1 Mga Hari 10:28
At ang mga kabayo na tinatangkilik ni Salomon ay inilabas sa Egipto: at ang mga mangangalakal ng hari ay nagsitanggap ng kawan ng mga yaon, bawa't kawan ay sa halaga.
Deuteronomio 17:16
Huwag lamang siyang magpaparami ng mga kabayo, ni pababalikin niya ang bayan sa Egipto, upang siya'y makapagparami ng mga kabayo: sapagka't sinabi sa inyo ng Panginoon, Huwag na ninyong babalikan mula ngayon ang daang yaon.
2 Paralipomeno 9:28
At sila'y nagsipagdala ng mga kabayo kay Salomon mula sa Egipto, at mula sa lahat ng mga lupain.
Genesis 41:42
At inalis ni Faraon sa kamay niya ang kaniyang tandang singsing at inilagay sa kamay ni Jose, at siya'y sinuutan ng magandang lino at nilagyan siya ng isang kuwintas na ginto sa palibot ng kaniyang leeg;
2 Paralipomeno 1:16-17
At ang mga kabayo na tinatangkilik ni Salomon ay inilabas sa Egipto; ang mga mangangalakal ng hari ay nagsitanggap sa kanila ng mga kawan, na bawa't kawan ay sa halaga.
Kawikaan 7:16
Aking inilatag ang aking higaan na may mga coltsong may burda, na yari sa guhitguhit na kayong lana sa Egipto.
Isaias 19:9
Bukod dito'y silang nagsisigawa sa mga lino, at silang nagsisihabi ng puting damit ay mangapapahiya.
Isaias 31:1-3
Sa aba nila na nagsisilusong sa Egipto na humihinging tulong, at nagsisiasa sa mga kabayo; at nagsisitiwala sa mga karo, sapagka't marami, at sa mga mangangabayo, sapagka't mga totoong napakalakas; nguni't hindi sila nagsisitiwala sa Banal ng Israel, o hinahanap man ang Panginoon!
Isaias 36:9
Paano ngang iyong mapapipihit ang mukha ng isang kapitan sa pinakamababa sa mga alipin ng aking panginoon, at ilalagak mo ang iyong tiwala sa Egipto dahil sa mga karo at dahil sa mga mangangabayo?
Ezekiel 27:7
Manipis na kayong lino na yaring may burda na mula sa Egipto ang iyong layag, upang maging sa iyo'y isang watawat; kulay asul at morado na mula sa mga pulo ng Elisah ang iyong kulandong.
Kayamanan ng Kaalaman sa Kasulatan ay hindi nagdagdag