16 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Tunay na Pagsalakay sa Jerusalem

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

1 Mga Hari 14:25

At nangyari, nang ikalimang taon ng haring Roboam, na si Sisac na hari sa Egipto ay umahon laban sa Jerusalem:

2 Mga Hari 15:37

Nang mga araw na yao'y pinasimulan ng Panginoon na suguin laban sa Juda si Resin na hari sa Siria, at si Peka na anak ni Remalias.

2 Mga Hari 16:5

Nang magkagayo'y si Resin na hari sa Siria at si Peka na anak ni Remalias na hari sa Israel ay umahon sa Jerusalem upang makipagdigma: at kanilang kinulong si Achaz, nguni't hindi nila nadaig.

2 Mga Hari 18:17

At sinugo ng hari sa Asiria si Thartan at si Rab-saris, at si Rabsaces, sa haring kay Ezechias na mula sa Lachis na may malaking hukbo sa Jerusalem. At sila'y nagsiahon at nagsiparoon sa Jerusalem. At nang sila'y mangakaahon, sila'y nagsiparoon at nagsitayo sa tabi ng padaluyan ng tubig ng mataas na tipunan ng tubig na nasa lansangan sa parang ng tagapagpaputi ng kayo.

Jeremias 34:22

Narito, ako'y maguutos, sabi ng Panginoon, at akin silang pababalikin sa bayang ito; at sila'y magsisilaban dito, at sasakupin, at kanilang susunugin ng apoy: at aking sisirain ang mga bayan ng Juda, na mawawalan ng mananahan.

2 Mga Hari 24:10-11

Nang panahong yao'y ang mga lingkod ni Nabucodonosor, na hari sa Babilonia ay nagsiahon sa Jerusalem, at ang bayan ay nakubkob. At si Nabucodonosor, na hari sa Babilonia ay naparoon sa bayan, samantalang ang kaniyang mga lingkod ay nangakukulong.

2 Mga Hari 25:1-2

At nangyari nang ikasiyam na taon ng kaniyang paghahari sa ikasangpung buwan, nang ikasangpung araw ng buwan, na si Nabucodonosor na hari sa Babilonia ay naparoon, siya at ang buo niyang hukbo, laban sa Jerusalem, at humantong laban doon; at nagsipagtayo sila ng mga kuta sa palibot laban doon. Sa gayo'y nakubkob ang bayan hanggang sa ikalabing isang taon ng haring Sedecias.

Jeremias 32:2

Nang panahon ngang yao'y ang hukbo ng hari sa Babilonia ay kumubkob sa Jerusalem, at si Jeremias na propeta ay nakulong sa looban ng bantayan, na nasa bahay ng hari sa Juda.

Jeremias 39:1

At nangyari nang masakop ang Jerusalem, (nang ikasiyam na taon ni Sedechias na hari sa Juda, sa ikasangpung buwan, dumating si Nabucodonosor na hari sa Babilonia, at ang kaniyang buong hukbo laban sa Jerusalem, at kinubkob;

Jeremias 52:4-5

At nangyari, nang ikasiyam na taon ng kaniyang paghahari, nang ikasangpung buwan, nang ikasangpung araw ng buwan, na si Nabucodonosor na hari sa Babilonia ay dumating, siya at ang kaniyang buong hukbo, laban sa Jerusalem, at humantong laban doon; at sila'y nangagtayo ng mga katibayan laban doon sa palibot. Sa gayo'y nakubkob ang bayan hanggang sa ikalabing isang taon ng haring Sedechias.

Ezekiel 24:2

Anak ng tao, isulat mo ang pangalan ng kaarawan, ang kaarawan ding ito: ang hari sa Babilonia ay nagpakalapit sa Jerusalem sa kaarawan ding ito.

Daniel 1:1

Nang ikatlong taon ng paghahari ni Joacim na hari sa Juda, ay dumating sa Jerusalem si Nabucodonosor na hari sa Babilonia, at kinubkob niya yaon.

Jeremias 34:1

Ang salita na dumating kay Jeremias na mula sa Panginoon, nang si Nabucodonosor na hari sa Babilonia, at ang buo niyang hukbo, at ang lahat na kaharian sa lupa na nangasa ilalim ng kaniyang kapangyarihan, at ang lahat na bayan, ay nakipagbaka laban sa Jerusalem, at laban sa lahat ng mga bayan niyaon, na nagsasabi,

Jeremias 34:7

Nang lumaban ang hukbo ng hari sa Babilonia laban sa Jerusalem, at laban sa lahat na bayan ng Juda na nalabi, laban sa Lechis at laban sa Azeca; sapagka't ang mga ito lamang ang nalalabi na mga bayan ng Juda na mga bayang nakukutaan.

Jeremias 33:4

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, tungkol sa mga bahay ng bayang ito, at tungkol sa mga bahay ng mga hari sa Juda na nangabagsak upang gawing sanggalangan laban sa mga bunton at laban sa tabak;

Jeremias 32:24

Narito, ang mga bunton, nagsisidating sa bayan upang sakupin; at ang bayan ay nabigay sa kamay ng mga taga Caldea na nagsisilaban doon, dahil sa tabak, at sa kagutom, at sa salot: at kung ano ang iyong sinalita ay nangyayari; at, narito, iyong nakikita.

Never miss a post

n/a