11 Mga Taludtod ng Bibliya Tungkol Sa Walang Lamang mga Lugar

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

Awit 69:25

Magiba ang tahanan nila; walang tumahan sa kanilang mga tolda.

Mga Gawa 1:20

Sapagka't nasusulat sa aklat ng Mga Awit, Bayaang mawalan nawa ng tao ang kaniyang tahanan, At huwag bayaang manahan doon ang sinoman; at, Bayaang kunin ng iba ang kaniyang katungkulan.

Isaias 5:9

Sa aking mga pakinig ay sinasabi ng Panginoon ng mga hukbo, Sa katotohana'y maraming bahay ang magigiba, malalaki at magaganda, na walang mananahan.

Mga Hukom 4:20

At sinabi ni Sisara sa kaniya, Tumayo ka sa pintuan ng tolda, at mangyayari, na pagka ang sinoman ay darating at magtatanong sa iyo, at magsasabi, May tao ba riyan? na iyong sasabihin, Wala.

Exodo 34:3

At sinomang tao ay huwag sasampang kasama mo, o makikita ang sinomang tao sa buong bundok; kahit ang mga kawan at ang mga bakahan ay huwag manginain sa harap ng bundok na yaon.

Levitico 16:17

At huwag magkakaroon ng sinomang tao sa tabernakulo pagka siya'y papasok upang itubos sa loob ng dakong banal, hanggang sa lumabas siya, at matubos ang sarili, at ang kaniyang kasangbahay, at ang buong kapisanan ng Israel.

2 Mga Hari 7:5

At sila'y nagsitindig pagtatakip silim, upang magsiparoon sa kampamento ng mga taga Siria: at nang sila'y magsidating sa pinakamalapit na bahagi ng kampamento ng mga taga Siria, narito, walang tao roon.

2 Mga Hari 7:10

Sa gayo'y nagsiparoon sila, at nagsitawag sa tagatanod-pinto ng bayan: at kanilang isinaysay sa kanila, na sinasabi, Kami ay nagsiparoon sa kampamento ng mga taga Siria, at, narito, walang lalake roon ni tinig man ng lalake, kundi mga nakataling kabayo, at mga asnong nangakatali, at ang mga tolda na gaya ng dati.

Mga Gawa 5:23

Na sinasabi, Aming naratnang totoong mabuti ang pagkalapat ng bilangguan, at nangakatayo sa mga pintuan ang mga bantay: datapuwa't ng aming mabuksan, wala kaming nasumpungang sinoman sa loob.

Mateo 23:38

Narito, ang inyong bahay ay iniiwan sa inyong wasak.

Genesis 2:5

At wala pa sa lupang kahoy sa parang, at wala pang anomang pananim na tumutubo sa parang: (sapagka't hindi pa pinauulanan ng Panginoong Dios ang lupa) at wala pang taong magbukid ng lupa,

Never miss a post

n/a