12 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Tinatanggap ang Mana

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Kawikaan 20:21

Ang mana ay matatamong madali sa pasimula; nguni't ang wakas niyao'y hindi pagpapalain.

Mangangaral 7:11

Karunungan ay mabuting gaya ng mana: oo, lalong marilag sa ganang kanila na nakakakita ng araw.

Lucas 15:12-13

At sinabi sa kaniyang ama ng bunso, Ama, ibigay mo sa akin ang bahagi ng iyong kayamanang nauukol sa akin. At binahagi niya sa kanila ang kaniyang pagkabuhay. At hindi nakaraan ang maraming araw, ay tinipong lahat ng anak na bunso ang ganang kaniya, at naglakbay sa isang malayong lupain; at doo'y inaksaya ang kaniyang kabuhayan sa palunging pamumuhay.

Mga Gawa 26:18

Upang idilat mo ang kanilang mga mata, upang sila'y mangagbalik sa ilaw mula sa kadiliman at mula sa kapangyarihan ni Satanas hanggang sa Dios, upang sila'y magsitanggap ng kapatawaran ng mga kasalanan at ng mga mana sa kasamahan ng mga pinapaging banal sa pamamagitan ng pananampalataya sa akin.

Never miss a post

n/a