24 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Tatlo at Apatnaraan

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Mga Hukom 7:6-8

At ang bilang ng mga humimod, na inilalagay ang kanilang kamay sa kanilang bibig, ay tatlong daang lalake: nguni't ang buong labis ng bayan ay yumukong lumuhod upang uminom ng tubig. At sinabi ng Panginoon kay Gedeon, Sa pamamagitan ng tatlong daang lalake na humimod ay ililigtas ko kayo, at ibibigay ko ang mga Madianita sa iyong kamay: at pabayaan mong ang buong bayan ay yumaon bawa't isa sa kanikaniyang dako. Sa gayo'y nagbaon ang bayan sa kanilang kamay ng mga pagkain at ng kanilang mga pakakak: at kaniyang sinugo ang lahat ng mga lalake sa Israel na bawa't isa ay umuwi sa kanikaniyang tolda, nguni't pinigil ang tatlong daang lalake: at ang kampamento ng Madian ay nasa ibaba niya sa libis.

Mga Hukom 7:16

At binahagi niya ang tatlong daang lalake ng tatlong pulutong, at kaniyang nilagyan ang mga kamay nilang lahat ng mga pakakak, at mga bangang walang laman at mga sulo sa loob ng mga banga.

Mga Hukom 8:4

At si Gedeon ay dumating sa Jordan, at siya'y tumawid, siya, at ang tatlong daang lalake na mga kasama niya, mga pagod na, ay humahabol pa.

2 Samuel 23:18

At si Abisai, na kapatid ni Joab, na anak ni Sarvia, ay pinuno ng tatlo. At kaniyang itinaas ang kaniyang sibat laban sa tatlong daan at pinatay niya sila, at nagkapangalan sa tatlo.

1 Paralipomeno 11:20

At si Abisai na kapatid ni Joab, siyang pinuno ng tatlo: sapagka't kaniyang itinaas ang kaniyang sibat laban sa tatlong daan, at pinatay niya sila, at nagkaroon ng pangalan sa tatlo.

Ester 9:15

At ang mga Judio na nangasa Susan ay nagpipisan nang ikalabing apat na araw din ng buwan ng Adar, at nagsipatay ng tatlong daang lalake sa Susan: nguni't sa pagsamsam ay hindi sila nangagbuhat na kanilang kamay.

Ezra 8:5

Sa mga anak ni Sechanias, ang anak ni Jahaziel; at kasama niya'y tatlong daang lalake.

1 Mga Hari 10:17

At siya'y gumawa ng tatlong daang ibang kalasag na pinukpok na ginto: tatlong librang ginto ang ginamit sa bawa't kalasag: at ipinaglalagay ng hari sa bahay na kahoy sa gubat ng Libano.

Mga Hukom 15:4

At yumaon si Samson at humuli ng tatlong daang zorra at kumuha ng mga sigsig at pinag-kabitkabit ang mga buntot, at nilagyan ng isang sigsig sa gitna ng pagitan ng bawa't dalawang buntot.

Mga Hukom 7:22

At hinipan nila ang tatlong daang pakakak at inilagay ng Panginoon ang tabak ng bawa't isa laban sa kaniyang kasama, at laban sa buong hukbo: at tumakas ang hukbo hanggang sa Beth-sitta sa dakong Cerera, hanggang sa hangganan ni Abelmehola, sa siping ng Tabbat.

Genesis 14:14

At pagkarinig ni Abram, na nabihag ang kaniyang kapatid ay ipinagsama ang kaniyang mga subok na lalake, na mga ipinanganak sa kaniyang bahay, na tatlong daan at labing walo, at kanilang hinabol sila hanggang sa Dan.

Ezra 2:32

Ang mga anak ni Harim, tatlong daan at dalawang pu.

Nehemias 7:35

Ang mga anak ni Harim, tatlong daan at dalawang pu.

Ezra 2:17

Ang mga anak ni Besai, tatlong daan at dalawang pu't tatlo.

Nehemias 7:23

Ang mga anak ni Besai, tatlong daan at dalawang pu't apat.

Nehemias 7:22

Ang mga anak ni Hasum, tatlong daan at dalawang pu't walo.

Ezra 2:34

Ang mga anak ni Jerico, tatlong daan at apat na pu't lima.

Nehemias 7:36

Ang mga anak ni Jerico, tatlong daan at apat na pu't lima.

2 Samuel 2:31

Nguni't sinaktan ng mga lingkod ni David ang Benjamin, at ang mga lalake ni Abner, na anopa't nangamatay ay tatlong daan at anim na pung lalake.

Ezra 2:4

Ang mga anak ni Sephatias, tatlong daan at pitong pu't dalawa.

Nehemias 7:9

Ang mga anak ni Sephatias, tatlong daan at pitong pu't dalawa.

Ezra 2:58

Lahat ng mga Nethineo, at ng mga anak ng mga lingkod ni Salomon, tatlong daan at siyam na pu't dalawa.

Nehemias 7:60

Lahat ng Nethineo, at ang mga anak ng mga lingkod ni Salomon, ay tatlong daan at siyam na pu't dalawa.

Never miss a post

n/a