1 Mga Hari 2:10
At si David ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang, at nalibing sa bayan ni David.
2 Samuel 5:7
Gayon ma'y sinakop ni David ang katibayan sa Sion; na siyang bayan ni David.
1 Mga Hari 3:1
At si Salomon ay nakipagkamaganak kay Faraon na hari sa Egipto sa pag-aasawa niya sa anak na babae ni Faraon, at dinala niya sa bayan ni David, hanggang sa kaniyang natapos itayo ang kaniyang sariling bahay, at ang bahay ng Panginoon, at ang kuta ng Jerusalem sa palibot.
1 Mga Hari 1:21
Sa ibang paraa'y mangyayari, na pagka ang aking panginoon na hari ay natutulog na kasama ng kaniyang mga magulang, na ako at ang aking anak na si Salomon ay mabibilang sa mga may sala.
Mga Gawa 2:29
Mga kapatid, malayang masasabi ko sa inyo ang tungkol sa patriarkang si David, na siya'y namatay at inilibing, at nasa atin ang kaniyang libingan hanggang sa araw na ito.
Mga Gawa 13:36
Sapagka't si David, nang maipaglingkod na niya sa kaniyang sariling lahi ang pasiya ng Dios, ay natulog, at isinama sa kaniyang mga magulang, at nakakita ng kabulukan.
1 Mga Hari 11:43
At natulog si Salomon na kasama ng kaniyang mga magulang, at nalibing sa bayan ni David na kaniyang ama: at si Roboam, na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya,
1 Paralipomeno 11:7
At si David ay tumahan sa katibayan; kaya't kanilang tinawag na bayan ni David.
1 Paralipomeno 29:28
At siya'y namatay sa mabuting katandaan, puspus ng mga araw, mga kayamanan, at karangalan: at si Salomon na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.
Kayamanan ng Kaalaman sa Kasulatan ay hindi nagdagdag