8 Talata sa Bibliya tungkol sa Yaong mga Bumalik mula sa Pagkakatapon

Mga Pinaka-nauugnay na mga Taludtod

2 Paralipomeno 33:13

At siya'y dumalangin sa kaniya; at siya'y dininig, at pinakinggan ang kaniyang pamanhik, at ibinalik siya sa Jerusalem sa kaniyang kaharian. Nang magkagayo'y nakilala ni Manases na ang Panginoon ay siyang Dios.

Ezra 1:11

Lahat na sisidlang ginto at pilak ay limang libo at apat na raan. Ang lahat ng mga ito ay ipinaahon ni Sesbassar, nang silang sa pagkabihag ay ipagahong mula sa Babilonia hanggang sa Jerusalem.

Ezra 2:1

Ang mga ito nga'y ang mga anak ng lalawigan, na nagsiahon mula sa pagkabihag sa mga nayon na nangadala, na dinala sa Babilonia ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia, at nangagbalik sa Jerusalem at sa Juda, na bawa't isa'y sa kaniyang bayan;

Ezra 6:21

At ang mga anak ni Israel, na nangagbalik uli na mula sa pagkabihag, at yaong lahat na sa kanila'y nagsihiwalay sa karumihan ng mga bansa ng lupain, upang hanapin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, ay nagsikain.

Ezra 7:1-9

Pagkatapos nga ng mga bagay na ito, sa paghahari ni Artajerjes na hari sa Persia, si Ezra na anak ni Seraias, na anak ni Azarias, na anak ni Hilcias, Na anak ni Sallum, na anak ni Sadoc, na anak ni Achitob, Na anak ni Amarias, na anak ni Azarias, na anak ni Meraioth,magbasa pa.
Na anak ni Zeraias, na anak ni Uzzi, na anak ni Bucci, Na anak ni Abisue, na anak ni Phinees, na anak ni Eleazar, na anak ni Aaron, na pangulong saserdote: Ang Ezra na ito ay yumaon mula sa Babilonia. At siya'y kalihim na bihasa sa kautusan ni Moises, na ibinigay ng Panginoon, ng Dios ng Israel: at tinulutan siya ng hari sa lahat niyang kahilingan, ayon sa kamay ng Panginoon niyang Dios na sumasa kaniya. At nakiahon sa Jerusalem ang ilan sa mga anak ni Israel, at sa mga saserdote, at sa mga Levita, at sa mga mangaawit, at sa mga tagatanod-pinto, at sa mga Nethineo, sa ikapitong taon ni Artajerjes na hari. At siya'y naparoon sa Jerusalem sa ikalimang buwan, na sa ikapitong taon ng hari. Sapagka't sa unang araw ng unang buwan ay nagpasimula siyang umahon mula sa Babilonia, at sa unang araw ng ikalimang buwan ay dumating siya sa Jerusalem, ayon sa mabuting kamay ng kaniyang Dios na sumasa kaniya.

Nehemias 7:5-60

At inilagak ng aking Dios sa aking puso na pisanin ang mga mahal na tao, at ang mga pinuno, at ang bayan, upang mangabilang ayon sa talaan ng lahi. At aking nasumpungan ang aklat ng talaan ng lahi nila na nagsiahon noong una, at aking nasumpungang nakasulat doon: Ang mga ito sa nangadala, ang mga anak ng lalawigan, na nagsiahon mula sa pagkabihag na dinala ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia, at nagsibalik sa Jerusalem at sa Juda, na bawa't isa'y sa kaniyang bayan; Na siyang nagsisama kay Zorobabel, kay Jesua, kay Nehemias, kay Azarias, kay Raamias, kay Nahamani, kay Mardocheo, kay Bilsan, kay Misperet, kay Bigvai, kay Nehum, kay Baana. Ang bilang ng mga lalake ng Israel ay ito:magbasa pa.
Ang mga anak ni Paros, dalawang libo't isang daan at pitong pu't dalawa. Ang mga anak ni Sephatias, tatlong daan at pitong pu't dalawa. Ang mga anak ni Ara, anim na raan at limang pu't dalawa. Ang mga anak ni Pahath-moab, sa mga anak ni Jesua at ni Joab, dalawang libo't walong daan at labing walo. Ang mga anak ni Elam, isang libo't dalawang daan at limang pu't apat. Ang mga anak ni Zattu, walong daan at apat na pu't lima. Ang mga anak ni Zachai, pitong daan at anim na pu. Ang mga anak ni Binnui, anim na raan at apat na pu't walo. Ang mga anak ni Bebai, anim na raan at dalawang pu't walo. Ang mga anak ni Azgad, dalawang libo't tatlong daan at dalawang pu't dalawa. Ang mga anak ni Adonicam, anim na raan at anim na pu't pito. Ang mga anak ni Bigvai, dalawang libo't anim na pu't pito. Ang mga anak ni Addin, anim na raan at limang pu't lima. Ang mga anak ni Ater, ni Ezechias, siyam na pu't walo. Ang mga anak ni Hasum, tatlong daan at dalawang pu't walo. Ang mga anak ni Besai, tatlong daan at dalawang pu't apat. Ang mga anak ni Hariph, isang daan at labing dalawa. Ang mga anak ni Gabaon, siyam na pu't lima. Ang mga lalake ng Bethlehem, at ng Netopha, isang daan at walong pu't walo. Ang mga lalake ng Anathoth, isang daan at dalawang pu't walo. Ang mga lalake ng Beth-azmaveth, apat na pu't dalawa. Ang mga lalake ng Chiriathjearim, ng Chephra, at ng Beeroth, pitong daan at apat na pu't tatlo. Ang mga lalake ng Rama, at ng Gebaa, anim na raan at dalawang pu't isa. Ang mga lalake ng Michmas, isang daan at dalawang pu't dalawa. Ang mga lalake ng Beth-el at ng Ai isang daan at dalawang pu't tatlo. Ang mga lalake ng isang Nebo, limang pu't dalawa. Ang mga anak ng isang Elam, isang libo't dalawang daan at limang pu't apat. Ang mga anak ni Harim, tatlong daan at dalawang pu. Ang mga anak ni Jerico, tatlong daan at apat na pu't lima. Ang mga anak ni Lod, ni Hadid, at ni Ono, pitong daan at dalawang pu't isa. Ang mga anak ni Senaa, tatlong libo at siyam na raan at tatlong pu. Ang mga saserdote: ang mga anak ni Jedaias sa sangbahayan ni Jesua, siyam na raan at pitong pu't tatlo. Ang mga anak ni Immer, isang libo't limang pu't dalawa. Ang mga anak ni Pashur, isang libo't dalawang daan at apat na pu't pito. Ang mga anak ni Harim, isang libo't labing pito. Ang mga Levita: ang mga anak ni Jesua, ni Cadmiel, sa mga anak ni Odevia, pitong pu't apat. Ang mga mangaawit: ang mga anak ni Asaph isang daan at apat na pu't walo. Ang mga tagatanod-pinto: ang mga anak ni Sallum, ang mga anak ni Ater, ang mga anak ni Talmon, ang mga anak ni Accub, ang mga anak ni Hatita, ang mga anak ni Sobai, isang daan at tatlong pu't walo. Ang mga Nethineo: ang mga anak ni Siha, ang mga anak ni Hasupha, ang mga anak ni Thabaoth; Ang mga anak ni Ceros, ang mga anak ni Siaa, ang mga anak ni Phadon: Ang mga anak ni Lebana, ang mga anak ni Hagaba, ang mga anak ni Salmai; Ang mga anak ni Hanan, ang mga anak ni Giddel, ang mga anak ni Gahar; Ang mga anak ni Rehaia, ang mga anak ni Resin, ang mga anak ni Necoda; Ang mga anak ni Gazzam, ang mga anak ni Uzza, ang mga anak ni Phasea; Ang mga anak ni Besai, ang mga anak ni Meunim, ang mga anak ni Nephisesim; Ang mga anak ni Bacbuc, ang mga anak ni Hacupha, ang mga anak ni Harhur; Ang mga anak ni Baslit, ang mga anak ni Mehida, ang mga anak ni Harsa; Ang mga anak ni Barcos, ang mga anak ni Sisera, ang mga anak ni Tema; Ang mga anak ni Nesia, ang mga anak ni Hatipha. Ang mga anak ng mga lingkod ni Salomon; ang mga anak ni Sotai, ang mga anak ni Sophereth, ang mga anak ni Perida; Ang mga anak ni Jahala, ang mga anak ni Darcon, ang mga anak ni Giddel; Ang mga anak ni Sephatias, ang mga anak ni Hattil, ang mga anak ni Pochereth-hassebaim, ang mga anak ni Amon. Lahat ng Nethineo, at ang mga anak ng mga lingkod ni Salomon, ay tatlong daan at siyam na pu't dalawa.

Jeremias 43:5

Kundi kinuha ni Johanan na anak ni Carea, at ng lahat na kapitan sa mga kawal ang buong nalabi sa Juda na nagbalik na mula sa lahat ng mga bansa na pinagtabuyan nila na mangibang bayan sa lupain ng Juda;

Zacarias 6:10

Kumuha ka sa nangabihag, kay Heldai, kay Tobias, at kay Jedaia; at yumaon ka sa araw ding yaon, at pumasok ka sa bahay ni Josias na anak ni Sefanias, na nagsibalik mula sa Babilonia;

Knowing Jesus Everyday

Never miss a post

n/a