angkan ng mga Puanita; Kay Jasub, ang angkan ng mga Jasubita; kay Simron, ang angkan ng mga Simronita. Ito ang mga angkan ni Issachar ayon sa nangabilang sa kanila, anim na pu't apat na libo at tatlong daan. Ang mga anak ni Zabulon ayon sa kanilang mga angkan: kay Sered, ang angkan ng mga Seredita: kay Elon, ang angkan ng mga Elonita: kay Jalel, ang angkan ng mga Jalelita. Ito ang mga angkan ng mga Zebulonita ayon sa nangabilang sa kanila, anim na pung libo at limang daan. Ang mga anak ni Jose ayon sa kanilang mga angkan: si Manases at si Ephraim. Ang mga anak ni Manases: kay Machir, ang angkan ng mga Machirita: at naging anak ni Machir si Galaad: kay Galaad, ang angkan ng mga Galaadita. Ito ang mga anak ni Galaad: kay Jezer, ang angkan ng mga Jezerita: kay Helec, ang angkan ng mga Helecita; At kay Asriel, ang angkan ng mga Asrielita: at kay Sechem, ang angkan ng mga Sechemita: At kay Semida, ang angkan ng mga Semidaita: at kay Hepher, ang angkan ng mga Hepherita. At si Salphaad na anak ni Hepher ay hindi nagkaanak ng lalake, kundi mga babae: at ang mga pangalan ng mga anak na babae ni Salphaad ay Maala, at Noa, Hogla, Milca, at Tirsa. Ito ang mga angkan ni Manases; at yaong nangabilang sa kanila, ay limang pu at dalawang libo at pitong daan. Ito ang mga anak ni Ephraim ayon sa kanilang mga angkan: kay Suthala, ang angkan ng mga Suthalaita: kay Becher, ang angkan ng mga Becherita: kay Tahan, ang angkan ng mga Tahanita. At ito ang mga anak ni Suthala: kay Heran, ang angkan ng mga Heranita. Ito ang mga angkan ng mga anak ni Ephraim ayon sa nangabilang sa kanila, tatlong pu't dalawang libo at limang daan. Ito ang mga anak ni Jose, ayon sa kanilang mga angkan. Ang mga anak ni Benjamin ayon sa kanilang mga angkan: kay Bela, ang angkan ng mga Belaita; kay Asbel, ang angkan ng mga Asbelita: kay Achiram, ang angkan ng mga Achiramita; Kay Supham ang angkan ng mga Suphamita; kay Hupham, ang angkan ng mga Huphamita. At ang mga anak ni Bela ay si Ard at si Naaman: kay Ard, ang angkan ng mga Ardita: kay Naaman, ang angkan ng mga Naamanita. Ito ang mga anak ni Benjamin ayon sa kanilang mga angkan; at yaong nangabilang sa kanila ay apat na pu't limang libo at anim na raan. Ito ang mga anak ni Dan ayon sa kanilang mga angkan: kay Suham, ang angkan ng mga Suhamita. Ito ang mga angkan ni Dan ayon sa kanilang mga angkan. Lahat ng mga angkan ng mga Suhamita, ayon sa nangabilang sa kanila, ay anim na pu't apat na libo at apat na raan. Ang anak ni Aser ayon sa kanilang mga angkan: kay Imna, ang angkan ng mga Imnaita: kay Issui, ang angkan ng mga Issuita, kay Beria, ang angkan ng mga Beriaita. Sa mga anak ni Beria: kay Heber, ang angkan ng mga Heberita; kay Malchiel ang angkan ng mga Malchielita. At ang pangalan ng anak na babae ni Aser ay si Sera. Ito ang mga angkan ng mga anak ni Aser ayon sa nangabilang sa kanila, limang pu't tatlong libo at apat na raan. Ang mga anak ni Nephtali ayon sa kanilang mga angkan: kay Jahzeel ang angkan ng mga Jahzeelita: kay Guni, ang angkan ng mga Gunita. Kay Jeser, ang angkan ng mga Jeserita: kay Sillem, ang angkan ng mga Sillemita. Ito ang mga angkan ni Nephtali ayon sa kanilang mga angkan: at yaong nangabilang sa kanila, ay apat na pu't limang libo at apat na raan. Ito yaong nangabilang sa angkan ni Israel, anim na raan at isang libo at pitong daan at tatlong pu. At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, Sa mga ito babahagihin ang lupain na pinakamana ayon sa bilang ng mga pangalan. Sa marami ay magbibigay kayo ng maraming mana, at sa kaunti ay magbibigay kayo ng kaunting mana: ang bawa't isa ayon sa mga bilang sa kaniya ay bibigyan ng kaniyang mana. Gayon ma'y babahagihin ang lupain sa pamamagitan ng sapalaran: ayon sa mga pangalan ng mga lipi ng kanilang mga magulang ay kanilang mamanahin. Ayon sa sapalaran babahagihin ang kanilang mana, alinsunod sa dami o kaunti. Ito yaong nangabilang sa mga Levita ayon sa kanilang mga angkan: kay Gerson, ang angkan ng mga Gersonita: kay Coath, ang angkan ng mga Coathita: kay Merari, ang angkan ng mga Merarita. Ito ang mga angkan ni Levi: ang angkan ng mga Libnita, ang angkan ng mga Hebronita, ang angkan ng mga Mahalita, ang angkan ng mga Musita, ang angkan ng mga Corita. At naging anak ni Coath si Amram. At ang pangalan ng asawa ni Amram ay Jochabed, na anak na babae ni Levi, na ipinanganak kay Levi sa Egipto: at ipinanganak niya kay Amram si Aaron at si Moises, at si Miriam na kapatid nila. At naging anak ni Aaron si Nadad at si Abiu, si Eleazar at si Ithamar. At si Nadab at si Abiu ay namatay nang sila'y maghandog ng ibang apoy sa harap ng Panginoon. At yaong nangabilang sa kanila ay dalawang pu't tatlong libo, lahat ng lalake mula sa isang buwang gulang na patanda: sapagka't sila'y hindi nangabilang sa mga anak ni Israel, sapagka't sila'y hindi binigyan ng mana sa gitna ng mga anak ni Israel.

1 Paralipomeno 7:4-11

At sa kasamahan nila, ayon sa kanilang mga lahi, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, may mga pulutong ng hukbo sa pakikipagdigma, tatlong pu't anim na libo: sapagka't sila'y nagkaroon ng maraming asawa at mga anak. At ang kanilang mga kapatid sa lahat na angkan ni Issachar, na mga makapangyarihang lalaking may tapang, na nangabilang silang lahat, ayon sa talaan ng lahi, ay walong pu't pitong libo. Ang mga anak ni Benjamin: si Bela, at si Becher, at si Jediael, tatlo.magbasa pa.
At ang mga anak ni Bela: si Esbon, at si Uzzi, at si Uzziel, at si Jerimoth, at si Iri, lima; mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang, mga makapangyarihang lalaking may tapang; at sila'y nangabilang ayon sa talaan ng lahi, ay dalawang pu't dalawang libo at tatlong pu't apat. At ang mga anak ni Becher: si Zemira, at si Joas, at si Eliezer, at si Elioenai, at si Omri, at si Jerimoth, at si Abias, at si Anathoth, at si Alemeth. Lahat ng ito'y mga anak ni Becher. At sila'y nangabilang ayon sa talaan ng lahi, ayon sa kanilang lahi, na mga pangulo sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, na mga makapangyarihang lalaking may tapang, dalawang pung libo at dalawang daan. At ang mga anak ni Jediael: si Bilhan: at ang mga anak ni Bilhan: si Jebus, at si Benjamin, at si Aod, at si Chenaana, at si Zethan, at si Tharsis, at si Ahisahar. Lahat ng ito'y mga anak ni Jediael, ayon sa mga pangulo ng mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, na mga makapangyarihang lalaking may tapang labing pitong libo at dalawang daan na nakalalabas sa hukbo upang makidigma.

2 Paralipomeno 12:15

Ang mga gawa nga ni Roboam, na una at huli, di ba nangasusulat sa kasaysayan ni Semeias na propeta at ni Iddo na tagakita, ayon sa ayos ng mga talaan ng lahi? At nagkaroong palagi ng mga digmaan si Roboam at si Jeroboam.

1 Timoteo 1:3-4

Kung paanong ipinamanhik ko sa iyo na ikaw ay matira sa Efeso, nang pumaparoon ako sa Macedonia, upang maipagbilin mo sa ilang tao na huwag magsipagturo ng ibang aral, Ni huwag makinig sa mga katha at sa mga kasaysayan ng mga lahi na walang katapusan, na pinanggagalingan ng pagtatalo, at hindi ng pagkakatiwalang mula sa Dios na nasa pananampalataya; ay gayon din ang ipinamamanhik ko ngayon.

Never miss a post

n/a