1 Mga Hari 7:23
At kaniyang ginawa ang binubong dagatdagatan na may sangpung siko mula sa labi't labi, na lubos na mabilog, at ang taas ay limang siko: at isang panukat na pisi na may tatlong pung siko ang maipalilibid sa palibot.
2 Mga Hari 25:13
At ang mga haliging tanso na nangasa bahay ng Panginoon, at ang mga tungtungan at ang dagatdagatan na tanso na nasa bahay ng Panginoon, ay dinurog ng mga Caldeo, at dinala ang tanso sa Babilonia.
2 Paralipomeno 4:2
Gumawa rin siya ng dagatdagatan na binubo na may sangpung siko sa labi't labi, na mabilog, at ang taas niyaon ay limang siko; at isang panukat na pisi na may tatlong pung siko na nakalibid sa paligid.
Jeremias 52:17
At ang mga haliging tanso na nangasa bahay ng Panginoon, ang mga tungtungan, at ang dagatdagatan na tanso na nasa bahay ng Panginoon, pinagputolputol ng mga Caldeo, at dinala ang lahat na tanso ng mga yaon sa Babilonia.
Exodo 30:18-21
Gagawa ka rin ng isang hugasang tanso, at ang tungtungan ay tanso, upang paghugasan: at iyong ilalagay sa gitna ng tabernakulo ng kapisanan at ng dambana at iyong sisidlan ng tubig.
Exodo 38:8
At kaniyang ginawa ang hugasan na tanso, at ang tungtungan niyao'y tanso, na niyari sa mga salamin ang tanso ng mga tagapaglingkod na babae na naglilingkod sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan.
2 Mga Hari 16:17
At pinutol ng haring Achaz ang mga hangganan ng mga tungtungan, at inalis sa mga yaon ang hugasan, at ibinaba ang dagatdagatan mula sa mga bakang tanso na nasa ilalim niyaon, at ipinatong sa isang pavimentong bato.
1 Paralipomeno 18:8
At mula sa Thibath at mula sa Chun, na mga bayan ni Adarezer; ay kumuha si David ng totoong maraming tanso, na siyang ginawa ni Salomon na dagatdagatan na tanso, at mga haligi, at mga kasangkapang tanso.
Jeremias 52:20
Ang dalawang haligi, ang dagatdagatan, at ang labing dalawang torong tanso na nangasa ilalim ng mga tungtungan, na ginawa ng haring Salomon na ukol sa bahay ng Panginoon, ang tanso ng lahat ng sisidlang ito ay walang timbang.
Kayamanan ng Kaalaman sa Kasulatan ay hindi nagdagdag